Templo ni Solomon
Templo ni Solomon | |
---|---|
בֵּית־הַמִּקְדָּשׁ | |
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Yahwismo |
Diyos | Yahweh |
Lokasyon | |
Lokasyon | Mount Moriah, Herusalem |
Bansa | Nagkakaisang Kaharian ng Israel |
Arkitektura | |
Tagapagtatag | Solomon |
Nakumpleto | c. 957 BCE |
Nawasak | 587 BCE |
Ang Templo ni Solomon o Unang Templo sa Herusalen(Hebreo: בֵּית-הַמִּקְדָּשׁ הָרִאשׁוֹן, romanisado: Bēṯ hamMīqdāš hāRīʾšōn, lit. 'First House of the Sanctum' ayon sa Bibliya ay ang unang Templo sa Herusalem na itinayo ni Solomon sa Nagkakaisang Kaharaian ng Israel noong mga c. 957 BCE. Ito ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonio noong 587 0 586 BCE ni Nabucodonosor II sa Pagkukubkob sa Herusalem noong 587 BCE at kalaunang humantong sa pagpapaton sa mga mamamayang taga-Judea sa Babilonia pagkatapos ng pagbagsak ng Kaharian ng Judah. Ayon sa Bibliya, ang pagkawasak ng templo at pagpapaton sa mga taga-Judea ay katuparan ng mga propesiya sa Bibliya na ito ay dahil sa pagsamba ng mga Sinaunang Israelita sa politeismo at ayon sa mga iskolar ay ang dahilan kung bakit nabuo ang paniniwalang monoteismo na si Yahweh lamang ang dapat sambahin ng mga Israelita.[1][2] Isinalaysay sa Bibliya na ang ama na pinag-isa ng ama ni Solomon na si David ang labindalawang lipi ng Israel, sumakop sa Herusalem at dinala ang pangunahing artipako ng mga Israelita na Kaban ng Tipan sa lungsod.[3] Kalaunan ay pinili ni David ang Bundok Moriah bilang lugar ng hinaharap na templo upang pagbahayan ng kaban ng tipan. Gayunpaman, ayon sa Bibliya, pinagbawal ng Diyos na itayo ito ni David dahul sa pagdanak niya ng maraming dugo. Ang templo ay itinayo ng kanyang anak na si Solomon at inalagay ang Kaban ng Tipan sa Banal ng mga Banal na lugar dapat lamang para sa mga Dakilang Saserdote ng Israel na pumapasok rito tuwing Yom Kippur kada taon na nagdadala ng dugo ng inihandog na batang tupa at nagsusunog ng insenso.[4].[5]
Ayon sa Bibliya, ang templo ay hindi lamang ang gusali ng pagsamba para sa mga Israelita kundi isang lugar rin ng pagtitipon. Ang mga Hudyong ipinatapon sa Babilonya ay pinayagang makabalik sa Herusalem ni Dakilang Ciro ng Imperyong Akemenida at pinayagan ang mga Hudyo na muling itayo ang nawasak ng templo ni Solomon. Ang bagong templo ay wala ng Kaban ng Tipan dahil ito ay naglaho .[6] Ang Mga Aklat ng mga Hari sa Bibliya ay naglalarawan sa pinakadetalyadong paglalarawan sa pagtatayo ng templo ni Solomon. Mula 1980, ang karamihan ng mga iskolar ng Bibliya ay nagduda at nagsaad na walang templo sa Herusalem noong ika-10 siglo BCE.[7][8] Ayon sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral sa arkeolohiya. [9] Sa karagdagan, Wala ring mga ebidensiya sa labas ng Bibliya o sa arkeolohiya ang sumusuporta sa isang makapangyarihang kapangyarihang Kaharian ng Judea na umiral noong panahon ni David o Solomon.[10] Ayon rin sa arkeologong Israeli na si Israel Finkelstein, walang ebidensiya na ang Templo ni Solomon ay umiral. [11]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Templo ni Herodes (Ikalawang Templo sa Herusalem na winasak ng mga Romano noong 70 CE)
- Yahweh
- Kaharian ng Juda
- Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya)
- Solomon
- David
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Temple of Jerusalem: totally destroyed the building in 587/586
- ↑ Temple of Jerusalem.
- ↑ Pruitt 2014: King David later took the Ark to Jerusalem
- ↑ Jonker 1990, p. 656.
- ↑ Britannica: Holy of Holies.
- ↑ Lovett & Hoffman 2017.
- ↑ Garfinkel & Mumcuoglu 2019.
- ↑ David Ussishkin In: A.G. Vaughn and A.E. Killebrew (eds.), Solomon's Jerusalem: The Text and the Facts on the Ground. Jerusalem in Bible and Archaeology; The First Temple Period, Atlanta, 2003, pp. 103-115
- ↑ Finkelstein, Silverman
- ↑ Israeli Finkelstein, The Bible Unearthed
- ↑ Bible Unearthed, Finkelstein and Silverman