Succubus

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang nililok na wangis ng isang succubus na ginawa noong ika-16 na daantaon.

Sa kuwentong-bayan ng alamat na midyibal, ang isang succubus (na nagiging succubi kapag maramihan) ay isang babaeng demonyo o entidad na sobrenatural na lumilitaw sa loob ng mga panaginip, na nagiging isang babaeng tao upang makapang-akit ng mga lalaki, na karaniwang sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ang katumbas nitong lalaki ay tinatawag na incubus. Pinanghahawakan ng mga tradisyong pangrelihiyon na ang paulit-ulit na pakikipagtalik sa isang succubus ay maaaring magresulta sa panghihina ng kalusugan o kaya sa kamatayan.

Sa makabagong kathang-isip na mga representasyon, ang isang succubus ay maaari o maaaring hindi lumitaw sa mga panaginip at kadalasang inilalarawan bilang isang napakakaakit-akit na babaeng mang-aakit o salamangkera; habang, sa nakaraang mga kapanahunan, pangkalahatang inilalarawan ang mga succubus bilang nakakatakot at parang demonyo.

Etimolohiya[baguhin]

Ang salitang "succubus" ay hinango mula sa Huling Latin na succuba o "istrumpeta" (strumpet sa Ingles, na may kahulugang "babaeng pakakak"), mula sa succubare na may kahulugang "humimlay sa ilalim", mula sa sub- "ilalim" at cubare "humiga"), na ginagamit upang ilarawan din ang isang nilalang na sobrenatural. Unang lumitaw ang salita noong 1387.[1]

Mga sanggunian[baguhin]