Suho

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Suho
Kabatiran
Kapanganakang pangalanKim Jun-myeon
Kilala rin bilangKim Joon-myun
Kapanganakan (1991-05-22) Mayo 22, 1991 (edad 28)
Seoul, Timog Korea
Mga Gawain Direktor_ng_SM_Entertainment
Mga InstrumentoSinging

| Genre = | Years_active = 2012–present | Label = S.M. Entertainment | Associated_acts = Exo | URL = }} Si Kim Joon-myun (Hangul: 김준면, Hanja: 金俊勉, ipinanganak Mayo 22, 1991 sa Seoul, Timog Korea), mas kilala siya bilang Suho (Hangul: 수호), ay isang mang-aawit at artista sa Timog Korea. Kasapi siya ng bandang EXO. Bukod sa pagiging miyembro na isang banda, lumabas si Suho sa iba't ibang palabas sa telebisyon at pelikula kabilang ang One Way Trip (2016), The Universe's Star (2017), at Rich Man (2018).

Pagkabata at edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Tubong Seoul si Suho at tumira siya sa Apgujeon kasama ang kanyang pamilya. Nang kanyang kabataan, pangulo si Suho ng kanyang klase sa elementarya at pangalawang tagapangulo ng samahang mag-aaral ng kanyang paaralan. Nagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng Whimoon.[1]

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsanay si Suho sa sistema ng pagganap ng SM Entertainment noong 2006, pagkatapos na madiskubre sa mga kalye sa pamamagitan ng tagapamahala ng gumaganap ng SM. Noong 2007, lumabas siya sa maliit na pagganap sa pelikula ng Super Junior na Attack on the Pin-Up Boys.[2]

Noong Pebrero 2014, naging regular na host si Suho para sa lingguhang musikang palabas ng SBS na Inkigayo kasama ang kasamahan sa Exo na si Baekhyun, kasapi ng ZE:A na si Kwanghee at aktres na si Lee Yu-bi.[3] Umalis sina Suho at Baekhyun sa palabas noong Nobyembre 2014 upang ituon ang kanilang pansin sa paglabas ng kanilang ikalawang istudiyo na album na Exodus.[4]

Pansariling buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2009, pumasok si Suho sa Korea National University of Arts, bagaman, umalis siya rito noong 2011 at pinagpatuloy ang kanyang edukasyon sa Kyung Hee Cyber University kasama ang kasamahan sa Exo na sina Chanyeol and Baekhyun. Kumuha siya doon ng mga klase para sa Kultura at Sining sa Kagawaran ng Pamamahala ng Negosyo.[5] Inihayag ni Suho sa palabas ng KBS na Fluttering India at sa Vapp na isa siyang Budista.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Hwang Hyo-jin (Mayo 2, 2012). "EXO-K: My name is 수호, 디오" [EXO-K: My name is Suho, D.O.]. TenAsia (sa wikang Koreano). Hinango noong Hulyo 4, 2016.
  2. "EXO's Suho Facts (Personal Life, Height, Wealth, and Other)". Channel Korea (sa Ingles). Disyembre 17, 2017. Hinango noong Nobyembre 4, 2018.
  3. "EXO's Suho, Baekhyun to Host "Inkigayo"". 10Asia (sa Ingles). Enero 27, 2014.
  4. "Suho, Baekhyun step down from 'Inkigayo'". Kpop Herald (sa Ingles). Disyembre 14, 2016.
  5. "수호·백현·찬열 사이버대 재학 中…문화예술경영 배운다". 중앙일보 (sa Koreano). Oktubre 22, 2014. Hinango noong Enero 26, 2017.
  6. "EXO′s Suho Reveals His Religion on ′Naver V Live′". enewsWorld (sa Ingles). Hinango noong Setyembre 18, 2016.