Talaan ng mga episodyo ng Suzumiya Haruhi no Yuuutsu
Isang teleseryeng anime ang Suzumiya Haruhi no Yuuutsu. Ginawa ng Kyoto Animation at idinirek ni Tatsuya Ishihara, ibinase ito sa Haruhi Suzumiya, isang serye ng mga nobelang magaan na isinulat ni Nagaru Tanigawa at iginuhit ni Noizi Ito. Umiikot ang kuwento kay Kyon, isang lalaking nasa mataas na haiskul (senior high school), na isang araw ay nakatagpo si Haruhi Suzumiya, isang babaeng maligalig na walang kaalam-alam sa kapangyarihan niya: ang baguhin ang lahat-lahat. Napasama si Kyon sa Brigada SOS, isang di-opisyal na samahang may dayo (alien), manlalakbay-oras (time traveler), at esper.
Inere ang unang season ng anime, na may 14 na episode, sa bansang Hapón noong ika-2 ng Abril hanggang ika-2 ng Hulyo 2006. Orihinal na ipinalabas ito sa di-tuwirang ayos (nonlinear order). Ang ikalawang season naman nito, isang pagsasaere muli ng unang season na may kasamang 14 na bagong episode, ay inere sa ayos ayon sa pagkakakuwento (chronological order). Ipinalabas ang lahat ng 28 episode na ito noong ika-3 ng Abril[1] hanggang ika-9 ng Oktubre 2009. Inilabas naman ng Bandai Entertainment sa Hilagang Amerika ang naturang anime. Noong 2014, nakuha ng Funimation ang lisensiya nito pagkatapos magsara ang Bandai Entertainment.[2]
Ang pambungad na tema (opening theme) ng unang season ay Bouken Desho? Desho? (冒険でしょでしょ?, Filipino: Paglalakbay 'To Diba? Diba?) na kinanta ni Aya Hirano, samantalang ang kantang Hare Hare Yukai (ハレ晴レユカイ, Filipino: Masayang Magandang Panahon) na kinanta nina Hirano, Minori Chihara, at Yuko Goto ang nagsilbing pangwakas na tema nito. Para naman sa unang episode na ipinalabas (ika-11 sa ayos ng pagkakakuwento), ang pambungad na tema naman ay Koi no Mikuru Densetsu (恋のミクル伝説, Filipino: Ang Alamat ng Pag-ibig ni Mikuru) na kinanta naman ni Goto. Para naman sa ikalawang season nito, ang pambungad na tema ay Super Driver na kinanta ni Hirano, at ang kantang Tomare! (止マレ!, Filipino: Tigil!), kinanta nina Hirano, Chihara, at Goto, ang ginamit na pangwakas na tema nito.[3]
Sinundan ng isang pelikula ang anime, ang Suzumiya Haruhi no Shoushitsu. Ibinase ang kuwento nito sa ikaapat na nobela ng serye ng kaparehong pangalan.
Talaan ng episode
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang season
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inere ang unang season na ipinalabas mula ika-2 ng Abril hanggang ika-2 ng Hulyo 2006 sa bansang Hapón, sa ayos na di-tuwiran (nonlinear order), kung hinalo ang pinakakuwento sa iba't ibang mga maiiksing kuwento ng mga nobela. Sa mga pasilip (preview) para sa susunod na episode, may dalawang numero ang binibigay nina Kyon at Haruhi. Base sa pagkakakuwento (kronolohikal na ayos) ang numerong binibigay ni Haruhi (kilala bilang ayos Haruhi), samantalang base naman sa pagpapalabas nito (ayos ng pag-ere) ang numerong binibigay ni Kyon (kilala bilang ayos Kyon). Hindi ito nagtutugma maliban lamang sa pasilip para sa ika-12 episode, kung saan pareho ang numerong binigay ng dalawa.[4] Ang unang episode ng pagsasaere, Asahina Mikuru no Bouken Episode 00, ay ang unang episode rin ng mga DVD, kahit na sinusunod nito ang kronolohikal na ayos (pang-11 ang naturang episode sa kronolohikal na ayos).[5] Noong isinaere muli ang serye noong 2009, nasa ayos ito ng kuwento (kronolohikal). Kinuha mula sa bersyon ng DVD ang mga episode ng unang season na ipinalabas noong 2009, kung itinatampok ang ilang pagbabagong biswal at dayalogo na wala sa orihinal na pag-ere nito noong 2006.
Paalala: A - ayos ng pagpapalabas (ayos Kyon), B - ayos ng pagkakakuwento, unang season (ayos Haruhi), C - ayos sa DVD, D - ayos sa ikalawang season. Pakipindot ang mga palaso upang ayusin ang mga episode sa isang partikular na ayos.
A | B | Pamagat | Direktor | Iskrip | Petsa ng paglabas (2006) | Petsa ng paglabas (2009) | C | D
Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). Kamalian ng Lua na sa Module:Episode_list na nasa linyang 410: attempt to call field '_transl' (a nil value). |
---|
Ikalawang season
[baguhin | baguhin ang wikitext]D | Pamagat | Direktor | Iskrip | Petsa ng paglabas (Hapón) | Petsa ng paglabas (Ingles) | E |
---|
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Loo, Egan (Mayo 21, 2009). "New Haruhi Suzumiya Anime Episode Airs" [Umere ang bagong episode ng anime na "Haruhi Suzumiya"]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.
- ↑ Ressler, Karen (Agosto 9, 2014). "Funimation Licenses Haruhi Suzumiya, Lucky Star Anime; Strike Witches, Steins;Gate Films" [Nalisensiyahan ang Funimation para sa anime na Haruhi Suzumiya [at] Lucky Star; pelikula ng Strike Witches [at] Steins;Gate]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.
- ↑ "Suzumiya Haruhi no Yuuutsu" 涼宮ハルヒの憂鬱. Kyoto Animation. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 20, 2009. Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.
- ↑ "Iteza no Hi" 射手座の日 [Ang Araw ng Sagitaryo]. Suzumiya Haruhi no Yuuutsu. Panahon 1 (sa wikang Hapones). Hunyo 11, 2006.
{{cite episode}}
: Unknown parameter|episode=
ignored (tulong) - ↑ Martin, Theron (Hunyo 1, 2007). "English DVD 1 review" [Rebyu sa unang DVD ng Ingles [na dub]]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.