Survey sampling

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Sa estadistika, ang survey sampling (salitang Ingles, literal na salin sa wikang Tagalog: pagpili sa nasuri) ay naglalarawan sa proseso ng pagpili ng sample (o maliit na bahagdan) ng mga elemento mula sa ninais na populasyon upang makapagsagawa ng isang pagsisiyasat. Ang salitang survey ay maaaring tumungkol sa marami at iba't–ibang uri o pamamaraan sa pag-sisiyasat. Sa survey sampling, madalas ay nangangailangan ito ng palatanungan na ginagamit upang masukat ang mga katangian at/o pag-uugali ng mga tao. Ang iba't–ibang paraan upang makapagbigay-alam sa mga naging miyembro ng sample kapag sila ay napabilang sa pagsisiyasat ay sakop ng pangongolekta ng datos sa pagsisiyasat. Ang layunin ng paggawa ng sample ay upang mabawasan ang gastos at/o dami ng trabaho na gugugulin nito sa pagsisiyasat sa buong ninais na populasyon. Ang pagsisiyasat na sumusukat sa buong ninais na populasyon ay tinatawag na senso.

Ang mga survey sample ay maaaring hatiin sa dalawang klase: probability sample at hindi-probablity sample. Ang mga nakabatay sa probability sample ay nagsasagawa ng plano sa paggawa ng sample ng may tiyak na probabilidad (marahil ay mga adaptibong probabilidad na natukoy sa adaptibong pamamaraan). Ang mga nakabatay sa probability sample ay nagpapahintulot na makapaghinuha galing sa plano patungkol sa ninais na populasyon. Ang mga hinuha ay nakabatay sa nababatid na obhektibong pamamahagi ng probabilidad na tinukoy sa protocol ng pag-aaral. Ang mga hinuha mula sa mga pagsisiyasat na nakabatay sa probabilidad ay maaari paring dumanas ng iba’t–ibang klase ng pagkiling.

Ang mga pagsisiyasat na hindi nakabatay sa probability sample ay may mas malaking problema sa pagsukat sa kanilang kinikilingan o kamalian sa paggawa ng sample. Ang mga pagsisiyasat na nakabatay sa hindi-probability sample ay madalas na bigo sa pagkatawan sa mga tao sa ninais na na populasyon.