Talaan ng mga titulo't parangal ng Reyna Elizabeth II
Si Reyna Elizabeth II ay humawak ng maraming titulo't parangal, parehong habang at noong hindi pa siya monarko ng bawat Realmong Komonwelt. Bawat isa ay nakatala sa ibaba, na kung saan dalawang petsa ang makikita, ang una ay ang kung kailan niya nakuha ang titulo o parangal (ang titulong Prinsesa Elizabeth ng York ay nakuha niya sa kanyang pagkapanganak) at ang ikalawang petsa ay kung kailan niya ito binitawan o `natanggal.
Mga Pamagat at Titulong Royal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 21 Abril 1926 - 11 Disyembre 1936: Ang Kanyang Kataasan Prinsesa Elizabeth ng York
- 11 Disyembre 1936 - 20 Nobyembre 1947: Ang Kanyang Kataasan Ang Prinsesa Elizabeth
- 20 Nobyembre 1947 - 6 Pebrero 1952: Ang Kanyang Kataasan Ang Prinsesa Elizabeth, Dukesa ng Edimburgo
- 6 Pebrero 1952 - Kasalukuyan: Ang Kanyang Kamahalan Ang Reyna
Sa aksesyon ni Elizabeth sa trono, siya'y tinanong kung ano ang magiging pangalan niya sa kanyang paghahari, Kanyang binanggit na "Yung akin syempre - Ano pa bang iba?" Hanggang 1953, ang kanyang opisyal na istilo ay "Sa pamamagitan ng grasya ng Diyos, ng Kalakhang Britanya, Irlandiya at ang mga Dominiyong Briton sa palibot ng karagatan, Reyna, Tagapagtanggol ng Pananampalataya". Siya ay ipinroklamang reyna gamit ang istilong yaon sa Canada at Katimugang Africa. Sa kabilang dako naman, sa Awstralya, Bagong Selanda at sa Nagkakaisang Kaharian, siya ay ipinroklamang monarka gamit ang istilong "Sa pamamagitaqn ng grasya ng Diyos, Reyna ng Realmong ito at lahat ng ibang realmo at mga teritoriyo, Tagapamuno ng Komonwelt, Tagapagtanggol ng Pananampalataya.
Isang desisyon ang napagpasiyahan ng mga Punong Ministro ni Elizabeth, na magkakaroon siya ng iba't ibang istilo at titulo sa bawat realmong kanyang pinaghaharian. Kaya't magkahiwalay ngunit magkakapareho ang mga titulo na ipinasang akto sa Nagkakaisang Kaharian at sa mga Dominyon ng Britannikong Komonwelt. Sa patuloy na ebolusyon ng Komonwelt, labing-anim na titulo ang hinahawakan ni Elizabeth sa palibot ng mga realmong komonwelt. Kapag magkakasama itong inililista, laging inuuna ang mga realmong unang naging realmo kaya ang pagkakasunod-sunod nito ay: Nagkakaisang Kaharian (Orihinal na Realmo), Canada (1867), Awstralya (1901), Bagong Selanda (1907). Matapos nito ay ang mga kolonyang naging realmong komonwelt: Hamayka (1962), Barbados (1966), ang Bahamas (1973), Grenada (1974), Papua Bagong Guinea (1975), ang mga Isla ng Solomon (1978), Tuvalu (1978), Santa Lucia (1979), San Vicente at ang mga Grenadino (1979), Antigua at Barbuda (1981), Belize (1981) at ang San Kitts at Nevis (1983).
Kahit na ang sitwasyon ay iisa lamang sa mga realmo ng Reyna sa Nagkakaisang Kaharian, sa Eskosya lamang naging kontrobersiya ang pangalang Elizabeth II dahil hindi pa nagkakaroon ng Elizabeth I sa Eskosya. Simbolo ng kanilang mariing pagtanggi dito ay ang mga bagong postboxes ng Liham Royal na mayroong sipherong royal na E II R, ang mga ito ay pinagbabababoy ng mga taong tutol dito. Kaya't naging solusyong nila dito ay ilagay nalamang ang Korona ng Eskosya upang maiwasan na ang mga nagaganap na vandalism. Iminungkahi na lamang ni Punong Ministro Churchill na ang mga susunod na monarko ay sundin ang alinman sa mga Eskosong o Ingles na sinundan, kung anong numero ang mas mataas.