Pumunta sa nilalaman

Philippine Basketball Association

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa TNT Tropang Giga)
Philippine Basketball Association (PBA)
Current season, competition or edition:
Current sports event Panahong PBA 2022–23
Ang logo ng PBA na ginagamit simula noong 1993
SportBasketball
ItinatagAbril 9, 1975
Lungsod Quezon, Pilipinas
Inaugural season1975
CommissionerWillie Marcial
MottoTayo ang Bida
Mga Koponan12
Bansa Pilipinas
Most recent
champion(s)
2022 PhilippineSan Miguel Beermen
2022–23 Commissioner'sBarangay Ginebra San Miguel
Most titlesSan Miguel Beermen (28 kampeyonato)
Mga TV partnerRPTV, PBA Rush
Opisyal na websaytPBA

Ang Philippine Basketball Association (Filipino: Kapisanang Basketbol ng Pilipinas) ay isang propesyunal na liga ng basketbol sa Pilipinas na nagsimula noong 1975. Ang PBA ang pinakamatandang propesyonal na liga ng basketbol sa Asya at pangalawang pinakamatandang propesyunal na liga ng basketbol sa mundo, matapos ang National Basketball Association ng Estados Unidos.[1] Itinulad ang mga patakaran nito doon sa FIBA at National Basketball Association.

Ang unang laro ng liga ay ginawa sa Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon noong Abril 9, 1975.[2] Ang tanggapan ng liga ay matatagpuan sa Eastwood City, Libis, Lungsod Quezon. Ang liga ay pinangungunahan ni Komisyoner Willie Marcial.

Inihagis ni Bb. PBA, Mia Montemayor ang bolang seremonyal sa pagitan nina Cisco Oliver ng Mariwasa at Ramon Lucindo ng Concepcion sa pagbubukas ng liga noong 1975.
Ang unang logo ng PBA na ginamit mula 1975 hanggang 1988

Ang Philippine Basketball Association ay itinatag nang umalis ang siyam na koponan ng ngayo'y buwag na Manila Industrial and Commercial Athletic Association, na mahigpit na hinahawakan ng Kapisanang Basketbol ng Pilipinas (Basketball Association of the Philippines (ngayo'y buwag na rin), ang dating pambansang kapisanan na kininilala ng FIBA.[3]

Si Leopoldo Prieto, ang tagasanay ng koponang basketbol ng Pilipinas para sa 1956 Melbourne Olympics, ay piniling unang komisyonado ng liga at si Domingo Itchon, na kumkakatawan sa koponang Tanduay ay unang napiling pangulo ng liga. Ang unang laro ng liga ay ginawa sa Araneta Coliseum noong 9 Abril 1975.

Ang unang sampung taon ng dekada ay naging kilala dahil sa masidhing labanan ng Crispa Redmanizers at Toyota Tamaraws, na hanggang sa ngayon ay kinikilala bilang isa sa mga pinakadakilang labanan sa kasaysayan ng liga. Sina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Francis Arnaiz, Atoy Co, Bogs Adornado at Philip Cezar ay naglaro sa Crispa at Toyota bago sila mabuwag noong 1983 at 1984 mahuyukhuyukon. Matapos ang kanilang pagbuwag, ang liga ay lumipat sa ULTRA sa Pasig noong 1985. Doon, ang liga ay patuloy na naging sikat matapos na lumipat ang mga dating manlalaro ng Crispa at Toyota sa iba't ibang koponan.

Sa panahong ito, si Jaworksi at ang Ginebra San Miguel ay ang naging pinakasikat na koponan sa liga dahil sa kanilang "never say die" na saloobin.[4] Ang koponan na ito ay nagkaroon rin ng masidhing labanan sa Tanduay Rhum Makers at ang Purefoods Hotdogs, na kung saan ang karibal ni Jaworski na si Ramon Fernandez at ang mga baguhang manlalaro na sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera at Jojo Lastimosa ay napapabilang.

Sa pagtatapos ng dekada 1980, ang San Miguel Beermen, na pinangungunahan ni tagasanay Norman Black at ang mga manlalarong sina Samboy Lim at Hector Calma ay nakapagkalap ng maraming kampiyonato, kabilang na ang Grand Slam noong 1989.

Ang ikalawang logo ng PBA na opisyal na ginamit mula 1989 hanggang 1992. (ginamit na pangalawang logo ng liga mula 1985 hanggang 1988)

Noong 1989, pinayagan ng FIBA na maglaro ang mga propesyonal na manlalaro sa kanilang mga torneyo, dahil dito, ang mga manlalaro ng PBA ay maaari ng maglaro upang kumatawan sa Pilipinas sa mga pandaigdigang torneyo. Noong 1990, ang liga ay nagapadala ng kauna-unahang propesyonal na koponan sa Asian Games at nakamit ang pilak na medalya. Ang liga ay nagpatuloy na magpadala ng mga koponan para sa torneyong ito.

Sa unang bahagi ng dekada 1990 ay nakita ang labanan ng Ginebra San Miguel at Shell Rimula X, na nauwi sa pagwelga ng Ginebra sa 1990 First Conference Finals at ang dramatikong pagbalik galing sa 1-3 pagkalugi ng Ginebra upang talunin ang Shell makalipas ng isang taon. Sina Patrimonio, Allan Caidic at iba pang mga manlalaro ang naging pangunahing atraksiyon ng liga.

Noong 1993, ang liga ay lumipat sa Cuneta Astrodome sa Pasay at kinatagalan ay nakita ang pagpunyagi ng Alaska Milkmen sa kanilang pagpanalo ng siyam na kampiyonato at ang Grandslam noong 1996.

Mula 1999 at 2000, ang liga ay napabalutan ng kontrobersiya. Maraming manalaro tulad nina Asi Taulava, Danny Siegle at Eric Menk ay naglaro sa liga kahit na may alinlangan sa kanilang pagka-Filipino. Ang kanilang lipi ay pinag-aalinlangan at karamihan sa kanila ay ipinatapon dahil sa pekeng mga dokumento. Ang pagdating ng mga ganitong manlalaro ay isang paraan para labanan ang sumisikat na Metropolitan Basketball Association, isang ligang rehiyonal na itinatag noong 1998. Nang bitawan ng ABS-CBN ang pag-alalay sa liga, ang MBA ay naharap ang labis na utang at nabuwag din noong 2002. Kahit nabuwag ang karibal ng PBA, ang liga ay nagdusa sa pagkaunti ng mga manonood sa kanilang mga lugar na pinaglalaruan at mas lumala pa noong 2003.

Noong 2004, binago ng liga ang kanilang iskedyul, ng kanilang pagdesisyunan na magsimula ng Oktubre, imbes na Enero ng taon. Ang pagbabagong ito ay ginawa upang ang liga ay makapaglaro sa mga pandaigdigang mga torneyo na kadalasan ay ginagawa mula Hunyo hanggang Setyembre. Binawasan rin ng liga ang kanilang mga kumperensiya mula tatlo hanggang dalawa. Ang All-Filipino Cup ay pinagnalanang Philippine Cup at gumawa ng bagong kumperensiya na may "import" na pinangalanang Fiesta Conference. Para mabigyan-daan ang pagbabagong ito, gumawa ang liga ng isang pampalampas na kumperensiya, ang 2004 PBA Fiesta Conference na ginanap mula Pebrero hanggang Hulyo, na napanalunan ng Barangay Ginebra Kings. Ang All-Star Week ng liga ay isinagawa na sa mga iba't ibang lalawigan simula ng panahon na ito, na nagsasalitan sa mga lalawigan mula sa Luzon at Visayas/Mindanao bawat taon.

Naging popular muli ang liga ng taong ito, dahil sa pagkakapanalo ng Barangay Ginebra, na pinangugunahan nina Eric Menk, Jayjay Helterbrand at Mark Caguioa, ng tatlong kampiyunato. Ang pagdating ng mga sikat na manlalaro galing sa UAAP at NCAA ay pumabor din sa liga.

Simula 2005, naging aktibo ang liga na magbuo ng pambansang koponang pambasketbol, nang tanggalin ng FIBA ang suspensiyon sa Pilipina matapos itatag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas. Noong 2009 ang SBP ay lumikha ng koponan na binubuo ng mga amatyur na manlalaro (Smart Gilas).

Matapos italaga si Chito Salud, anak ng dating komisyonado Rudy Salud bilang komisyonado ng PBA, ibinalik ulit sa tatlong kumperensya ang bawat panahong patimpalak ng liga simula noong panahong 2010-11. Ibinalik rin ng liga ang mga dati nitong kumprensiya, ang Commissioner's at Governors' cups.

Sa mga unang taon ng dekada 2010, naging dominante ang koponang Talk 'N Text Tropang Texters, na muntikan ng makamait ang Grandslam noong panahong 2010-11 at napanalunan ang Philippine Cup ng tatlong sunod na taon (2010–11, 2011–12, 2012–13). Nakuha rin nila ng permanente ang Jun Bernardino Trophy ang tropeong ibinibigay sa mga nanalo ng Philippine Cup.

Noong Mayo 19 2013, ang ikatlong laro ng PBA Commissioner's Cup Finals sa pagitan ng Alaska Aces at Barangay Ginebra San Miguel ay nagtala ng pinakamaraming manonood na pambasketbol sa Smart Araneta Coliseum ng panoorin ito ng 23,436 katao.[5] Nahigitan nito ang tala ng 23,108 katao na naitala noong Mayo 8 sa parehong taon na kinatatampukan ng labanang semifinals sa pagitan ng Alaska at San Mig Coffee, at Barangay Ginebra at Talk 'N Text.[6]

Ang Panahong 2013–14 ay naging makasaysayan nang mapanauluan ng San Mig Super Coffee Mixers ang ikaapat na Grand Slam ng liga. Si Tim Cone, ang punong-gabay ng Coffee Mixers ay nagtala din ng kasaysayan ng makamit niya ang kanyang ikalawang Grand Slam.

Nang buksan ang Panahong 2014–15, nadagdagan ng dalawang koponan ang liga, mula tanggapin nila ang Kia Sorento at Blackwater Elite. Ang pagbubukas ng kanilang panahon sa Philippine Arena ay nagtala ng pinakamaraming nanood ng basketball sa Pilipinas sa bilang na 52,612.[7]

Sa panahon ding ito bumaba sa puwesto si komisyoner Chito Salud at papalitan ni Chito Narvasa sa sumunod na taon.

Mga kasalukuyang koponan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lahat ng mga franchise ay pag-aari ng mga korporasyon, at hindi sila nakabase sa geographic locale, kaya hindi sila naglalaro sa isang "home istadyum" at ang liga ay nanghihiram ng iba't ibang istadyum para sa mga laro.

Ang pangalan ng koponan ay madalas na hinahati sa tatlong bahagi; ang una ay ang pangalan ng kompanya, pagkatapos ay ang produkto (maaaring tinanggal o isinama sa susunod na bahagi), at isang palayaw - karaniwan ay may kaugnayan sa negosyo ng kompanya. Halimbawa, ang San Miguel Beermen ay isang koponan sa pag-aari ng San Miguel Corporation, kasama ang palayaw na "beermen" na nagsasaad ng produktong San Miguel Beer.

Ang pangalan ng kompanya ay bihirang magbago - ito ay maaari lamang baguhin kung ang franchise ay nabili ng ibang kompanya o kung ang operasyon ng franchise ay nilipat ng inang kompanya sa isang subsidiary. Ang pangalan ng produkto at ang palayaw ang madalas na binabago, para ang mga kompanya'y makapagpakinabang nang husto sa publisidad na bibibigay ng liga sa kanilang mga produkto.

Koponan Kumpanya Mga kulay Sumali sa PBA Kampiyonato Punong tagagabay
Barangay Ginebra San Miguel Ginebra San Miguel, Inc.                1979 14 Tim Cone
Blackwater Bossing Ever Bilena Cosmetics, Inc.                2014 0 Nash Racela
Converge FiberXers Converge ICT Solutions, Inc.                2022 0 Cariaso, JeffreyJeffrey Cariaso
Magnolia Hotshots San Miguel Food and Beverage                1988 14 Chito Victolero
Meralco Bolts Manila Electric Company°                2010 0 Norman Black
NLEX Road Warriors Manila North Tollways Corporation°                2014 0 Yeng Guiao
NorthPort Batang Pier Sultan 900 Capital, Inc.                     2012 0 Pido Jarencio
Phoenix Super LPG Fuel Masters Phoenix Petroleum Philippines, Inc.                2016 0 Topex Robinson
Rain or Shine Elasto Painters Asian Coatings Philippines, Inc.                     2006 2 Chris Gavina
San Miguel Beermen San Miguel Brewery, Inc.                1975[a] 27 Leo Austria
Terrafirma Dyip Terrafirma Realty Development Corporation                2014 0 Johnedel Cardel
TNT Tropang Giga Smart Communications°                     1990 8 Chot Reyes
Notes
  1. Ang San Miguel Beermen ay pansamantalang hindi sumali sa liga sa unang dalawang komperensya ng Panahong PBA 1986.
  • (♯) - Ang koponan ay pagmamay-ari ng isang sangay ng San Miguel Corporation
  • (°) - Ang koponan ay pagmamay-ari ng isang sangay ng grupong MVP

Mga Patakaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga patakaran ng PBA ay itinulad sa mga patakaran ng FIBA at NBA:

  1. Ang isang laro ay binubuo ng apat na mga kapat na may habang 12-minuto, na gamit ng NBA.
  2. Ang sukat ng kalayuan ng three-point line mula sa basket ay 6.75 metro o 22.1 talampakan, na gamit ng FIBA sa mga pandaigdigang kompetisyon.
  3. Ang "susi" ("key") ay hugis trapezoid, na gamit ng FIBA. Ang gamit noong nakaraan ay ang parihabang "susi" na gamit ng NBA.
  4. Ang mga manlalaro sa poste ay puwede ng sumabit sa "rim" na hindi tinatawagan ng "technical foul".
  5. Ang zone defense/depensa ng zone ay maaring gamitin sa laro.
  6. Ang koponan ay papasok sa kalagayang penalty matapos ang ikalimang pagkalabag (foul) nila sa isang kapat, at ang bawat kasunod na pagkalabag noon ay makakapagbigay ng dalawang libreng tira sa kabilang koponan. Gayunman, sa huling dalawang minuto ng mga laro, ang parehong koponan ay pinahihintulutan na gumamit ng isang pagkalabag lamang (kung sakaling wala pa sa kalagayang penalty ang koponan), bago bigyan ng libreng tira ang kabilang koponan. Sa naangkop na kalagayan, ang mga team foul at penalty situation ay ipapatupad rin sa pinahabang laro (overtime).
  7. Papasok ang mga bagong dating sa PBA sa pamamagitan ng isang "pagkalap ng mga baguhan" o "rookie draft"
  8. Mga Pilipino lamang ang maaring maglaro sa PBA, at sa mga piling kumperensiya, maaring maglaro ang mga hindi Pilipino bilang "import".
  9. Ipinatutupad ng PBA ang "Trent Tucker Rule".
  10. Sa PBA, may tinatawag na advantage foul. Tinatawag ito kapag ang isang manlalaro ay lumabag laban sa katunggaling manlalaro sa isang fastbreak situation. Sa maliwanag na ulat, ang manlalaro ay lumabag na walang balak na tamaan ang bola (at sa gayon, ang balak niyang tamaan ay ang manlalaro). Ang katunggaaling manlalaro ay bibigyan ng dalawang libreng tira, at mapupunta muli sa kanila ang bola.

Mga mahalagang personalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Komisyoner

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga manlalaro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Media coverage

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang PBA ay ipinapalabas sa telebisyon, kasama na ang ibang media, mula noong nagbukas ang liga. Ang TV5, AksyonTV, Fox Sports Asia at DZSR ang kanilang kasalukuyang kaparehang estasyon sa telebisyon at radyo. Ang dating kaparehang estasyon ng PBA sa radyo ay ang DZRH at DZRJ. Napapanood ang PBA sa kahit anong sulok ng mundo sa pamamagitan ng AksyonTV International.

Lugar ng pinaglalaruan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Smart Araneta Coliseum at ang Mall of Asia Arena, ang dalawang pangunahing pinaglalaruan ng PBA

Ang karamihan ng mga panimulang round na laro ay inilalaro sa Smart Araneta Coliseum sa Lungsod Quezon[10] at sa Mall of Asia Arena sa Pasay[11][12] Kung ang dalawang lugar ay hindi maaring gamitin, ang Cuneta Astrdodome sa Pasay at ang Ynares Center sa Antipolo ay nagsisilbing mga alternatibong lugar palaruan ng liga. Ang liga ay naglalaro rin sa mga iba't-ibang lalawigan sa buong bansa. Ang mga playoff na laro ay madalas isinasagawa sa mga lugar pampalaruan sa Kalakhang Maynila. Ngunit minsan rin ay isinasagawa ito sa mga lalawigan, tulad ng unang laro ng 2010–11 PBA Philippine Cup Finals, na isinagawa sa Victorias, Negros Occidental.[13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Bartholomew, Rafe. "Pacific Rims". New American Library, 2010, p. 13.
  2. Bartholomew 2010, p. 13.
  3. Revolution, evolution, and the tale of the undersized PBA forward Naka-arkibo 2012-07-18 sa Wayback Machine., Jay P. Mercado, InterAKTV, 8 Abril 2012
  4. Jaworski and the birth of ‘Never Say Die’ Naka-arkibo 2012-07-14 sa Wayback Machine., Jay P. Mercado, InterAKTV, 7 Marso 2012
  5. Alaska-Ginebra Game Three sets new all-time Araneta Coliseum basketball attendance record Naka-arkibo 2014-01-06 sa Wayback Machine., InterAKTV, May 19, 2013
  6. BA sets all-time Araneta Coliseum record with San Mig Coffee-Alaska, Ginebra-Talk ‘N Text twinbill Naka-arkibo 2014-01-06 sa Wayback Machine., Rey Joble, InterAKTV, May 9, 2013
  7. "52k-strong fans watch PBA opener at Philippine Arena". Interaksyon.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-10-21. Nakuha noong 2014-10-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "www.abs-cbnnews.com, Sonny Barios named new PBA commish". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-10-28. Nakuha noong 2008-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. www.abs-cbnnews.com,Barrios named PBA commish[patay na link]
  10. "Corporate - Araneta Coliseum". Araneta Coliseum. 2006. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Marso 2012. Nakuha noong 6 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Big Dome still main PBA venue, but MOA Arena an alternative option | InterAKTV". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-03-06. Nakuha noong 2014-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Hataw Tabloid
  13. Castillo, Grace (18 January 2011). "San Miguel enters final of PBA Philippine Cup". American Chronicle. Ultio, LLC. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 15 Septiyembre 2012. Nakuha noong 5 February 2011. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)

Kasalukuyang panahon ng PBA

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]