Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:GinawaSaHapon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Kamusta! Ako si GinawaSaHapon, editor dito sa Tagalog Wikipedia simula noong 2019. Maligayang pagdating sa aking pahina.

Taga-Maynila po ako. Nakapagtapos sa kursong agham pangkompyuter sa isang pamantasan sa parehong lungsod. Madalas akong nag-eedit at nag-aayos ng mga pahina dito sa wiki, sa anyo ng wikang Tagalog/Filipino na pormal ngunit maiintindihan at magagamit sa modernong panahon sang-ayon sa mga layunin ng pagiging isang ensiklopediyang accessible sa mga Pilipinong mambabasa.

Makikita niyo ako rito na nag-eedit sa samu't saring mga pahina sa kahit anong mga paksa, pero partikular na espesyalidad ko ang agham pangkompyuter at ibang mga agham, matematika, gayundin ang anime at manga. May listahan na po ako para sa mga aayusin ko sa malapit na hinaharap, na sa una'y nilalagay ko rin dito pero tinanggal ko na rin lalo na't di ko ma-update ito nang consistent.

Kung may mga katanungan po kayo tungkol sa akin, magpadala po kayo ng mensahe sa pahina ng usapan ko po.

For non-Tagalog / non-Filipino speakers: You can message me at my talk page right here in this wiki, or you could visit my user page (talk) on the English Wikipedia.

Maraming salamat po.

—ika-26 ng Hulyo 2025.