Lungsod ng Vaticano
Status Civitatis Vaticanae (Latín) Stato della Città del Vaticano (Italyano) Estado ng Lungsod ng Vaticano | |
---|---|
Salawikain: — | |
![]() | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Lungsod ng Vaticano1 |
Opisyal na wika | Latin2, Italyano |
Pamahalaan | Eklesyastiko |
• Papa | Francisco |
Pietro Parolin | |
Giuseppe Bertello | |
Kalayaan mula sa Kaharian ng Italya | |
11 Pebrero 1929 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 0.44 km2 (0.17 mi kuw) (ika-234) |
• Katubigan (%) | 0 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa Hulyo 2009 | 826 (ika-235) |
• Kapal | 2,093/km2 (5,420.8/mi kuw) (ika-6) |
Salapi | Euro 4 (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | 39 |
Dominyon sa Internet | .va |
{{{1}}} |
Ang Lungsod ng Vaticano, Vatican City[1][2] opisyal na Estado ng Lungsod ng Vaticano (Latin: Status Civitatis Vaticanae) ay isang engklabe na pinalilibutan ng Roma–ang kabisera ng Italya–at siyang bumubuo ng nakapangyayaring teritoryo ng Banal na Sede (Sancta Sede), ang pamahalaang sentral ng Simbahang Katolika. Ito ang pinakamaliit na malayang estado sa daigdig sa sukat at populasyon. Ang Lungsod ng Vaticano ang tahanan ng Santo Papa. Latin ang wikang opisyal ng Banal na Sede, samantalang Aleman naman ang salita ng Suwisong Tanod.
Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]
Ipinangalan ang lungsod-estado sa Burol Vaticano (Mons Vaticanus). Nariyan na ang Burol Vaticano at ng kanugnog nitong Kapatagang Vaticano (Campus Vaticanus) bago pa ng Kristyanismo, at nang maging Kristyano ang Imperyong Romano ay doon na sinimulang ipatayo ang Basilika ni San Pedro, ang Palasyong Apostoliko at ang Kapilyang Sistina nito, at ang Museong Vaticano.
Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]
Nabuo ang kasalukuyang bansa mula sa dáting teritoryo ng Mga Estadong Papal na isinanib sa Kaharián ng Italya. Itinatag ito sa pamamagitan ng Tratadong Laterano, na siyang nilagdaan ng Punong Ministrong si Benito Mussolini para kay Haring Victor Emmanuel III, at Pietro Gasparri, Kalihim–Kardinal ng Estado, para kay Papa Pio XI noong 11 Pebrero 1929.

Mga sanggunián[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ Cruz, Oscar V. (22 Enero 1997). "Maglakbay Tayo". CBCP Online.
- ↑ Tagle, Luis Antonio G. (28 Setyembre 2012). "Liham Pastoral sa Pagdiriwang ng Taon ng Pananampalataya". The Roman Catholic Archdiocese of Manila.
Mga panlabas na kawil[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.