Tanzan vs. Tarsan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Magkalabang tribo ang kinatatayuang nina Dolphy kasama ang kanyang kapatid na si Josephine Estrada laban sa kabilang tribo nina Vic Vargas at ang kanyang kapatid na si Cynthia Ugalde ang nilalaman ng pelikulang Komedya na ito na may halong awitan, sayawan at bugbugan.

Si Josephine ay nabihag ng kampo nina Vic samantalang si Cynthia naman ay nabihag ng mga kampo ni Dolphy na sa katagalan ay sila ang nagkapareha.

Mayroong konting sayawan kung saan inawit ni Dolphy ang awiting Abadaba Honeymoon.

Kabituin din sina Zeny Zabala bilang seksing amasona na may gusto kay Vic Vargas, Venchito Galvez, Herminia Carranza at kuwela rin si Chichay bilang Reyna ng mga Alupihan na tauhan ni Dolphy at si Panchito na tauhan naman ni Vic.

Ipinalabas noong 1962 na mula sa Sampaguita Pictures.



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Pelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.