Pumunta sa nilalaman

Stephen Lang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Stephen Lang
Si Lang noong 2022
Kapanganakan (1952-07-11) 11 Hulyo 1952 (edad 73)[1]
EdukasyonKolehiyong Swarthmore (BA)
Trabaho
  • Actor
  • mandudula
  • tagapagsalaysay
  • prodyuser
  • tagasulat ng senaryo
Aktibong taon1981–kasalukuyan
AsawaKristina Watson (k. 1980)
Anak4, kabilang si Lucy
MagulangEugene Lang (ama)
Kamag-anakJane Lang (ina)

Si Stephen Lang (ipinanganak Hulyo 11, 1952) ay isang Amerikanong aktor sa entablado at pelikula. Nakilala siya sa kanyang papel bilang pangunahing kontrabida na si Colonel Miles Quaritch sa pelikulang Avatar (2009) ni James Cameron, kung saan nanalo siya ng Saturn Award para sa Pinakamahusay na Pangalawang Aktor. Muling ginampanan ni Lang ang nasabing papel sa mga sumunod na pelikula.

Unang yugto ng buhay at kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala rin si Lang sa kanyang mga papel sa mga pelikulang Manhunter (1986), Last Exit to Brooklyn (1989), Gettysburg at Tombstone (parehong 1993), Gods and Generals (2003), Public Enemies at The Men Who Stare at Goats (parehong 2009), Conan the Barbarian (2011), Don’t Breathe (2016) at ang kasunod nitong Don’t Breathe 2 (2021). Sa telebisyon, gumanap siya bilang Commander Nathaniel Taylor sa Terra Nova (2011), Waldo sa Into the Badlands (2015–2018), at David Cord sa The Good Fight (2021).[1][2] Mayroon siyang dalawang nakatatandang kapatid si Jane, isang abogado at aktibista, at si David, na nagsilbing ehekutibo sa REFAC, kumpanyang itinatag ng kanilang ama noong 1952. Ibinigay ng kanilang ama ang malaking bahagi ng kanyang yaman (higit $150 milyon) sa kawanggawa at hindi nag-iwan ng mana sa kanyang mga anak, dahil naniniwala siyang dapat matuto ang bawat isa na maging masarili at kayang tumayo sa sariling paa.[3][2][4]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Lang ay kasal kay Kristina Watson mula pa noong 1980, at magkasama silang may apat na anak, kabilang si Lucy Lang, ang New York State Inspector General (Tagapagsiyasat Heneral ng Estado ng New York).[5]

Noong Mayo 30, 2010, iginawad ng Swarthmore sa kanya ang isang digring onoraryo bilang pagkilala sa kanyang karera sa teatro, telebisyon, at pelikula.[6] Ang kanyang bunsong anak na si Noah ay tumanggap ng digring batsilyer sa parehong seremonya.[6] Hawak din niya ang doktoradong onoraryo in Humane Letters mula sa Unibersidad ng Jacksonville at naging residenteng artista sa Unibersidad ng Northeastern noong 2011.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Stephen Lang Biography (1952-)" (sa wikang Ingles). Filmreference.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 4, 2010. Nakuha noong Mayo 30, 2010.
  2. 2.0 2.1 Stark, John (Mayo 28, 1990). "Forgoing His Father's Millions, Stephen Lang Bootstraps to Acting Fame with the Help of a Few Good Men. Vol. 33. № 21.". People.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 26, 2010. Nakuha noong Mayo 30, 2010.
  3. Panarello, Joseph. "The Multiple Personalities of Stephen Lang" (sa wikang Ingles). broadwayworld.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 5, 2012. Nakuha noong Agosto 12, 2009.
  4. Breitman, Rachel; Jones, Del (Hulyo 26, 2006). "Heirs not-so-apparent?". USA Today (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 25, 2012. Nakuha noong Setyembre 15, 2017.
  5. Lawyer Breaks Down 17 Courtroom Scenes From Film & TV | WIRED (sa wikang Ingles), Enero 24, 2020, nakuha noong 2022-07-27
  6. 6.0 6.1 Attendee of the ceremony for his son Sergio's graduation, Ricardo V Rivas, EA, president of the Texas Society of Enrolled Agents and http://www.swarthmore.edu/x28750.xml Naka-arkibo April 8, 2010[Date mismatch], sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  7. Stephen Lang Naka-arkibo 2012-12-05 sa Wayback Machine. (sa Ingles)