Sunog sa Notre-Dame ng Paris

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Sunog sa Notre-Dame ng Paris
Notre Dame on fire 15042019-1 (cropped).jpg
Tanawin mula sa Place Saint-Michel, mga isang oras makalipas ang simula ng sunog
Time18:50 CEST (16:50 UTC)
Duration15 hours[1]
Date15 Abril 2019; 31 araw nang nakalipas (2019-04-15)
VenueKatedral ng Notre-Dame
LocationParis, Pransiya
Coordinates48°51′11″N 2°20′59″E / 48.8530°N 2.3498°E / 48.8530; 2.3498Coordinates: 48°51′11″N 2°20′59″E / 48.8530°N 2.3498°E / 48.8530; 2.3498
Deaths0[2]
Non-fatal injuries3; isang bumbero at dalawang pulis[3][4]
Property damageSirang bubong at bagsak na toreng patulis; pinsala sa mga bintana at batong kisame

Noong 15 Abril 2019, bago ang 18:50 CEST, sumiklab ang sunog sa ilalim ng bubong ng Katedral ng Notre-Dame sa Paris . Nang matapos nang mapuksa ang sunog makalipas ng labinglimang oras, matagal nang gumuho ang bubong at ang toreng patulis at ang looban ng katedral, pang-itaas na dingding, at mga bintana ay napinsala nang matindi. Napigilan ang mas malawak pang pinsala sa loob dahil sa bato nitong kisame na humarang sa pagbagsak ng nasusunog na bubong. Maraming mga gawang sining at iba pang mga kayamanan ang naisalba palabas noong unang bahagi ng sunog, ngunit marami pang ibang nasira o nawasak. Kaunti o walang pinsala ang natamo ng dalawang organong tubo ng katedral, at ng tatlong mga bintanang rosas na ginawa noong ika-13 siglo.

Ipinangako ni Pangulong Emmanuel Macron na aayusing muli ng Pransiya ang katedral at inilunsad niya ang isang kampanyang mangangalap ng pondo na nagdala ng mga pangako ng €800 milyon sa loob ng 24 na oras. Tinataya na ang pagsasaayos ng katedral ay maaaring tumagal ng dalawampu o higit pang mga taon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]