Talaan ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook sa Italya
Ang mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay mga lugar na may kahalagahan sa pamanang kultural o natural gaya ng inilarawan sa Kumbensiyong UNESCO sa Pamanang Pandaigdig, na itinatag noong 1972.[1] Ang pamana ng kultura ay binubuo ng mga monumento (tulad ng mga gawang arkitektura, mga monumental na eskultura, o mga inskripsiyon), mga grupo ng mga gusali, at mga lugar (kabilang ang mga arkeolohikong lugar). Ang mga likas na katangian (binubuo ng mga pisikal at biyolohiko na pormasyon), mga pormasyong heolohiko at pisyograpiko (kabilang ang mga tirahan ng mga nanganganib na uri ng hayop at halaman), at mga natural na lugar na mahalaga mula sa pananaw ng agham, konserbasyon, o natural na kagandahan, ay binibigyang kahulugan bilang natural na pamana.[2] Ipinagtibay ng Italya ang kumbensiyon noong Hunyo 23, 1978.[3]
Ang Italya ay may 61 na nakalistang lugar, kaya ito ang estadong may pinakamaraming Pandaigdigang Pamanang Pook, mas mataas lamang sa Tsina (60) at Alemanya (55).[4][5] Ang unang lugar sa Italya, ang Mga Guhit sa Bato sa Valcamonica, ay nakalista sa ika-3 Sesyon ng Komite ng Pook Pandaigdig, na isinagawa sa Cairo at Luxor, Ehipto, noong 1979.[6] Dalawampu't limang lugar sa Italya ang naidagdag noong dekada 1990, kabilang ang 10 lugar na idinagdag sa ika-21 sesyon na isinagawa sa Napoles noong 1997. Ang Italya ay nagsilbing miyembro ng Komite ng Pook Pandaigdig nang limang beses, 1978–1985, 1987–1993, 1993–1999, 1999–2001, at 2021–2025. [4]
Sa 61 na pamana ng Italya, 55 ang kultural at 6 ang natural.[4] Pitong lugar ang transnasyonal. Ang Makasaysayang Sentro ng Roma ay kabahagi ng Vaticano; ang Monte San Giorgio at Daambakal ng Recia sa Suwisa; ang Mga Pagawaing Depensang Veneciano sa Kroasya at Montenegro ang Mga Prehistorikong tirahang nakapilote sa paligid ng Alpes sa 5 iba pang mga bansa; ang Mga Dakilang Bayan ng Spa ng Europa sa 6 na iba pang bansa; at ang Mga Sinuana at Primitibong Gubat ng Haya sa Carpatos at Iba Pang Rehiyon ng Europa ay kabahagi ng 17 iba pang mga bansa. Bukod pa rito, ang Italya ay may 30 lugar sa pansamantalang listahan.[4]
Mga Pandaigdigang Pamanang Pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinala ng UNESCO ang mga lugar sa ilalim ng sampung pamantayan ang bawat entrada ay dapat mapasailalim sa kahit isa sa mga pamantayan. Ang pamantayan i hanggang vi ay kultural, at ang pamantayan vii hanggang x ay natural.[7]
| Pook | Imahen | Lokasyon (lalawigan) | Taong itinala | Datos ng UNESCO | Paglalarawan |
|---|---|---|---|---|---|
| Mga Guhit sa Bato sa Valcamonica | Brescia | 1979 | 94; iii, vi (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Roma, at mga Properties of the Holy See sa Lungsod na iyon na Mayroong mga Karapatang Ekstrateritoryal San Paolo Fuori le Mura* | Kalakhang Lungsod ng Roma Capital | 1980 | 91ter; i, ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Simbahan at Kumbentong Dominikano ng Santa Maria delle Grazie kabilang ang "Huling Hapunan" ni Leonardo da Vinci | Kalakhang Lungsod ng Milan | 1980 | 93; i, ii (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Florencia | Kalakhang Lungsod ng Florencia | 1982 | 174ter; i, ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Venecia at ang Danaw nito | Kalakhang Lungsod ng Venecia | 1987 | 394; i, ii, iii, iv, v, vi (kultural) | ||
| Piazza del Duomo, Pisa | Pisa | 1987 | 395bis; i, ii, iv, vi (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng San Gimignano | Siena | 1990 | 550; i, iii, iv (kultural) | ||
| Ang Sassi at ang Liwasan ng mga Simbahang Rupestrian ng Matera | Matera | 1993 | 670; iii, iv, v (kultural) | ||
| Lungsod ng Vicenza at ang mga Palladianong Villa ng Veneto | Padua, Rovigo, Treviso, Kalakhang Lungsod ng Venecia, Verona, Vicenza | 1994 | 712; i, ii (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Siena | Siena | 1995 | 717; i, ii, iv (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Napoles | Kalakhang Lungsod ng Napoles | 1995 | 726bis; ii, iv (kultural) | ||
| Crespi d'Adda | Bergamo | 1995 | 730; iv, v (kultural) | ||
| Ferrara, Lungsod ng Renasimyento at ang Delta ng Po nito | Ferrara | 1995 | 733bis; ii, iii, iv, v, vi (kultural) | ||
| Castel del Monte | Barletta-Andria-Trani | 1996 | 398rev; i, ii, iii (kultural) | ||
| Ang mga Trullo ng Alberobello | Bari | 1996 | 787; iii, iv, v (kultural) | ||
| Mga Sinaunang Kristiyanong Monumento ng Ravenna | Ravenna | 1996 | 788; i, ii, iii, iv (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Lungsod ng Pienza | Siena | 1996 | 789; i, ii, iv (kultural) | ||
| Ika-18 Siglong Maharlikang Palasyo ng Caserta kasama ang Liwasan, ang Akwedukto ng Vanvitelli, at ang Complex ng San Leucio | Caserta at Benevento | 1997 | 549rev; i, ii, iii, iv (kultural) | ||
| Mga Tirahan ng Maharlikang Pamilya ng Saboya | Kalakhang Lungsod ng Turin, Cuneo | 1997 | 823bis; i, ii, iv, v (kultural) | ||
| Harding Botaniko (Orto Botanico), Padua | Padua | 1997 | 824; ii, iii (kultural) | ||
| Portovenere, Cinque Terre, at ang mga Pulo (Palmaria, Tino, at Tinetto) | La Spezia | 1997 | 826bis; ii, iv, v (kultural) | ||
| Katedral, Torre Civica, at Piazza Grande, Modena | Modena | 1997 | 827; i, ii, iii, iv (kultural) | ||
| Mga Pook Arkeolohiko ng Pompeya, Erculano, at Torre Annunziata | Kalakhang Lungsod ng Napoles | 1997 | 829; iii, iv, v (kultural) | ||
| Baybaying Amalfitana (Costiera Amalfitana) | Salerno | 1997 | 830; ii, iv, v (kultural) | ||
| Pook Arkeolohiko ng Agrigento | Agrigento | 1997 | 831; i, ii, iii, iv (kultural) | ||
| Villa Romana del Casale | Enna | 1997 | 832; i, ii, iii (kultural) | ||
| Su Nuraxi di Barumini | Timog Cerdeña | 1997 | 833; i, iii, iv (kultural) | ||
| Pook Arkeolohiko at ang Patriarkal na Basilika ng Aquileia | Udine | 1998 | 825ter; iii, iv, vi (kultural) | ||
| Makasaysayang Sentro ng Urbino | Pesaro at Urbino | 1998 | 828; ii, iv (kultural) | ||
| Liwasang Pambansa ng Cilento at Vallo di Diano kasama ang Pook Arkeolohiko ng Paestum at Velia, at ang Certosa di Padula | Salerno | 1998 | 842; iii, iv (kultural) | ||
| Villa Adriana, Tivoli | Kalakhang Lungsod ng Roma Capital | 1999 | 907; i, ii, iii (kultural) | ||
| Lungsod ng Verona | Verona | 2000 | 797rev; ii, iv (kultural) | ||
| Isole Eolie (Kapuluang Eolico) | Messina | 2000 | 908; viii (natural) | ||
| Assisi, ang Basilica ng San Francisco ng Assisi, at iba pang Pook Pransiskano | Perugia | 2000 | 990; i, ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Villa d'Este, Tivoli | Kalakhang Lungsod ng Roma Capital | 2001 | 1025; i, ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Mga Huling Barokong Bayan ng Val di Noto (Timog-Silangang Sicilia) | Catania, Ragusa, Siracusa | 2002 | 1024; i, ii, iv, v (kultural) | ||
| Sacri Monti ng Piamonte at Lombardia | ilang pook | 2003 | 1068rev; ii, iv (kultural) | ||
| Val d'Orcia | Siena | 2004 | 1026rev; iv, vi (kultural) | ||
| Mga Etruskong Nekropolis ng Cerveteri at Tarquinia | Viterbo, Kalakhang Lungsod ng Roma Capital | 2004 | 1158; i, iii, iv (kultural) | ||
| Siracusa at ang Mabatong Nekropolis of Pantalica | Siracusa | 2005 | 1200; ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Genova: Le Strade Nuove at ang sistema ng Palazzi dei Rolli | Kalakhang Lungsod ng Genova | 2006 | 1211; ii, iv (kultural) | ||
| Daambakal ng Recia sa mga Tanawin ng Albula / Bernina* | Sondrio | 2008 | 1276; ii, iv (kultural) | ||
| Mantua at Sabbioneta | Mantua | 2008 | 1287; ii, iii (kultural) | ||
| Ang Dolomita | ilang pook | 2009 | 1237rev; vii, viii (natural) | ||
| Monte San Giorgio* | Varese | 2010 | 1090; viii (natural) | ||
| Mga Lombardo sa Italya: Pook ng Kapangyarihan (568-774 A.D.) | ilang pook | 2011 | 1318; ii, iii, vi (kultural) | ||
| Mga Prehistorikong tirahang nakapilote sa paligid ng Alpes* | ilang pook | 2011 | 1363; iv, v (kultural) | ||
| Mga Villa at Hardin ng Medici sa Toscana | ilang pook | 2013 | 175; ii, iv, vi (kultural) | ||
| Bundok Etna | Catania | 2013 | 1427; viii (natural) | ||
| Tanawin ng Ubasan ng Piamonte: Langhe-Roero at Monferrato | Alessandria, Asti, Cuneo | 2014 | 1390rev; iii, v (kultural) | ||
| Arabe-Normanong Palermo at ang mga Simbahang Katedral ng Cefalù at Monreale | Kalakhang Lungsod ng Palermo | 2015 | 1487; ii, iv (kultural) | ||
| Mga Sinuana at Primitibong Gubat ng Haya sa Carpatos at Iba Pang Rehiyon ng Europa* | ilang pook | 2017 | 1133ter; ix (natural) | ||
| Mga Pagawaing Depensang Veneciano sa pagitan ng ika-15 at ika-17 siglo: Stato da Terra – kanlurang Stato da Mar* | Bergamo, Udine, Verona | 2017 | 1533; iii, iv (kultural) | ||
| Ivrea, Industrial na Lungsod ng Ika-20 Siglog | Kalakhang Lungsod ng Turin | 2018 | 1538bis; iv (kultural) | ||
| Mga Burol ng Prosecco ng Conegliano at Valdobbiadene. ("Le Colline del Prosecco di Conegliano e Valdobbiadene") | Treviso | 2019 | 1571rev; v (kultural) | ||
| Mga Dakilang Bayan ng Spa ng Europa* | Pistoia | 2021 | 1613; ii, iii, iv, vi (kultural) | ||
| Mga ikalabing-apat na siklo ng fresco ng Padua | Padua | 2021 | 1623; ii (kultural) | ||
| Ang mga Portico ng Bolonia | Kalakhang Lungsod ng Bolonia | 2021 | 1650; iv (kultural) | ||
| Mga Sumisingaw na Karst at Kuweba ng Hilagang Apeninos | ilang pook | 2023 | 1692; viii (natural) | ||
| Via Appia. Regina Viarum | ilang pook | 2024 | 1708; iii, iv, vi (kultural) | ||
| Tradisyon ng Paglibing sa Prehistorya ng Cerdeña – Ang domus de janas | ilang pook | 2025 | 1730; iii (kultural) | ||
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The World Heritage Convention". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 August 2016. Nakuha noong 7 July 2019.
- ↑ "Rock Drawings in Valcamonica". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 July 2010. Nakuha noong 26 June 2010.
- ↑ "Italy". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong December 1, 2021. Nakuha noong June 5, 2024.
- 1 2 3 4 "Italy". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong December 1, 2021. Nakuha noong June 5, 2024. Maling banggit (Invalid na
<ref>tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "italy" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ "Convention Concerning the Protection of the World Cultural and Natural Heritage". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 February 2021. Nakuha noong 3 February 2021.
- ↑ "Report of the Rapporteur". UNESCO World Heritage Centre. November 30, 1979. Inarkibo mula sa orihinal noong July 5, 2020. Nakuha noong July 12, 2014.
- ↑ "Convention Concerning the Protection of the World Cultural and Natural Heritage". UNESCO World Heritage Centre. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 February 2021. Nakuha noong 3 February 2021.