Pumunta sa nilalaman

Solresol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Solresol (Solfège: Sol - Re - Sol), na orihinal na tinatawag na Langue universelle at pagkatapos ay Langue musicale universelle, ay isang wikang artipisyal na idinisenyo ni François Sudre, simula noong 1827. Ang kanyang pangunahing libro tungkol dito, Langue Musicale Universelle, ay nailimbag pagkatapos ng kanyang kamatayan noong 1866, kahit na nai-publiko na niya ito sa loob ng ilang taon. Ang Solresol ay nagkaroon ng isang maikling panahon ng kasikatan na tumaginting dahil sa publikasyon ni Boleslas Gajewski noong 1902, ang Grammaire du Solresol. Ang wikang pangkodigo na ISO 639-3 ay hiniling sa Hulyo 28, 2017, ngunit ay tinanggihan sa 1 Pebrero 2018.

Ngayon, mayroon na lamang mga maliliit na komunidad ng mga taong may kahiligan sa Solresol sa buong mundo.