The 5 Network

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa TV5)
Jump to navigation Jump to search
Naka-redirect ang "ABC 5" dito. Para sa other channels, tingnan ang ABC 5 (disambiguation).
TV5
UriBroadcast commercial television network
TatakThe Kapatid Network (Kapatid is a Tagalog term for sibling)
BansaPhilippines
Lugar na maaaring maabutanNational
Binuo ni/nina19 Hunyo 1960 (1960-06-19)
by Chino Roces
IsloganGet It On 5
Hati ng merkado7.6% (Nielsen Urban National TAM January–August 2016)[1]
May-ariMediaQuest Holdings, Inc. (Subsidiary of the PLDT Beneficial Trust Fund)
(Mga) Pangunahing tauhanManuel V. Pangilinan, (Chairman)
Chot Reyes, (President and CEO)
Luchi Cruz-Valdez (Head, News5)
Patricia Bermudez-Hizon (Head, ESPN 5)
Petsa ng pagpapalabasHunyo 19, 1960; 58 taon nang nakalipas (1960-06-19)
Dating pangalanAssociated Broadcasting Corporation
(June 19, 1960 – September 21, 1972) Associated Broadcasting Company
(February 21, 1992 – August 8, 2008)
Picture format480i (SDTV)
Sister channelsAksyonTV
AffiliationABC (June 19, 1960 – September 23, 1972)
ABC 5 (February 21, 1992 – August 8, 2008)
TV5 (August 9, 2008 – present)
Opisyal na websayttv5.com.ph
WikaFilipino (main)
English (secondary)

Ang TV5, (dating kilala ay ABC 5) ay isang network na pang-telebisyon sa Pilipinas, na may punong tanggapan sa Kalakhang Maynila. Ito ang ikatlong pinakamatandang network pantelebisyon sa bansa, at kasalukuyang pagmamay-ari ng MediaQuest Holdings na bahagi ng PLDT, ito'y ay pinamumunuan ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan. Ang kanilang mga pangunahing himpilan ay ang DWET-TV 5 (TV5) sa telebisyon at ang Radyo5 na parehong nakabase sa Kalakhang Maynila. Ang 5 ay pormal ng tinutukoy ay bilang "The Kapatid Network", ang Filipino term para sa "sibling", naging ipinakilala noong 2010.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: TV5 Network (kompanya)

Ang Maagang Taon (1960–1972)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang dating Logo ng ABC 5 ginamit mula 1960 hanggang Setyembre 23, 1972

Si Joaquin "Chino" Roces, dating may-ari ng pahayagang Manila Times ay binigyan ng prangkisang pangradio at TV galing sa Kongreso sa ilalim ng Republic Act 2945 noong Marso 1, 1960. Kanyang tinatag ang Associated Broadcasting Corporation, ang ikaapat na naitatag na television network sa Pilipinas. Ang ABC ay nagmamay-ari ng mga himpilan ng radyo at telebisyon mula 1960 hanggang ideklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang Martial Law. Dahil rito ang ABC at ang Manila Times ay parehong ipinasara.

Nang naibalik ang demokrasya dahil sa Rebolusyon sa EDSA noong 1986, naging matagumpay si Chino Roces nang kinausap niya si dating Pangulong Corazon Aquino para muling mabuksan ang network.

Kumuha sila ng mga bagong stockholders para buhayin muli ang network. Binigyan ng pagsang-ayon ng Securities and Exchange Commission ang kanilang aplikasyon para pataasin ang kanilang kapital at ang ilang pagsusog sa kanilang articles of incorporation at by-laws. Pagkatapos nito ay nabigyan sila ng permisong tumakbo ng National Telecommunications Commission.

Ang Pagbabalik ng Airwaves (1992-2003)[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinimulang gawin ang kanilang magiging punong tanggapan at studio complex sa Novaliches, Lungsod ng Quezon noong 1990. At sa huling bahagi ng Enero 1991, nagkaroon sila ng test broadcasts. Ang kanilang pormal na pagsasahimpapawid ay nagsimula noong Pebrero 21, 1992 sa ilalim ng pangalang Associated Broadcasting Company.

Nakakuha ng bagong prangkisa ang ABC noong Disyembre 9, 1994 sa ilalim ng Republic Act 7831 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel Ramos. Sa parehong taon, sila ay sumahimpapawid sa buong bansa gamit ang satellite. Dahil sa mabilis na paglago ng kompanya, nagkaroon ng reputasyon ang ABC bilang "The Fastest Growing Network".

Bagong Pamamahala (2003–2008)[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Oktubre 2003, nabili ang ABC ng isang grupong pinangungunahan ng negosyanteng si Antonio "Tonyboy" Cojuangco, dating Chairman ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at may-ari ng Dream Satellite Broadcasting at Bank of Commerce. Pinasinayaan nila ang maraming pagbabago sa kompanya tulad ng isang mas matatag na dibisyon para sa news and public affairs, pagsasamoderno ng kanilang kagamitang pangbroadcast at ang pagkuha ng karapatang isahimpapawid ang mga laro ng Philippine Basketball Association.

Muling paglunsad TV5 (2008-2018)[baguhin | baguhin ang batayan]

Ere ng MediaQuest (2010-present)[baguhin | baguhin ang batayan]

Branding ng TV5[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga programa[baguhin | baguhin ang batayan]

Kapatid Channel[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Kapatid Channel

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Media Ownership Monitor Philippines - TV5". Reporters Without Borders. Hinango noong 26 April 2017.

Mga Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]