Pumunta sa nilalaman

Sistema ng koordinado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Dekarthing tayuwatan ay isang halimbawa ng sistema ng koordinado

Sa sukgisan, ang sistema ng koordinado[1][tala 1] o tayuwatan[2][tala 2] (Ingles: coördinate system) ay isang kaayusang ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan ng isang tuldok sa isang manipoldo o espasyong maka-Euclides. Sa pagtiyak, tumutukoy sila sa isa-sa-isang tugunan sa bawa’t tuldok ng espasyo o talangkas sa n-tuple ng mga tunay na bilang. Tinatawag naman na koordinado o katayuwat ang bawa’t n-tuple na nakatakda sa isang tuldok. Dahil walang-hanggan ang dami ng pamamaraan sa pagtugon ng isa-isa sa bawa’t tuldok sa isang -tuple, walang hanggan din ang dami ng posibleng tayuwatan.[3]

Narito ang ilang halimbawa ng pinakakilalang kaayusang katayuwat:

Ito ang isa sa pinakapayak na uri ng sistema ng koordinado, sapagka’t isa-sa-isang tugunan lamang ito ng mga tunay na bilang sa isang guhit. Upang makabuo nito, ay pumili lamang ng isang tuldok sa guhit, na babansaging mulaan nito. Matapos, itinuturing ang katayuwat ng bawa’t tuldok sa guhit bilang katumbas sa itinungong agwat nito mula sa mulaan.

The number line
The number line
  1. Tinatawag din ito bilang sistema ng tugmaang pampook o kaayusang katayuwat.
  2. Nagmula ito sa salitang tayuwat (ordinate) at sa hulaping -an, kung saan nagmula naman ang “tayuwat” sa paghahalo ng mga salitang “tayo” at “agwat”

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Coordinate - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "táyuwatán ": Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.). Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 75.
  3. Shanks, Merill E.; Fleenor, Charles R.; Brumfiel, Charles L. (1981). Pre-calculus Mathematics [Dipa-Tayahang Sipnayan]. Estados Unidos: Addison-Wesley Publishing. ISBN 0-201-07684-5.

HeometriyaHeograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heometriya at Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.