TV Patrol
TV Patrol | |
---|---|
Uri | Balita |
Gumawa | ABS-CBN Corporation |
Nagsaayos | ABS-CBN News and Current Affairs |
Host | Mula Lunes-Biyernes Bernadette Sembrano Noli de Castro Karen Davila Alvin Elchico Mula Sabado-Linggo Zen Hernandez |
Kompositor ng tema | Frank Gari Jimmy Antiporda (Arranged) |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Pilipino |
Bilang ng kabanata | n/a (umeere araw-araw) |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | 90 minuto (Lunes-Biyernes) 45 minuto (Sabado) 60 minuto (Linggo) |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN (1987-2020) TeleRadyo (2007-kasalukuyan) ANC (2020-kasalukuyan) Kapamilya Channel (2020-kasalukuyan) |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 2 Marso 1987 kasalukuyan | –
Kronolohiya | |
Sumunod sa | Balita Ngayon (bilang balitaan sa gabi) The Weekend News (bilang balitaan tuwing Sabado at Linggo) |
Ang TV Patrol ay ang pangunahing pambansang programang pambalitaan ng ABS-CBN na umere kapalit ng Balita Ngayon. Ang programa ay pinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 6:30 hanggang 8:00 ng gabi, tuwing Sabado mula 6:00 ng gabi at Linggo mula 5:30 ng hapon.Ang programang ito ay ang pinakamatagal ng umeereng balitaan sa gabi sa wikang Filipino matapos ang pagsasahimpapawid nito noong 1987.
Karaniwang pinapalabas ang programa sa ABS-CBN magmula noon tuwing gabi hanggang 5 Mayo 2020, nang sapilitang ipatigil ang operasyon nito sa pamamagitan ng mga kautusan ng National Telecommunications Commission. Bago itigil ang operasyong pantelebisyon ng kumpanya, ang programa ay umere din sa DZMM at ibang mga istasyong AM ng ABS-CBN, at mga piling istasyon ng MOR sa mga lalawigan.
Sa kasalukuyan, umeere na ang TV Patrol sa Kapamilya Channel, A2Z, All TV, ANC, TeleRadyo Serbisyo, Prime TV, at onlayn sa pamamagitan ng websayt ng ABS-CBN News, mga plataporma katulad ng iWantTFC, TFC IPTV at Kapamilya Online Live. Napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at satelayt.
Kasaysayan
Bago pa ilunsad
Matapos ang People Power Revolution noong Pebrero 1986 at ang muling pagsasahimpapwid nito matapos ang ilang buwan, ang mga nangangasiwa ng ABS-CBN News noon na sina Angelo Castro Jr. (noo'y News Manager),[1][2][3][4] ay nakipagpulong sa mga nakatataas na namamahala sa istasyon ukol sa plano na maglunsad ng mas bago at makabagong programang pambalitaan na magsisilbing kapalit ng Balita Ngayon. Noong 1 Marso 1987, inihayag ng ABS-CBN na ilulunsad nito ang TV Patrol sa "Ang Pagbabalik ng Bituin", ang isang programang espesyal na nakatuon sa muling paglulunsad ng himpilan na idinaos Luneta Park, Manila.[5]
Mga nakaraang bersyong pang-rehiyon
- TV Patrol Cagayan de Oro/Iligan/Nuebe Patrol (sinama sa TV Patrol Northern Mindanao)
- TV Patrol Naga/Legazpi (sinama sa TV Patrol Bicol)
- TV Patrol Cebu/Dumaguete (sinama sa TV Patrol Central Visayas)
- TV Patrol Tuguegarao/Isabela (sinama sa TV Patrol Cagayan Valley)
- TV Patrol Baguio (sinama sa TV Patrol Northern Luzon)
- TV Patrol Laoag (sinama sa TV Patrol Ilocos)
- TV Patrol Iloilo (sinama sa TV Patrol Panay)
- TV Patrol 4 (sinama sa TV Patrol Western Visayas na dating TV Patrol Bacolod hanggang pinalitan ang pangalan sa TV Patrol Negros)
- TV Patrol Western Visayas (binubuo ng TV Patrol Negros at TV Patrol Panay)
- TV Patrol Butuan (sinama sa TV Patrol Caraga)
- TV Patrol Mindanao (sinama sa Davao at pagkatapos bumalik sa orihinal na pamagat na TV Patrol Southern Mindanao)
- TV Patrol Dagupan (sinama sa TV Patrol North Central Luzon)
- Palawan TV Patrol (sinama sa TV Patrol Palawan)
- TV Patrol Zamboanga (sinama sa TV Patrol Chavacano)
- TV Patrol Cotabato (sinama sa TV Patrol Central Mindanao)
- TV Patrol Pagadian (sinama sa TV Patrol Northwestern Mindanao, at pagkatapos napalitan sa Nuebe Patrol)
- TV Patrol Cagayan Valley (sumanib sa TV Patrol North Luzon)
- TV Patrol Ilocos (sumanib sa TV Patrol North Luzon)
- TV Patrol North Central Luzon (sumanib sa TV Patrol North Luzon)
- TV Patrol Caraga (sumanib sa TV Patrol North Mindanao)
- TV Patrol Central Mindanao (sumanib sa TV Patrol South Central Mindanao)
- TV Patrol Pampanga (binuwag noongn 2018; pinababa sa maikling News Patrol Kapampangan na mga bulletin opt-out)
- TV Patrol Tacloban (sinama sa TV Patrol Eastern Visayas)
Tingnan din
- ↑ "Angelo Castro Jr dies". Rappler.com. Abril 5, 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Abril 2012. Nakuha noong Abril 5, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mangosing, Frances; Elona, Jamie Marie (Abril 5, 2012). "Veteran broadcaster Angelo Castro Jr. passes away at 67". INQUIRER.net. Nakuha noong Abril 5, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Broadcast journalist Angelo Castro, 67". InterAksyon.com. Abril 5, 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 7, 2012. Nakuha noong Abril 5, 2012.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Manila Standard – Google News Archive Search". news.google.com.
- ↑ "History of TV Patrol – TV PATROL @ 24 AND BEYOND". sites.google.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2020-11-03. Nakuha noong 2021-06-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)