Sycorax (buwan)

Ang Sycorax ay isang likas na satelayt ni Urano at ang pinakamalaking di-regular na buwan niya na may laki na 165 na kilometro.[1] Ito rin ang pangatlong pinakamalaking di-regular na buwan, kasunod nina Phoebe at Nereid na may laki na 213 at 340 na kilometro.[2]
Natuklasan ito noong Setyembre ng 1997 nina Philip Nicholson, Brett Gladman, Joseph Burns, at John Kavelaars gamit ang Teleskopyo na Hale sa Obserbatoryo ng Palomar kasama ang buwang Caliban. Ito ay binigyan ng pansamantalang pagtatalaga na S/1997 U2 at Romanong numerong Uranus XVII. Unting oras ng paglipas, nakuha niya ang pormal na pangalan na Sycorax sa mga sinulat ni William Shakespeare at ang ina ni Caliban, isa rin buwan ni Urano.[3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.