Pumunta sa nilalaman

Taco rice

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang orihinal na taco rice

Ang taco rice (タコライス, takoraisu) ay isang popular na halimbawa ng lutuing Okinawense. Binubuo ito ng giniling na baka na may lasa ng taco na inihahain sa isang ibabaw ng kanin, kadalasang inihahain kasama ng ginutay-gutay na keso, ginutay-gutay na letsugas, kamatis at salsa.[1][2]

Ang Charlie's Tacos na naghahain ng mga taco sa mga shell na gawa sa galapong, ay itinatag sa 1956 bilang ang pinakaunang "tacuhan" sa Okinawa.[3][mula sa sariling paglalathala?] Inilikha ang taco rice noong 1984 ni Matsuzo Gibo at ipinasok sa dalawa sa kanyang mga karihan, Parlor Senri at King Tacos, na isang minuto lang ang lapit niya mula sa pangunahing pasukan ng Kampo Hansen in Kin, Okinawa.[4][5]

Sikat ang taco rice sa mga Amerikanong tauhan ng militar na nakalagay sa Okinawa bilang tanghalian o pagkain sa malalim na gabi. Iniligay ito ng KFC sa kanilang talaulaman sa buong Hapon noong isang bahagi ng dekada 1990 at inihahain ito ng Yoshinoya, isang pambansang gyūdonan, sa kanyang mga restawran sa prepektura ng Okinawa.[5] Bilang karagdagan, inaalok ito ng Taco Bell bilang opsyon sa menu sa kanilang restawran sa distrito ng Shibuya ng Tokyo. Ito ang isa sa mga pinakakilalang putahe ng lutuing Okinawense sa labas ng Okinawa.

Kung minsan, pinapalitan ang lasa ng Tex-Mex sa paggamit ng toyo, mirin at sake. Paminsan-minsan ay inihahain ito kasama ng bigas sa isang rolyo ng tortilla.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Today's Food Culture - Time to rediscover traditional cooking". Okinawa Convention & Visitors Bureau. 31 Marso 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Nobyembre 2006. Nakuha noong 19 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sean Williams (2013). The Ethnomusicologists' Cookbook: Complete Meals from Around the World. Routledge. p. 49. ISBN 9781135518967. Nakuha noong 19 Mayo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Christopher Scharping (2012). Searching for Happily Ever After. Xlibris Corporation. p. 49. ISBN 9781479732401. Nakuha noong 19 Mayo 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "This Japanese Dish Exists Only Because Of The US Military". We Are The Mighty. 17 Marso 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Mayo 2015. Nakuha noong 19 Mayo 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Oscar Johnson and Elena Sugiyama (28 Marso 2015), "A TRIBUTE TO TACO RICE: The U.S. military's favorite Mex-Oki fusion food", Stars and Stripes Okinawa, inarkibo mula sa orihinal noong 19 Mayo 2015, nakuha noong 19 Mayo 2015 {{citation}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)