Son Ye-jin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Son.
Son Ye-jin
181018 손예진 04 (cropped).jpg
Son noong 2018
Kapanganakan
Son Eon-jin

(1982-01-11) Enero 11, 1982 (edad 39)
EdukasyonSurian ng mga Sining ng Seoul - Pelikula
TrabahoAktres
Taóng aktibo1999–kasalukuyan
AhenteMSTeam Entertainment
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonSon Ye-jin
McCune–ReischauerSon Yejin
Pangalan sa kapanganakan
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonSon Eon-jin
McCune–ReischauerSon Ŏnjin

Si Son Ye-jin (ipinanganak bilang si Son Eon-jin noong Enero 11, 1982) ay isang Timong Koreanang aktres. Sumikat siya sa mga romantikong pelikula at teleserye tulad ng The Classic (2003), Summer Scent (2003), A Moment to Remember (2004), at April Snow (2005). Nakilala siya dahil sa kanyang bersatilidad sa mga iba't ibang genre, kapansin-pansin sa Alone in Love (2006), My Wife Got Married (2008), The Pirates (2014) at ang mga pelikula noong 2016, The Truth Beneath at The Last Princess.[2] Kilala rin siya para kanyang mga pangunahing papel sa mga romansang drama tulad ng Something in the Rain (2018) at Crash Landing on You (2019–2020).

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

2000–2005: Pasimula at pagsikat sa Silangang Asya[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Son Ye-jin ay naging boses ni Jung Mi-jo sa Secret Tears, isang pelikula ni Park Ki-hyung noong 2000, at pagkatapos ay gumanap sa pangunahing papel sa mga drama sa telebisyon tulad ng Delicious Proposal,[3] Sun-hee and Jin-hee,[4] at Great Ambition.[5] Ang kanyang unang kapuna-punang papel sa sine ay sa Chi-hwa-seon ni Im Kwon-taek, na inilabas sa Cannes at ipinagkaloob ng gantimpalang Best Director noong 2002.[6][7]

Ang pinakamalaking tagumpay ng kanyang maagang karera ay sa mga kasunod na pelikula Lovers' Concerto at The Classic.[8][9] Katamtaman ang pagpatok ng dalawa sa Korea, at ang The Classic na partikular — na isang akda ni Kwak Jae-yong, direktor ng My Sassy Girl ay lubhang nalantad sa mga rehiyon tulad ng Hong Kong at kalupaang Tsina at inilunsad si Son sa pagsisikat sa Silangang Asya.[10] Pinatibay pa lalo ni Son ang kanyang estado bilang Hallyu star sa pagtanggap ng pangunahing papel sa Summer Scent, isang dramang pantelebisyon na naging ikatlong pagtatalaga ng Endless Love, isang tetralohiya batay sa mga kapanahunan ng taon sa direksyon ni Yoon Seok-ho.[11]

Pumatok din ang kanyang dalawang susunod na pelikula sa Silangang Asya: ang A Moment to Remember,[12][13] batay sa isang sikat na seryeng Hapones, ay nakapagtatag ng mga rekord sa takilya sa Hapon at nakapagbenta ng higit sa dalawang milyong tiket sa Korea,[14][15] at pumatok din ang April Snow, na pinagbidahan niya kasama ni superstar Bae Yong-joon[16] sa Hapon at Tsina.[17] Binansagan si Son, na nagpakita ng dalisay at inosenteng imahe sa kanyang mga pelikulang The Classic at A Moment to Remember, ng "Unang Pag-ibig ng Bansa" sa Korea.[18]

Noong 2006, siya ang naging pinakamataas na binabayarang Koreanang aktres sa Koreanovela noong nagarantiyahan siya ng upang pantalento ng KRW 50 milyon (saka insentibo) sa bawat episodyo para sa kanyang pangunahing papel sa drama ng SBS, Alone in Love (Koreano: 연애시대; RR: Yeon-ae Sidae; lit. "Henerasyon ng Pag-ibig").[19]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat sa Ingles Orihinal na pamagat Papel Sang.
2000 Secret Tears 비밀
2002 Chi-hwa-seon 취화선 So-woon [6]
Lover's Concerto 연애소설 Shim Soo-in/Gyung-hee [8]
2003 The Classic 클래식 Ji-hye/Joo-hee [9]
First Love Rally 첫사랑 사수 궐기대회 Ju Il-mae [20]
2004 A Moment to Remember 내 머리 속의 지우개 Kim Su-jin [12]
2005 April Snow 외출 Seo-young [16]
The Art of Seduction 작업의 정석 Han Ji-won [21]
2007 Yobi, the Five Tailed Fox 천년여우 여우비 Yobi (boses) [22]
2008 Open City 무방비 도시 Baek Jang-mi [23]
My Wife Got Married 아내가 결혼했다 Joo In-ah [24]
2009 White Night 백야행: 하얀 어둠 속을 걷다 Yoo Mi-ho/Lee Ji-ah [25]
2011 Spellbound 오싹한 연애 Kang Yeo-ri [26]
2012 The Tower 타워 Seo Yoon-hee [27]
2013 Blood and Ties 공범 Jung Da-eun [28]
2014 The Pirates 해적: 바다로 간 산적 Yeo-wol [29]
2015 Bad Guys Always Die 나쁜놈은 반드시 죽는다 Ji-yeon [30]
2016 The Truth Beneath 비밀은 없다 Kim Yeon-hong [31]
The Last Princess 덕혜옹주 Prinsesa Deokhye [32]
2018 Be with You 지금 만나러 갑니다 Soo-ah [33]
The Negotiation 협상 Ha Chae-yoon [34]

Mga teleserye[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat sa Ingles Orihinal na pamagat Papel Kalambatan Sang.
2001 Delicious Proposal 맛있는 청혼 Jang Hee-ae MBC [35]
Sun-hee and Jin-hee 선희 진희 Shim Sun-hee [4]
2002 Great Ambition 대망 Choi Dong-hee SBS [5]
2003 Summer Scent 여름향기 Shim Hye-won KBS2 [11]
2006 Alone in Love 연애시대 Yoo Eun-ho SBS [36]
2008 Spotlight 스포트라이트 Seo Woo-jin MBC [37]
2010 Personal Taste 개인의 취향 Park Kae-in
2011 Secret Garden 시크릿 가든 Kanyang sarili (kameo, ika-20 episodyo) SBS [38]
2013 Don't Look Back: The Legend of Orpheus 상어 Jo Hae-woo KBS2
2018 Something in the Rain 밥 잘 사주는 예쁜 누나 Yoon Jin-ah JTBC [39]
2019-2020 Crash Landing on You 사랑의 불시착 Yoon Se-ri tvN [40]

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Son Ye Jin Biography". 2015-12-21. Nakuha noong 2016-12-18.
  2. "10LINE: Actress Son Ye-jin". 10Asia. Mayo 14, 2010.
  3. "Young, Charming and Innocent ? What More Could You Want?". Korea JoongAng Daily. Marso 12, 2001.
  4. 4.0 4.1 "MBC 史劇 접고 '트렌디'로 승부수…내달 20일 '선희 진희' 첫 방송". KMIB (sa wikang Koreano). Hulyo 31, 2007.
  5. 5.0 5.1 "'대망' 남장여인 손예진 "어색"지적". The Korea Times. Oktubre 31, 2002.
  6. 6.0 6.1 임권택감독 신작 '취화선' 캐스팅 완료. BNT News (sa wikang Koreano). Hunyo 1, 2001.
  7. "Actors and Actresses of Korean Cinema: Son Ye-jin" Naka-arkibo 2015-05-21 sa Wayback Machine.. Koreanfilm.org. Hinango noong 2012-04-20.
  8. 8.0 8.1 <연애소설>, 크랭크업! 손예진은 아쉬움에 눈물까지 글썽. Max Movie (sa wikang Koreano). Enero 31, 2002.
  9. 9.0 9.1 <클래식>의 손예진, 빗속에서 7시간,영화를 깨치다. Cine21 (sa wikang Koreano). Enero 15, 2003.
  10. 손예진 "서툰 첫사랑의 손길, 제가 봐도 예쁘던걸요". Hankook Ilbo (sa wikang Koreano). 20 March 2018.
  11. 11.0 11.1 "Love and Destiny, New TV Series Set to Lure Chinese Audience". The Donga Ilbo. Hunyo 10, 2003.
  12. 12.0 12.1 [영화가 단신] <내 머리속의 지우개> 크랭크 업 外. Cine21 (sa wikang Koreano). Agosto 19, 2004.
  13. ‘내 머리속의 지우개’ 정우성과 손예진. Hankook Ilbo (sa wikang Koreano). Oktubre 26, 2004.
  14. "The Best Selling Films of 2004". Koreanfilm.org. Nakuha noong 2013-08-08.
  15. "A Moment to Remember breaks Japanese record". Korean Film Council. 14 December 2005. Tinago mula sa orihinal noong Setyembre 17, 2017. Nakuha noong Hunyo 12, 2013.
  16. 16.0 16.1 "Son Ye-jin to Star Alongside Bae Yong-joon in New Film". Korean Film Council. Tinago mula sa orihinal noong Setyembre 17, 2017. Nakuha noong Disyembre 24, 2004.
  17. "Films Starring Sohn Ye-jin Attract 10 Mil. Viewers in Korea, Japan". KBS Global. Disyembre 28, 2005.
  18. "Korean stars dubbed 'Nation's first love'". Kpop Herald. Hunyo 10, 2016.
  19. "'참한' 손예진 드라마 1회당 5,000만원". Korea i.com news department. Enero 6, 2006.
  20. 문디남녀의 연애학개론,<첫사랑 사수 궐기대회>의 차태현+손예진. Cine21 (sa wikang Koreano). Hunyo 18, 2003.
  21. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang art); $2
  22. 손예진 "성인 목소리 나올까봐 걱정했죠". Yonhap News Agency (sa wikang Koreano). Disyembre 22, 2006.
  23. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang open); $2
  24. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang married); $2
  25. "Son Ye-jin not worried over provocative roles". 10Asia. Oktubre 21, 2009.
  26. "Son Ye-jin Eyeing Melodrama After 'Chilling Romance'". The Chosun Ilbo. 1 December 2011.
  27. "Son Ye-jin a pillar of support in 'The Tower'". Korea JoongAng Daily. 27 December 2012.
  28. "Son Ye-jin to Debut Dark Family Saga". 10Asia. Oktubre 12, 2012.
  29. "Pirate's life for Son Ye-jin". Korea JoongAng Daily. Agosto 5, 2014.
  30. "Actress Son Ye-jin hungered for road movie". Yonhap News Agency. Oktubre 2, 2015.
  31. "(LEAD) Actress Son Ye-jin calls acting a 'marathon of consuming emotions'". Yonhap News Agency. Agosto 8, 2016.
  32. "(Yonhap Interview) Son Ye-jin says she gave her all as Princess Deokhye". Yonhap News Agency. Hulyo 29, 2016.
  33. "'Melodrama queen' back to silver screen with remake of Japanese romance film". Kpop Herald. Marso 11, 2018.
  34. "Hyunbin and Son Ye-jin collaborate for first time for JK Film's new thriller". Yonhap News Agency. Agosto 9, 2018.
  35. [스타데이트] '탤런트 손예진'. BNT News (sa wikang Koreano). Agosto 15, 2001.
  36. 손예진 "대본 보고 이런 게 사랑이라 생각했죠". Yonhap News Agency (sa wikang Koreano). Marso 9, 2006.
  37. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang spotlight); $2
  38. 손예진, '시크릿가든' 마지막회서 톱여배우 '손예진' 역할. The Chosun Ilbo (sa wikang Koreano). Enero 15, 2011.
  39. "(Yonhap Interview) Son Ye-jin says maturity not necessarily proportional to age". Yonhap News Agency. Mayo 28, 2018.
  40. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang crash); $2