Pumunta sa nilalaman

Sulat sa mga taga-Colosas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sulat sa Mga taga Colosas)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Sulat sa mga taga-Colosas o Sulat sa mga Colosense ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na nakahanay sa mga liham na isinulat ni Apostol San Pablo. ang sulat na ito ay para sa mga taga-Colosas o mga Colosense.

Ipinadala ni San Pablo ang sulat na ito sa Colosas noong taong 63 sa pamamagitan ni Tiquico. Sa liham, binatikos ni San Pablo ang mga aral na pinalalaganap ng mga kalaban hinggil sa mga anghel. Binatikos din ng sulat ang mga pangaral ng mga kaaway tungkol sa Manunubos na si Hesukristo, pati na ang ukol sa mga kautusang nagmula sa Lumang Tipan ng Bibliya. Nagpaliwanag si San Pablo ng tungkol sa pagka-Diyos at katawang mistiko ni Hesukristo.[1]

May pagkakahawig ang Sulat sa mga taga-Colosas sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Efeso.[1]

Ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Colosas ay nagbibigay ng diin sa pagkakaroon ng mga sumusunod:

  • Katapatan sa mga pangaral ni Hesukristo
  • Katapatan sa Simbahan

Ang ganitong mga paksa ay matatagpuan din sa sulat ni San Pablo para sa mga taga-Filipos at sa mga taga-Efeso.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Colosense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1720.
  2. "Letters to the Philippians, Colossians, and Ephesians". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, pahina 161.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]