Pumunta sa nilalaman

Aklat ni Susana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Susanna (Aklat ni Daniel))
Ang dibuhong Si Susana at ang mga Matatanda, ginuhit ni Sebastiano Ricci.

Ang Aklat ni Susana[1] o Si Susana[2] ay isang aklat na deuterokanikong[2] naidagdag sa Aklat ni Daniel sa Lumang Tipan ng Bibliya nang maisalin ito sa wikang Griyego. Ito ang naging Kabanata 13 sa Aklat ni Daniel.[2] Isa itong maikling kuwentong ibinibilang sa mga "pinakamainam na maikling panitikan sa buong mundo." Kabilang sa mga paksa ng salaysayin ang "pagtatagumpay ng mabuti laban sa masama" at ang "pananampalataya sa Diyos." Inilalahad dito ang kung paanong ang isang maganda at butihing babaeng nagngangalang Susana ay naparatangan ng pangangalunya. Napawalang-sala siya mula sa mga paratang ng dalawang masasamang mga matatanda o hukom dahil sa karunungan at katapangang ipinakita ni Daniel.[1][3]

Nakabatay ang pagsasalinwika ng Aklat ni Susana mula sa salinwikang tinatawag na Pitumpu at sa Vulgata, kaya't naging kasunod ng Kabanata 12 (Taning na Panahon Upang Matupad ang Hula) ng Aklat ni Daniel. Ngunit nasa simula ito ng aklat kung babatay sa saling ginawa ni Teodocion, nasa panimula ito ng aklat.[2]

Binubuo ang Aklat ni Susana ng ganitong mga pagkakabaha-bahagi:[1]

Mga Aklat ng Bibliya

  • Naakit ang Dalawang Hukom sa Kagandahan ni Susana
  • Tinangka ng Dalawang Hukom na Akitin si Susana
  • Ang Paratang ng Dalawang Hukom Laban kay Susana
  • Nanalangin si Susana
  • Iniligtas ni Daniel si Susana

Dalawa pang aklat na idinagdag sa Aklat ni Daniel matapos maisalin mula sa Griyego:[1][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "[http://angbiblia.net/susana.aspx Aklat ni Susana]". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008. {{cite ensiklopedya}}: External link in |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Abriol, Jose C. (2000). "Si Susana (Kabanata 13 ng Aklat ni Daniel), paliwanag sa pahina 1344-1345)". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Apocrypha, Bible, pahina 159". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]