Talaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila na pinalitan ang pangalan
Ito ay isang bahagyang tala ng mga lansangan o daanan sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, na sumailalim ng isang pagbabago ng pangalan noong nakaraan.
Maynila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Intramuros
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lokasyon kung saan itinayo ang Intramuros ay orihinal na lugar para sa kalakalan ng mga lipi at kahariang Tagalog na nangangalakal sa mga mangangalakal na mula sa ngayo'y Tsina, Indya, Borneo, at Indonesia. Nang sakupin ng mga Kastila ito, inatasang gawing mula sa bato at konkreto ang palibot ng buong lawak ng Intramuros noong 1571 ng Espanyol na si Miguel López de Legazpi. Ang pangalang "Intramuros" ay mula sa salitang Espanyol na nangangahulugang "sa loob ng mga pader".[1] Sinira ang apat na bahagi ng pader upang maging maluwag ang pagpasok sa lungsod: ang timog-kanlurang dulo ng Calle Aduana (Abenida Andres Soriano Jr. ngayon); silangang dulo ng Calle Anda; ang hilagang-silangang dulo ng Calle Victoria (dating kilala bilang Calle de la Escuela); at ang timog-silangang dulo ng Calle Palacio (Kalye General Luna ngayon).
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Real del Palacio del Gobernador | Pangunahing daanan mula sa Plaza Mexico sa kahabaan ng Ilog Pasig hanggang sa Landas A. Bonifacio sa Port Area (o Pook Pantalan)[2][3][4] | 14°35′23″N 120°58′29″E / 14.58969°N 120.97479°E | Kalye Antonio Luna |
2 | Calle Aduana / Calle Claveria | Ipinangalan kay Narciso Clavería[5] | 14°35′34″N 120°58′23″E / 14.59270°N 120.97307°E | Abenida Andrés Soriano |
3 | Calle Cerrada | Mula sa Kastilang cerrada na ibig sabihin ay nakapinid | Kalye San Juan de Letrán | |
4 | Calle de Almacenes | Kalye Maestranza | ||
5 | Calle de Barberos | Mula sa Kastilang barberos na ibig sabihin ay manggugupit | Kalye Urdaneta | |
6 | Calle de la Bomba | Mula sa Kastilang bomba na ibig sabihin ay pampasabog | Kalye Legaspi | |
7 | Calle de la Escuela | Mula sa Kastilang escuela[6] na ibig sabihin ay paaralan | Kalye Victoria[7] | |
8 | Calle del Baluarte / Calle Fundición | Kalye Muralla | ||
9 | Calle Farol | Kalye Magallanes | ||
10 | Calle del Hospital | Kalye Cabildo | ||
11 | Calle Real del Parián | 14°35′26″N 120°58′34″E / 14.59059°N 120.97606°E | Kalye Real | |
12 | Calle Recogidas | Kalye Anda | ||
13 | Calle San Juan de Dios | Ipinangalan kay Juan de Dios, isang sundalong Portuges | Kalye Legazpi | |
14 | Calle Vivas | Kalye Andres Novales |
Tondo
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Alburquerque | 14°36′25″N 120°58′06″E / 14.60690°N 120.96830°E | Kalye Rajah Matanda | |
2 | Calle Bancusay | Mula sa Ilog Bangkusay kung saan naganap ang Labanan sa Ilog Bangkusay | 14°36′59″N 120°57′57″E / 14.61643°N 120.96578°E | Kalye Francisco Varona |
3 | Calle Folgueras | Ipinangalan kay Mariano Fernández de Folgueras | Kalye Carmen Planas | |
4 | Calle Manicninc | Mula sa manicnic, uri ng punong-kahoy (na nakakalason) | Kalye Filemon Aguilar[8] | |
5 | Calle Manúguit | Ipinangalan kay Agustin Manúguit, ang sinaunang lakan ng Tondo | 14°22′29″N 120°35′04″E / 14.3747°N 120.5845°E | Abenida Jose Abad Santos |
6 | Calle Pescadores | Mula sa mga pulo ng Pescadores | 14°36′18″N 120°58′01″E / 14.60497°N 120.96688°E | Kalye Santo Cristo |
7 | Calle Quiricada | Kalye Juan Nolasco | ||
8 | Calle Sande | 14°36′40″N 120°58′06″E / 14.61112°N 120.96832°E | Kalye Nicolás Zamora | |
9 | Calle Tayabas | Kalye Francis P. Yuseco |
Karagdagang kaalaman: Sa Tondo, may dalawang eskinita na pinangalanang Pitóng Gatang at Amarlanhagui na nasa pagitan ng Mababang Paaralan ng Magát Salamat at Kalye Capulong malapit sa Estero de Vitás. Ang kasalukuyang Abenida Jose Abad Santos ay dating pinangalanang Calle Manuguit. Sa gayon, pinarangalan ng mga taga-Tondo ang kanilang mga kapatid. Tinalo ng mga Espanyol ang mga maharlika ng Maynila na sina Raha Matandâ at Raha Solimán noong Hunyo 1570, at bumalik sila sa Cebu kung saan sila unang nakapanirahan. Subalit sila’y pinabalik nang sumunod na taon sa ilalim ni Miguel López de Legaspi, kung saan kanilang nalipol ang kapwa nilang maharlika na si Raha Pitong Gatang mula sa Macabebe, Pampanga, sa Labanan sa Ilog ng Bangkusáy, isang estero ng Tondo. Kabilang si Pitong Gatang sa 24 na datu na namuno sa lugar kung sa ngayon ay Kalakhang Maynila, Rizal, Bulacán at Pampanga, na noong 1587-88 ay nagtangkang lumaban sa mga Kastilang mananakop. Ang tagumpay ng mga Espanyol ay nakumpirma noong Hunyo 3, 1571 nang ang mga “indio” ay nalipol. Samantala, ang makasaysayang Calle Bangkusáy na pinangyarihan ay binago ang pangalan at ngayon ay tinatawag na Kalye F. Varona.[9] Ang pagpapalit nito ay isinakatuparang ng ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng Maynila sa ilalim ng Alkalde na si Antonio Villegas noong Marso 21, 1968, tutol sa kahilingan ng mga taga-Tondo.[10]
San Nicolas
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Aceiteros | Mula sa Kastilang aceiteros na ibig sabihin manlalangis; isa sa mga bahay sa kalyeng ito nanirahan si Andres Bonifacio noong mga 1886-1892[11] | 14°36′08″N 120°58′09″E / 14.60216°N 120.96903°E | Kalye Marcelino De Santos |
2 | Calle Encarnación | Kalye Asunción | ||
3 | Calle del Rondín | Kalye Numancia | ||
4 | Calle Salinas | Kalye Elcano | ||
5 | Calle Soledad | Kalye Camba[12] | ||
6 | Calle de Santa Rosa | Kalye Urbiztondo |
Binondo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Binondo ay ang Chinatown o nayong Tsina na distrito ng Maynila. Ito ang pinakalumang nayong Tsina sa mundo at naging sentro ng komersyo ng bansa noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Marami sa mga komersyal na establisyimento ng Binondo ang nawasak pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan lumipat ang mga kompanya sa Makati, ang pinansiyal na kabisera ng Pilipinas.
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Almansa | Ipinangalan sa bayang Kastila na Almansa | 14°36′07″N 120°58′50″E / 14.60196°N 120.98056°E | Kalye Florentino Torres |
2 | Calle Anloague | Hango sa salitang anluwagi, na ibang tawag para sa karpintero;[13] nanirahan sa kalyeng ito ang mga karpinterong Tsino na nagbebenta ng muwebles na yari sa kahoy[14] | 14°36′16″N 120°58′15″E / 14.60457°N 120.97095°E | Kalye Juan Luna |
3 | Calle Arranque | Mula sa Kastilang arranque na ibig sabihin ay paandarin (ang isang makina o motor) | 14°36′24″N 120°58′47″E / 14.60662°N 120.97962°E | Kalye Teodora Alonzo |
4 | Calle Díaz | Ipinangalan kay Valentín Díaz[15] | Kalye Benavidez | |
5 | Calle Príncipe | Ipinangalan kay Alfonso XIII, na prisipe pa noon[14] | 14°35′56″N 120°58′00″E / 14.59882°N 120.96669°E | Kalye Rafael del Pan[16] |
6 | Calle Rosario | Ipinangalan bilang pagpupugay patrona ng Simbahan ng Binondo, ang Birhen ng Banal na Rosaryo[14] | 14°35′54″N 120°58′33″E / 14.59822°N 120.97582°E | Kalye Quintín Paredes |
7 | Calle San Jacinto | Kalye na kung saan matatatagpuan ang noo'y Panciteria San Jacinto[17] | Kalye Tomás Pinpin | |
8 | Calle Soledad | Ipinangalan kay Nuestra Señora de la Soledad de Manila o Mahal na Birhen ng Soledad ng Porta Vaga[18] | Kalye Dasmariñas | |
9 | Calle Oriente | Kalye na kung saan matatatagpuan ang noo'y Hotel de Oriente[19] | 14°36′03″N 120°58′28″E / 14.60086°N 120.97443°E | Kalye Victoria Ty-Tan |
10 | Calle Sacristía | Sacristia de Binondo[20] | 14°36′05″N 120°58′35″E / 14.60143°N 120.97650°E | Kalye Román Ongpin |
11 | Paseo de Azcárraga[21] | Ipinangalan kay Marcelo Azcárraga Palmero | 14°36′14″N 120°58′51″E / 14.60387°N 120.98083°E | Abenida Recto |
Karagdagang kaalaman: Ang pangunahing bahagi ng Azcárraga na humahantong sa baybayin ng San Nicolas at Tondo mula sa Binondo ay pinangalanang Paseo de Azcárraga, sa ngalan ng mestisong Pilipino-Kastila na Ministro, si Marcelo Azcárraga y Palmero. Sa Santa Cruz, nahati ang lansangan ng tatlong estero na dumadaloy sa distrito: ang Calle General Izquierdo, Calle Paz at Calle Bilibid. Sa Sampaloc, tinawag ang lansangang ito na Calle Iris na nagtapos sa Calle Alix (na ngayon ay kilala bilang Kalye Legarda). Noong 1961, ipinangalan ang abenida kay Senador Claro Mayo Recto. Noong Hulyo 7, 1892, sa isang gusaling may bilang na 72 Calle Azcarraga, sa kanto ng Calle Sagunto (na ngayon ay nangagalang Santo Cristo) sa Tondo, itinatag ni Andres Bonifacio ang rebolusyonaryong lipunan na Katipunan.
Quiapo
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Barbosa | 14°35′50″N 120°59′04″E / 14.59728°N 120.98441°E | Kalye Bautista | |
2 | Calle Dulumbayan | Salitang pinagsama na nangangahulugang dulong bayan[22] | 14°36′52″N 120°58′58″E / 14.61433°N 120.98264°E | Abenida Rizal |
3 | Calle Echagüe | Ipinangalan kay Rafaél de Echagüe | 14°35′53″N 120°58′55″E / 14.59810°N 120.98208°E | Kalye Carlos Palanca Sr. |
4 | Calle El Dorado | 14°35′49″N 120°59′41″E / 14.59701°N 120.99480°E | Bulebar Quezon | |
5 | Calle Pelota | Kalye Trinidad | ||
6 | Calle San Roque | Ipinangalan kay San Roque | Kalye P. Gómez | |
7 | Calle San Sebastián | Ipinangalan kay San Sebastián | 14°35′56″N 120°59′15″E / 14.59897°N 120.98762°E | Kalye R. Hidalgo |
8 | Calle Raón | Ipinangalan kay José Antonio Raón | Kalye Gonzalo Puyat |
Sta. Cruz
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang distrito ng Santa Cruz (nakaugaliang pinapaikli sa "Sta. Cruz") noong 1594 ng mga Kastila, at kalaunan ay pinamunuan ito ng mga mangangalakal at tagapagpamili dahil sa kalapitan nito sa Ilog Pasig. Hindi nagtagal ay nagkaroon ito ng mga bahay-kalakal at mga gusali na nakatuon sa pagkakalakal at paglilibang. Sa kasalukuyan, tahanan ito ng ilang mga makasaysayang gusali.[23] Dating bahagi ang Sta. Cruz ng Parokya ng Quiapo, bago ito naging sariling parokya noong Hunyo 20, 1619. Kapwa ang Quiapo at Santa Cruz ay mga nayon na umasailalim sa sinaunang lalawigan ng Tondo.
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Almansa | Ipinangalan sa bayang Kastila na Almansa | 14°36′07″N 120°58′50″E / 14.60196°N 120.98056°E | Kalye Florentino Torres |
2 | Calle Batangas | Mula sa salitang batangan, na nangangahulugang balsa sa pangingisda | Kalye A. Lorenzo Jr. | |
3 | Calle Camarines | Mula sa Kastilang camarín, na ibig sabihin ay dambana | 14°37′05″N 120°59′00″E / 14.61809°N 120.98329°E | Kalye Herrera |
4 | Calle Evangelista | Ipinangalan kay Edilberto Evangelista | 14°37′14″N 120°59′00″E / 14.62058°N 120.98338°E | Kalye Maria Natividad |
5 | Calle Gándara | Ipinangalan kay José de la Gándara | 14°36′06″N 120°58′38″E / 14.60173°N 120.97726°E | Kalye Sabino Padilla |
6 | Calle Magdalena | Ipinangalan kay Santa Magdalena | 14°36′27″N 120°58′41″E / 14.60759°N 120.97812°E | Kalye Guillermo Masangkay |
7 | Calle Mangahan | 14°36′43″N 120°59′07″E / 14.61190°N 120.98519°E | Kalye Pedro Guevarra | |
8 | Calle Melba | 14°36′19″N 120°58′51″E / 14.60523°N 120.98084°E | Kalye Doroteo José | |
9 | Calle Misericordia | 14°36′28″N 120°58′52″E / 14.60777°N 120.98116°E | Kalye Tomás Mapúa | |
10 | Calle Morga | 14°37′00″N 120°58′41″E / 14.61666°N 120.97808°E | Kalye Tayuman | |
11 | Calle O'Donell | 14°36′07″N 120°59′09″E / 14.60199°N 120.98579°E | Kalye Severino Reyes | |
12 | Calle Quiotan | 14°36′01″N 120°58′57″E / 14.60037°N 120.98255°E | Kalye Sales | |
13 | Calle Requesens | 14°36′35″N 120°58′59″E / 14.60961°N 120.98316°E | Kalye E. Remigio | |
14 | Calle Sangleyes | 14°37′18″N 120°59′42″E / 14.62168°N 120.99498°E | Daang Blumentritt | |
15 | Calle Trozo | 14°36′40″N 120°58′53″E / 14.61107°N 120.98133°E | Kalye Bambáng | |
16 | Calle Zurbarán | 14°36′28″N 120°58′59″E / 14.60765°N 120.98303°E | Kalye Valeriano Fugoso |
San Miguel
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Lumang pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng lumang pangalan |
Mga Coordinates | Bagong pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Alejandro VI | Ipinangalan kay Alejandro VI | 14°36′10″N 120°59′27″E / 14.60284°N 120.99085°E | Kalye De los Santos |
2 | Calle Avilés Malacañan | Ipinangalan sa Malacañan | 14°35′40″N 120°59′37″E / 14.59436°N 120.99352°E | Kalye José Laurel |
3 | Calle Bustillos | Ipinangalan kay Fernando Manuel de Bustillo Bustamante | 14°36′07″N 120°59′34″E / 14.60195°N 120.99277°E | Kalye J. Figueras |
4 | Calle Marqués de Novaliches | Ipinangalan kay Manuel Pavía, na Gobernador Heneral ng Pilipinas (1854) na naging Marques ng Novaliches na ipinagkaloob ng kaharian ng Espanya | 14°35′33″N 120°59′22″E / 14.59262°N 120.98941°E | Kalye Nicanor Padilla |
5 | Calle Tuberías de Agua | Mula sa Kastilang tuberia, na ibig sabihin ay pagtutubo | 14°35′51″N 120°59′19″E / 14.59742°N 120.98867°E | Kalye Dr. Concepción C. Aguila |
Karagdagang kaalaman: Ang kasalukuyang Kalye Concepción Águila ay dating tinatawag na "Tuberías", na nangangahulugang mga tubo (ng tubig) o patubigan sa wikang Kastila. Ang kasalukuyang lansangan ng Concepción Águila ay patungo sa Nagtahan, na siyang orihinal na lokasyon ng Puwente Carriedo ("Canales de Carriedo"), na tumatakbo mula Ilog Marikina sa Santolan sa pamamagitan ng imbakan ng tubig na El Depósito, isang imbakan nasa ilalim ng tubig sa Lungsod ng San Juan patungong Intramuros na idinisenyo ni Genaro Palacios noong 1882, na naging pangunahing imbakan ng tubig para sa Maynila noong panahon ng Kastila at ng mga kalapit na bayan.
Ermita hanggang Port Area
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa panahong pananakop ng mga Kastila, ang kasalukuyang Ermita hanggang Port Area (o Pook Pantalan) ay dating isang bayan ng Tagalog na nagngangalang "Lagyo". Napalitan ang pangalan noong ika-17 dantaon bilang La Hermita dahil sa isang ermitanyo na nagngangalang Juan Fernandez de Leon, na nanirahan doon at nagtayo ng isang ermita, dala ang isang imahen ng Nuestra Señora de Guia. Ang pangalang tawag sa kanyang itinayong tirahan ay lumawak sa buong distrito, na naging Ermita hanggang sa kasalukuyan.
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Arroceros | Mula sa Kastilang arroceros na ibig sabihin ay mahilig sa kanin | 14°35′27″N 120°58′55″E / 14.59070°N 120.98189°E | Kalye Antonio Villegas |
2 | Calle Bagumbayan (Paseo de las Aguadas) |
Salitang pinagsama na nangangahulugang bagong bayan | 14°35′23″N 120°58′51″E / 14.58976°N 120.98072°E | Abenida Padre Burgos |
3 | Calle Concepción | Mula sa Kastilang concepción na tumutukoy sa Immaculada Concepcion ni Maria, isang dogma ng Simbahang Katoliko | 14°35′25″N 120°59′02″E / 14.59040°N 120.98385°E | Kalye Natividad Almeda-López |
4 | Calle Divisoria | Mula sa Kastilang divisoria na nangangahulugang paghahati | 14°34′29″N 120°58′53″E / 14.57475°N 120.98149°E | Kalye Rafael M. Salas |
5 | Calle Florida (Calle San Antonio) |
Mula sa Kastilang florida, na ibig sabihin ay mabulaklak at kung saan binase ang pangalan ng Florida, ang estado ng Estados Unidos | 14°34′20″N 120°59′12″E / 14.57217°N 120.98675°E | Kalye María Y. Orosa |
6 | Calle Herrán (Calzada de Herrán / Calle Real / Carretera de Santa Ana) (Calle Real de Paco) | Ipinangalan kay José de la Herrán, isang Kastilang kapitang pandagat[24] | Kalye Pedro Gil | |
7 | Calle Isaac Peral (Calle Cortafuegos) |
Ipinangalan kay Isaac Peral, isang inhinyerong Kastila na opisyal ng hukbong dagat ng mga Kastila | 14°34′57″N 120°59′05″E / 14.58248°N 120.98472°E | Abenida United Nations |
8 | Calle Marina | Mula sa Kastilang marina na ibig sabihin hukbong-dagat | Kalye Guerrero | |
9 | Calle Marqués de Comillas | Ipinangalan kay Antonio López, Marqués | Kalye D. Romuáldez, Sr. | |
10 | Calle Nueva (Camino Real) | Mula sa Kastilang camino real na ibig sabihin maharlikang daan | Kalye A. Mabini | |
11 | Calle Observatorio | Mula sa Kastilang observatorio, na ibig sabihin ay obserbatoryo | 14°34′43″N 120°59′01″E / 14.57867°N 120.98372°E | Kalye Padre Faura |
12 | Calle Rizal | Ipinangalan kay José Rizal | Abenida Taft | |
13 | Calle San Casiano | Kalye San Marcelino | ||
14 | Calle San José | Kalye Alhambra | ||
15 | Calle San Luis | 14°34′54″N 120°58′50″E / 14.58159°N 120.98046°E | Abenida T.M. Kalaw | |
16 | Calle Wright | 14°34′23″N 120°59′18″E / 14.57295°N 120.98822°E | Kalye Antonio Vásquez | |
17 | Bulebar Dewey | Ipinangalan kay Almirante George Dewey | 14°34′15″N 120°58′56″E / 14.57093°N 120.98212°E | Bulebar Roxas |
18 | Calle Real | 14°34′20″N 120°58′58″E / 14.57231°N 120.98269°E | Kalye M.H. del Pilar ekstensyon Kalye F.B. Harrison | |
19 | Paseo de Santa Lucia o de Paseo de María Cristina |
Ipinangalan kay Infanta Maria Cristina | Landas A. Bonifacio |
Karagdagang kaalaman: Noong una, ang mga pook ng kapwa Malate at Ermita ay mararating lamang sa pamamagitan ng dalawang pangunahing lansangan, isa na rito ang Calle Real, na nasa tabi ng orihinal na baybayin ng look ng Maynila noong kapanahunang kolonyal ng Kastila. Kilala ito noon bilang Calle Real (sa salitang Espanyol) o Royal Street (sa salitang Ingles), na nagsilbing pambansang daanan na nag-uugnay ng Maynila sa mga lalawigan sa timog. Ang kasalukuyang Bulebar Roxas ngayon ay wala pang reklamasyon at nasa ilalim pa ng dagat noon. Sa kahabaan ng Calle Real ay ang mga bahay at palayan na may bantas na mga simbahan ng Malate at simbahan ng Ermita. Ang mga lumang instalasyong militar tulad ng Plaza Militar at Puwerte San Antonio Abad ay matatagpuan din dito. Tulad ng maraming mga lumang kalye sa Maynila, napalitan ito noong 1921 ng pangalan bilang galang kay M.H. Del Pilar, ang Pilipinong propagandista na humalili kay Graciano López Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad, ang pahayagan ng kilusang dumudulog ng Reporma sa Pilipinas na nakahimpil sa Barcelona.
Malate
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Malate, isa sa mga pinaka-abalang distrito ng Lungsod ng Maynila, ay nagsimula bilang isang maliit na nayon ng pangingisda noong panahon ng kolonyal na Espanyol. Ang pangalang Malate ay hinango mula sa isang korupsyon ng salitang Tagalog ukol sa katagang maalat.[25] Ang bansag na ito ay malamang na tumutukoy sa maalat na tubig sa pook na yoon, dulot ng naghahalo na tubig-dagat mula sa karatig na dalampasigan. Maaari din na ang kahulugan na salita ay madaming latian o "malati" dahil malapit ito sa look ng Maynila.[26] Nagtatag ng mga prayleng Agostino ng parokya dito noong Setyembre 8, 1588, na nagpaparangal sa "Nuestra Señora de los Remedios", o ang Banal na Inang Nagbibigay ng Lunas.
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Remedios | Ipinangalan kay Nuestra Señora de los Remedios | Kalye Sinagoga | |
2 | Calle Agno | Ipinangalan sa Agno Casto, puno na ginagamit sa panggamot | 14°34′04″N 120°59′31″E / 14.56764°N 120.99192°E | Kalye Don Francisco A. Reyes |
3 | Calle Carolina | Ipinangalan sa Carolinas, hilaga at timog, mga estado ng Estados Unidos | 14°34′08″N 120°59′09″E / 14.56883°N 120.98593°E | Kalye Madre Ignacia |
4 | Calle Colorado | Ipinangalan sa Colorado, estado ng Estados Unidos | 14°34′32″N 120°59′26″E / 14.57547°N 120.99048°E | Kalye Felipe Agoncillo |
5 | Calle Dakota | Ipinangalan sa Dakota, estado ng Estados Unidos | 14°34′08″N 120°59′13″E / 14.56889°N 120.98682°E | Kalye Macario Adriatico |
6 | Calle Florida | Ipinangalan sa Florida, estado ng Estados Unidos | 14°34′20″N 120°59′12″E / 14.57217°N 120.98675°E | Kalye Julio Nakpil |
7 | Calle Indiana | Ipinangalan sa Indiana, estado ng Estados Unidos | 14°34′24″N 120°59′20″E / 14.57333°N 120.98888°E | Kalye Pilar Hidalgo Lim |
8 | Calle Militar | 14°34′20″N 120°58′58″E / 14.57231°N 120.98269°E | Kalye Dr. Joaquin Quintos Sr. | |
9 | Calle Nebraska | Ipinangalan sa Nebraska, estado ng Estados Unidos | 14°34′45″N 120°58′54″E / 14.57927°N 120.98178°E | Kalye Jorge Bocobo |
10 | Calle Tennessee | Ipinangalan sa Tennessee, estado ng Estados Unidos | 14°34′30″N 120°59′23″E / 14.57512°N 120.98970°E | Kalye Gen. Miguel Malvar |
11 | Calle Vermont | Ipinangalan sa Vermont, estado ng Estados Unidos | 14°34′28″N 120°59′28″E / 14.57458°N 120.99116°E | Kalye Julio Nakpil |
12 | Calle Vito Cruz | Ipinangalan kay Hermogenes Vito Cruz[29] | 14°33′48″N 120°59′48″E / 14.56327°N 120.99655°E | Kalye Pablo Ocampo |
13 | Calzada de Singalong | Ipinangalan sa salitang singgalong, bahagi ng kawayan[30] | Kalye San Andrés |
Paco
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang distrito ng Paco, na dating kilala bilang San Fernando de Dilao hanggang 1791, ay isang sinaunang bayan ng Maynila na itinatag ng mga misyonerong Espanyol na Pransiskano noong 1580. Nakilala ito bilang Paco (palayaw ng Francisco) de Dilao at sa kalaunan ay pinaikli sa Paco.[31]
# | Orihinal na pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng dating pangalan |
Mga koordinado | Pinalitang pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Canónigo | Mula sa Kastilang canónigo na ibig sabihin ay kanon | Ekstensyon Abenida President Quirino | |
2 | Calle California | Mula sa California, estado ng Estados Unidos | 14°34′43″N 120°59′25″E / 14.57873°N 120.99038°E | Kalye Josefa Llanes Escoda |
3 | Calle Dart | 14°34′33″N 120°59′39″E / 14.57581°N 120.99417°E | Kalye Angel Linao | |
4 | Calle Oregon | Ipinangalan sa Oregon, estado ng Estados Unidos | 14°34′51″N 120°59′31″E / 14.58093°N 120.99208°E | Kalye Galicano Apacible |
5 | Calle Unión | Ipinangalan sa Union Station, Washington DC, istasyon ng tren na idinisenyo ni Daniel Burnham[32] | 14°34′46″N 120°59′48″E / 14.57943°N 120.99655°E | Kalye F. M. Gernale |
Santa Ana hanggang Pandacan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang orihinal na pangalan ng distritong ito ay Meysapan (o Sapa) at pinamumunuan ng Kahariang Tagalog ng Namayan. Ibinigay ito ng mga mananakop na Kastila sa mga misyonerong Espanyol na Pransiskano noong 1578, at kasunod nito ay pinangalanang ito na Santa Ana de Sapa, bilang papuri sa ina ng Birheng Maria.[33]
# | Lumang pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng lumang pangalan |
Mga Coordinates | Bagong pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Carretera de San Pedro Macati | Dating bahagi ang San Pedro de Macati ng kaharian ng Namayan, na bahagi na ngayon ng Sta. Ana, Maynila | Kalye Tejeron | |
2 | Calle Inviernes | 14°35′03″N 121°00′23″E / 14.58403°N 121.00644°E | Kalye Dr. M. L. Carreón | |
3 | Calle Luengo | Ipinangalan kay Manuel Luengo, gobernador sibil ng Maynila, 1896 | Abenida Elpidio Quirino (Plaza Dilao) |
Sampaloc hanggang Sta. Mesa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagkakatatag ng Sampaloc bilang isang bayan ay kasabay ng pagkakatatag nito bilang isang parokya na independyente sa Santa Ana de Sapa noong 1613. Noong panahong iyon, kasama rito ang ngayon ay Pandacan na nahiwalay dito noong 1712. Hanggang sa unang bahagi ng ika-20 dantaon, ang Sampaloc ay binubuo ng mga palayan at kagubatan na may tuldok na burol at pinagsasalu-salo ng maliliit na maruruming kalsada. Ang lugar ay napuno ng mga kakahuyan ng mga puno ng sampalok (Tamarindus indica) kung saan pinangalanan ang distrito.
# | Lumang pangalan | Kaugnay na pinagmulan ng lumang pangalan |
Mga Coordinates | Bagong pangalan |
---|---|---|---|---|
1 | Calle Alix | Ipinangalan kay José María Alix y Bonache | Kalye Benito Legarda | |
2 | Calle Andalucía | Ipinangalan sa Andalusia, Espanya | Kalye Alfonso Mendoza | |
3 | Calle Bálic-Bálic | Kalye Gregorio Tuazon | ||
4 | Calle Buenavista | 14°21′40″N 121°03′32″E / 14.3610°N 121.0590°E | Kalye Victorino Mapa | |
5 | Calle Bustillos | Ipinangalan kay Fernando Manuel de Bustillo Bustamante | Kalye Jose Figueras | |
6 | Calle Castaños | Kalye Luis Lardizabal | ||
7 | Calle Cataluña | Ipinangalan sa Catalonia, lalawigan ng Espanya | 14°36′26″N 120°59′16″E / 14.60736°N 120.98781°E | Kalye Tolentino |
8 | Calle Constancia | Ipinangalan sa Constância, Portugal | Kalye Ruperto Cristobal, Sr. | |
9 | Calle Gastambide | Kalye Francisco Dalupan Sr. | ||
10 | Calle Economía | Kalye Vicente Cruz | ||
11 | Calle Sobriedad | Kalye Mariano F. Jhocson | ||
12 | Calle Gardenia | Kalye Licerio Gerónimo | ||
13 | Calle Isabel | Ipinangalan kay Santa Isabel ng Pransya | 14°36′20″N 120°59′41″E / 14.60557°N 120.99459°E | Kalye Florentino Cayco |
14 | Calle Lepanto | Ipinangalan sa Labanan sa Lepanto | 14°36′40″N 120°59′48″E / 14.61109°N 120.99669°E | Kalye Sergio H. Loyola |
15 | Calle Lipa | Kalye Mariano F. Jhocson | ||
16 | Calle Morayta | Ipinangalan kay Miguel Morayta[34] | 14°36′15″N 120°59′16″E / 14.60420°N 120.98774°E | Kalye Nicanor Reyes |
17 | Calle Pepín | Ipinangalan kay Pepin, sinaunang hari ng Pranses | 14°36′37″N 120°59′45″E / 14.61032°N 120.99589°E | Kalye Jesús Marzan[35] |
18 | Calle Padre Noval | Ipinangalan kay Padre José Noval | Kalye Quezon | |
19 | Calle Trabajo | Kalye Manuel Dela Fuente | ||
20 | Calle Washington | Ipinangalan sa Washington, estado ng Estados Unidos | 14°37′04″N 120°59′42″E / 14.61765°N 120.99492°E | Kalye Antonio Maceda[36] |
Karagdagang kaalaman: Ang Sulucan ay isa sa sampung baryo na bumubuo sa naik ng Sampaloc. Ang iba pang siyam ay ang Bacood, Balic-Balic, Bilarang Hipon, Calubcub, Manggahan, Nagtahan, San Isidro, San Roque, at Santa Mesa. May isa pang matandang baryo na nagngangalang San Anton. Ang isa pang baryo na pinangalanang Santa Clara ay idinagdag sa kalaunan. Sa Tagalog, ang "Sulucan" (o "sulukan") ay nangangahulugang "isang lugar ng mga sulok" o "madilim, nakatagong mga sulok." Tunay na inilarawan ng mga salitang ito ang bahaging iyon ng arrabal noong panahon ng Kastila. Noong termino ni Padre José Noval, na nagsilbi bilang Rector ng Unibersidad ng Santo Tomas mula 1910 hanggang 1914, ay kung kailan nakakuha ang pamantasan ng 21.5-ektaryang lupain sa Sulucan.
Lungsod Quezon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na pangalan | Pinalitang pangalan | Lungsod o bayan na dinadaanan |
---|---|---|
Daang Agham/Daang BIR | Abenida Senator Miriam P. Defensor-Santiago | Lungsod Quezon |
Kalye Albay (San Francisco Del Monte) | Kalye Bodino | Lungsod Quezon |
Kalye Alcman | Kalye Lourdes Castillo | Lungsod Quezon |
Eskinita 19 (Pag-asa) | Eskinita R.G. Bartolome, Sr. | Lungsod Quezon |
Kalye Arayat | Kalye P. Bernardo | Lungsod Quezon |
Kalye Arizona | Kalye Monte de Piedad | Lungsod Quezon |
Abenida Artillery (U.P. kampus) | Abenida Laurel | Lungsod Quezon |
Daang Bálic-Bálic Road (Ruta 53) | Kalye N. Domingo | Lungsod Quezon–San Juan |
Kalye Banahaw | Kalye Mayor Ignacio Santos Diaz | Lungsod Quezon |
Daang Constitutional | Daang Batasan–San Mateo | Lungsod Quezon–San Mateo |
Palapagang Balara | Abenida University | Lungsod Quezon |
Abenida Bohol | Abenida Sgt. Esguerra | Lungsod Quezon |
Daang Bonifacio–Manila / Daang Bonifacio-Manila / Daang Manila-Novaliches / Ruta 52 / Lansangang-bayan 52 | Abenida Bonifacio at Lansangang-bayang Quirino | Lungsod Quezon–Norzagaray |
Kalye Brixton Hill | Kalye Tomas Arguelles | Lungsod Quezon |
Abenida Broadway (Biak-na-Bato) | Abenida Doña Juana S. Rodríguez (naibalik uli ang pangalan sa Abenida Broadway) | Lungsod Quezon |
Calle Retiro (Street) / Kalye C. Adan | Abenida N. S. Amoranto Sr. | Lungsod Quezon |
Landas Capitol Park | Kalye Don Antonio | Lungsod Quezon |
Abenida Cebu | Kalye Mother Ignacia | Lungsod Quezon |
Abenida Central | Abenida Eraño Manalo | Lungsod Quezon |
Bulebar Central | Bulebar P. Tuazon | Lungsod Quezon |
Daang Constitutional Hill (Daang IBP) | Daang Batasan | Lungsod Quezon |
Abenida Commonwealth | Abenida Don Mariano Marcos (naibalik uli ang pangalansa Abenida Commonwealth) | Lungsod Quezon |
Kalye Don Antonio / Kalye Interneighborhood | Landas Holy Spirit | Lungsod Quezon |
Ekstensyon ng Bulubar España | Abenida E. Rodríguez Sr. | Lungsod Quezon |
Abenida Fairview / Ektensyon ng Bulebar Quezon | Abenida Quezon | Lungsod Quezon |
Kalye Geneta | Kalye P.G. Santillan | Lungsod Quezon |
Kalye Granada | Kalye Sen. Jose O. Vera | Lungsod Quezon |
Landas Greenhills | Landas Capitol Hills / Landas Manotok | Lungsod Quezon |
Landas Highland | Kalye Tomas Castro | Lungsod Quezon |
Abenida North / Abenida Hilaga | Abenida North[37] (naibalik uli sa orihinal na pangalan) | Lungsod Quezon |
Abenida Infantry (U.P. kampus) | Abenida Magsaysay | Lungsod Quezon |
Daang Ipo / Dang Don Tomas Susano / Daang Novaliches-Ipo (Ruta 52) | Lansangang-bayang Quirino | Lungsod Quezon–Norzagaray |
Kalye K-A | Kalye Luis Sianghio | Lungsod Quezon |
Kalye K-B | Kalye Teodoro E. Gener | Lungsod Quezon |
Kalye K-C | Kalye Judge Jimenez | Lungsod Quezon |
Kalye K-D | Kalye Jose E. Erestain Sr. | Lungsod Quezon |
Kalye K-E | Kalye Dr. Jesus Azurin | Lungsod Quezon |
Abenida Kanluran | Abenida West | Lungsod Quezon |
Kalye Kentucky | Kalye Ernesto Porto | Lungsod Quezon |
Daang La Loma-Balintawak | Abenida Bonifacio | Lungsod Quezon |
Kalye Lambay | Kalye Sta. Catalina | Lungsod Quezon |
Kalye Laong Laan | Kalye Nicanor Roxas | Lungsod Quezon |
Kalye La Trinidad | Kalye Enrique Sobrepeña | Lungsod Quezon |
Daang Litex (Daang Manila Gravel Pit) | Daang Payatas | Lungsod Quezon |
Kalye Louisiana | Kalye Don Alfredo Egea | Lungsod Quezon |
Kalye Maganda | Kalye Maayusin | Lungsod Quezon |
Abenida Main | Abenida Justice Lourdes Paredes San Diego | Lungsod Quezon |
Kalye Makiling | Kalye Don Manuel Agregado | Lungsod Quezon |
Kalye Malasimbo (Kalye Del Monte Avenue to Maria Clara) | Kalye Don Ramon | Lungsod Quezon |
Kalye Maligaya | Kalye Mayaman | Lungsod Quezon |
Kalye Malualhatì | Kalye Mahusay/Marilág | Lungsod Quezon |
Kalye Maningning | Kalye Malusog | Lungsod Quezon |
Kalye Mapagsanggalang | Kalye Mapagkawanggawa | Lungsod Quezon |
Kalye Matiisin | Abenida V. Luna | Lungsod Quezon |
Kalye Matimyas | Kalye Mayumì | Lungsod Quezon |
Kalye Minnesota | Abenida Ermin Garcia | Lungsod Quezon |
Kalye Morong | Kalye Scout Oscar M. Alcaraz | Lungsod Quezon |
Abenida New York (west) | Kalye Pablo P. Reyes, Sr. (ginagamit pa rin ang lumang pangalan) | Lungsod Quezon |
Kalye Nevada | Kalye F. Manalo | Lungsod Quezon |
Abenida North Avenue (U.P. kampus) | Abenida Osmeña | Lungsod Quezon |
Daang Dibersyong North | North Luzon Expressway (o Mabilisang Daang North Luzon) | Lungsod Quezon–Mabalacat |
Abenida Pacific | Doña M. Hemady Street | Lungsod Quezon |
Kalye P. Aunario | Abenida C. P. Garcia | Lungsod Quezon |
Extensyon ng Kalye P. Pelaez | Kalye Pedro Cruz Martinez | Lungsod Quezon |
Kalye Pi y Margall | Kalye Sen. Mariano J. Cuenco | Lungsod Quezon |
Kalye Pulog | Kalye N. Ramirez | Lungsod Quezon |
Kalye Renacimiento | Kalye Tomas Ramirez | Lungsod Quezon |
Abenida Roosevelt | Abenida Fernando Poe Jr. | Lungsod Quezon |
Landas Rosario (mula Daang Valley hanggang Kalye N. Domingo/Daang Balic-Balic) at Daang Valley | Kalye Betty Go-Belmonte | Lungsod Quezon |
Abenida Sampaloc | Abenida Tomas Morato | Lungsod Quezon |
Daang Samson (segmenteng Lungsod Quezon) | Daamg Old Samson | Lungsod Quezon |
Kalye San Bartolome | Kalye P. de la Cruz | Lungsod Quezon |
Daang Santolan | Abenida Col. Bonny Serrano (ginagamit pa rin ang lumang pangalan) | Lungsod Quezon-San Juan |
Daang Sauyo | Kalye Don Julio Gregorio | Lungsod Quezon |
Kalye Sierra Madre | Kalye Speaker Perez | Lungsod Quezon |
Abenida Silangan (pook kuwadrilatero) | Abenida East | Lungsod Quezon |
Abenida Silangan (U.P. kampus) | Abenida C. P. Garcia | Lungsod Quezon |
Kalye Sobriedad | Kalye D. Tuazon | Lungsod Quezon |
Abenida South (U.P. Kampus) | Abenida Roxas | Lungsod Quezon |
Kalye South 2 | Kalye Scout Albano / Landas Eugenio Lopez Jr. | Lungsod Quezon |
Kalye South 3 | Kalye Scout Bayoran | Lungsod Quezon |
Kalye South 4 | Kalye Scout Borromeo | Lungsod Quezon |
Kalye South 5 | Kalye Scout Madriñan | Lungsod Quezon |
Kalye South 6 | Kalye Scout Rallos | Lungsod Quezon |
Kalye South 7 | Kalye Scout Limbaga | Lungsod Quezon |
Kalye South 8 | Kalye Scout Fernandez | Lungsod Quezon |
Kalye South 9 | Kalye Scout Fuentebella | Lungsod Quezon |
Kalye South 10 | Kalye Scout Gandia | Lungsod Quezon |
Kalye South 11 | Kalye Scout de Guia | Lungsod Quezon |
Kalye South 12 | Kalye Dr. Lazcano | Lungsod Quezon |
Kalye South 13 | Kalye Scout Delgado | Lungsod Quezon |
Kalye South 14 | Kalye Scout Lozano | Lungsod Quezon |
Kalye South 15 | Kalye Scout Castor | Lungsod Quezon |
Kalye South 16 | Kalye Marathon | Lungsod Quezon |
Kalye South 17 | Kalye Fr. Martinez | Lungsod Quezon |
Kalye South 18 | Kalye Scout Ojeda | Lungsod Quezon |
Kalye South 19 | Kalye Scout Chuatoco | Lungsod Quezon |
Kalye South B | Kalye Scout Magbanua | Lungsod Quezon |
Kalye South C | Kalye Scout Reyes | Lungsod Quezon |
Kalye South D | Kalye Scout Santiago | Lungsod Quezon |
Kalye South E | Kalye Scout Tobias | Lungsod Quezon |
Kalye South F | Kalye Scout Tuason | Lungsod Quezon |
South G Street | Scout Torillo Street | Lungsod Quezon |
Kalye South H | Kalye Scout Ybardolaza | Lungsod Quezon |
Kalye South I | Kalye 11th Jamboree / Landas GMA Network | Lungsod Quezon |
Kalye South K | Ekstensyon ng Kalye Scout Rallos (mula sa hilagang dulo) | Lungsod Quezon |
Kalye South Market | Abenida Don Alejandro Roces | Lungsod Quezon |
Landas Sunnyside | Kalye Eymard | Lungsod Quezon |
Kalye Tacio | Kalye Comm. Dev. Center | Lungsod Quezon |
Kalye Tagaytay | Kalye Sgt. Rivera | Lungsod Quezon |
Kalye Tagaytay | Kalye N. Zamora | Lungsod Quezon |
Abenida Timog | Abenida South (bumalik uli ang pangalan sa Abenida Timog simula pa noong 1965) | Lungsod Quezon |
Kalye Tuayan | Kalye Raymundo Familara | Lungsod Quezon |
Kalye Virginia | Kalye Sgt. J. Catolos | Lungsod Quezon |
Landas Zebra | Landas Temple | Lungsod Quezon |
Iba pang lungsod o bayan sa Kalakhang Maynila
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na pangalan | Pinalitang pangalan | Lungsod o bayan na dinadaanan |
---|---|---|
Abenida 10th | Abenida Macario Asistio, Sr. Avenue (naibalik ang pangalan sa Abenida 10th) | Caloocan |
Kalye A. Diego | Kalye Colonel M. Ver | San Juan |
Kalye Alfaro | Kalye L. P. Leviste | Makati |
Kalye Alvarado | Kalye Carlos Palanca | Makati |
Abenida Amber | Landas J. Escrivà | Pasig |
Abenida Angel Tuazon | Abenida Gil Fernando | Marikina |
Kalye A. Raquiza | Kalye F. Antonio | San Juan |
Avenida Alfonso | Abenida Alfonso XIII | San Juan |
Bulebar Bay | Bulebar Jose W. Diokno | Pasay–Parañaque |
Kalye Blumentritt | Kalye Rt. Rev. G. Aglipay | Mandaluyong |
Abenida Buendía | Abenida Sen. Gil Puyat (bagaman ginagamit pa rin ang orihinal na pangalan na Buendia) | Makati–Pasay |
Kalye C. Ruiz | Kalye Pedro B. Mendoza | San Juan |
Calle Baltazar | Kalye Zamora | Caloocan |
Calle Libertad | Abenida Arnaiz | Pasay |
Calle Libertad | Kalye Domingo M. Guevara | Mandaluyong |
Calle Pinagbarilan | Kalye Edang | Pasay |
Calle Real | Abenida Diego Cera / Daang Alabang-Zapote | Las Piñas–Muntinlupa |
Calle Reposo | Kalye Nicanor Garcia | Makati |
Calle Valenzuela (Kalye F. Blumentritt hang gang Kalye Pinaglabanan) | Kalye José Gil | San Juan |
Camino de Mandaluyong (Road)[38] | San Juan-Mandaluyong Road, F. Blumentritt Street | San Juan–Mandaluyong |
Camino de Mariquina (Road)[38] | San Juan–Marikina Road, Marikina Road, N. Domingo Street | San Juan–Quezon City |
Canley Road | Danny Floro Street | Pasig |
Chorillo Street | General Julian Cruz Street | Marikina |
Concepción Street | A. Layug Street | Pasay |
Coronado Street | Sgt. F. Santos | Mandaluyong City |
Cpl. York Street | Magalona Street | Mandaluyong |
Daang Bakal Road | Munding Avenue, Shoe Avenue, Bagong Silang Road | Marikina |
Dalla Street | Andres Soriano Street | San Juan |
Dansalan Street | M. Vicente Street | Mandaluyong |
Dao Street Extension | Sacred Heart Street | Makati |
Diamond Avenue | ADB Avenue/F. Abello Street | Pasig |
East Drive | Courtyard Drive | Makati |
East Manila South Road (Route 59) | M. L. Quezón | Taguig |
Elizalde Road | Elisco Road | Taguig |
Emerald Avenue | F. Ortigas, Jr. Road[39] | Pasig |
Escarpment Road | Captain Henry P. Javier Street[39] | Pasig |
Farmers Avenue | Bagong Farmers Avenue | Marikina |
Florante Street | J. Alvior Street | San Juan |
Foch Street[40] | Pedro Guevarra Street | San Juan |
Foch Street[40] | Lawson Street | Mandaluyong |
F.B. Harrison Street | Elpidio Quirino Avenue | Parañaque |
Frontera Drive | Central Avenue | Pasig |
General Ricarte Street | P. Binay Street | Makati |
Guadalupe–Pateros Road (Route 21A) | Dr. José P. Rizal Extension | Makati |
H. Lozada Street (Aurora Boulevard to 29 de Agosto Street) | Sofronio Veloso Street | San Juan |
Herrera Street | Vicente A. Rufino Street | Makati |
Hi-Way Drive | Station Road | Makati |
Hollywood Drive (Bukang-Liwayway) | Lieutenant José M. Artiaga Street | San Juan |
Hotel Drive | East Street | Makati |
Ilang-Ilang Street | F. Santos Street | San Juan |
Imelda Avenue | Kalayaan Avenue | Makati–Taguig (since 2023) |
Imelda Avenue | Ninoy Aquino Avenue | Pasay–Parañaque |
Joffre Street | Ibuna Street | San Juan |
Johnston Street | Capt. S. Roja | San Juan |
José Gil Street (F. Manalo Street–F. Blumentritt Street) | Valenzuela Street | San Juan |
José Rizal Boulevard (Route 54B) / Manila East Road | Shaw Boulevard | Mandaluyong and Pasig |
Kabihasnan St. | Victor Medina St. | Parañaque |
Kenneth Road | Eusebio Avenue (Alfonso Sandoval Avenue to Paraiso Street) | Pasig and Taytay, Rizal |
Kitchener Street (Richenine Street) | C. M. Recto Street | San Juan |
Laon Laan Street | P. Antonio Street | Pasig |
Lion's Road | Dra. Leonisia H. Reyes Street | San Juan |
Malibay Street | C. Suarez Street | Pasig |
Manila Circumferential Road / Highway 54 (Route 54) / 19 de Junio | Samson Road and Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) | Caloocan, Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasay |
Manila North Road (Route 3) | MacArthur Highway | Caloocan–Aparri |
Highway 55 (Route 55) / Manila Provincial Road | Aurora Boulevard, Legarda Street, Magsaysay Boulevard, and Marikina-Infanta Highway / Marilaque Highway (Marcos Highway) | Manila, San Juan, Quezon City, Marikina, Pasig |
Marne Street | G. Ocampo Street | San Juan |
México Road | Taft Avenue Extension | Pasay |
MIA Road | NAIA Road | Parañaque |
Melanio Street | Melanio de Salapan Street | San Juan |
Molave Street | General Ordoñez Street | Marikina |
Nichols–McKinley Road | Andrews Avenue and Lawton Avenue | Pasay and Taguig |
North Drive | Parkway Drive | Makati |
Office Drive | North Street | Makati |
Ortega Street (F. Manalo Street–P. Guevarra Street) | Mariano Marcos Street[41] | San Juan |
Paraiso Street (Pinaglabanan Street–D. Santiago Road) | Atty. A. Mendoza Street | San Juan |
Pasay Road (Route 57) | Arnaiz Avenue | Makati |
Pasong Tamo | Chino Roces Avenue | Makati–Taguig |
Pershing Street | Romualdez Street | Mandaluyong |
Plaridel Street | Eagle Street | Pasig |
Rada Street | Thailand Street (name since reverted to Rada Street) | Makati |
Riverside Drive | F. Manalo Street | San Juan |
Rizal Drive | West Street | Makati |
Route 3A | Rizal Avenue Extension | Caloocan |
Route 21 B | Dr. Sixto Antonio Avenue | Pasig |
Route 53 | Sumulong Highway | Marikina |
San Venancio Street | Adevoso Street | San Juan |
West Drive / South Drive | Palm Drive | Makati |
South Superhighway / South Diversion Road | Osmeña Highway, South Luzon Expressway | Manila–Santo Tomas |
St. Francis Avenue | Hunters ROTC Avenue | Cainta |
Súcat Road | Dr. Santos Avenue | Parañaque–Muntinlupa |
Sultana Street | La Campana Street (name since reverted to Sultana Street) | Makati |
Tektite Road | Exchange Road[39] | Pasig |
Theater Drive | Parksquare Road | Makati |
Tramo Street | Aurora Boulevard | Pasay |
Ugong Street | Saint Paul Street[39] | Pasig |
Verdun Street | Reraon Street | San Juan |
West Manila South Road (Route 1A) | Elpidio Quirino Avenue | Parañaque |
Karagdagang pagbabasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Saints, sinners, conquerors, laborers: Binondo street names reflect heritage (sa wikang Ingles)
- Traveler on foot Old Street Names of Manila (sa wikang Ingles)
- scribd.com Old Street Names of Manila (sa wikang Ingles)
- wordpress.com Old Street Names of Manila (sa wikang Ingles)
- Narratives and Renamed Streets (sa wikang Ingles)
- Street Names, Remembering and Forgetting (sa wikang Ingles)
- Manila Nostalgia (sa wikang Ingles)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Intramuros | britannica.com (sa wikang Ingles)
- ↑ streets-of-intramuros-calle-real-del-palacio | d0ctrine.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Sa loób ng Maynilà (Intramuros) | filipinoscribbles (sa wikang Ingles)
- ↑ Puerta Real de Bagumbayan, 1985 | Intramuros Administration (sa wikang Ingles)
- ↑ streets-of-intramuros-calle-real-del-palacio | d0ctrine.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Empowering Filipino Youth | Escuela Taller (sa wikang Ingles)
- ↑ Manila High School | The Historical Marker Database (sa wikang Ingles)
- ↑ Manny Villar's holiday wishes for P-Noy, Corona, GMA | philstar.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Forgotten heroes: Datus who first struck for independence| mb.com.ph (sa wikang Ingles)
- ↑ "An Ordinance Restoring to P. Varona Street in Tondo its Former and Original Name "Bankusay Street"" (PDF) (sa wikang Ingles). City Council of Manila. Hulyo 12, 1968.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2015-07-15). "Walking tour of Bonifacio's Manila". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Parish: Governador General Andres Garcia Camba | pintakasiph. (sa wikang Ingles)
- ↑ History lying in plain sight| inquirer.net (sa wikang Ingles)
- ↑ 14.0 14.1 14.2 Binondo Streets| chinatownmuseum.org (sa wikang Ingles)
- ↑ Founders of the Katipunan| PhilippineMasonry.org (sa wikang Ingles)
- ↑ Today in Filipino history, June 17, 1863, Rafael del Pan was born in Intramuros, Manila | kahimyang.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Our Story| Panciteria San Jacinto (sa wikang Ingles)
- ↑ Nuestra Señora de la Soledad de Manila – The Queen and Refuge of the Poor| positivelyfilipino (sa wikang Ingles)
- ↑ Ira, Luning B. (1977). Streets of Manila (sa wikang Ingles). GCF Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Where are the places in Noli Me Tangere now?| villagepipol.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Calle Azcarraga, March 4, 1961| Philippines Free Press (sa wikang Ingles)
- ↑ Rizal Avenue – A street to love| lougopal.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Escolta Santa Cruz district, Manila (Philippines) | Urban Knowledge Network Asia (sa wikang Ingles)
- ↑ Araw: Philippine Arts & Culture Today : a Quarterly of the National Commission for Culture and the Arts (sa wikang Ingles). Commission for Culture and the Arts. 2000.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Inquirer (2019-03-16). "Malate: 'Manila's crown jewel'". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-12-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brief History of Ermita and Malate | weebly.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Nuestra Señora de los Remedios de Malate - Manila's sought after Remedy | pintakasi1521 (sa wikang Ingles)
- ↑ Santuario de Nuestra Señora de los Remedios | andalucia.org (sa wikang Ingles)
- ↑ Hermogenes Vito Cruz (LRT Origins) | The Philippines Today (sa wikang Ingles)
- ↑ Singgalong| tagalog.com (sa wikang Ingles)
- ↑ Paco, Manila – Call It By Its Name| positivelyfilipino.com (sa wikang Ingles)
- ↑ New Trains, Station in Ruins| berkeleyprize.org (sa wikang Ingles)
- ↑ The Kingdom of Namayan and Maytime Fiesta in Sta. Ana of Old Manila| traveleronfoot (sa wikang Ingles)
- ↑ Miguel Morayta y Sagrario |Project Saysay (sa wikang Ingles)
- ↑ Jesús Marzan| olympedia.org (sa wikang Ingles)
- ↑ Ordinance No. 7077 | City Council of Manila (PDF) (sa wikang Ingles)
- ↑ De La Cruz, Christa I.; 2024-09-19. "Today I Learned: Why Timog Is 'Timog,' and Not South Avenue". Esquiremag.ph. Nakuha noong 2024-12-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) - ↑ 38.0 38.1 Neira, Eladio (1994). Glimpses Into the History of San Juan, Metro Manila (sa wikang Ingles). Life Today Publications. ISBN 978-971-8596-09-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 39.0 39.1 39.2 39.3 Greenhills-Ortigas commercial complex (Mapa). 1:3,500. Makati: Cunanan Maphouse. 2002.
{{cite map}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 40.0 40.1 Buenaventura, Fidel (1946). "San Juan Heights Addition" (Mapa). San Juan Heights Addition. 1:5000. National Library of the Philippines. NLP00CG0000000202. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2022. Nakuha noong Nobyembre 30, 2022.
{{cite map}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "San Juan's Guia Gomez endorses Bongbong Marcos for VP". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2016-02-15. Nakuha noong 2022-04-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)