Taong Lantian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lantian Man
Temporal range: Pleistocene
LantianManReconstruction.jpg
Lantian Man, Reconstruction in the Shaanxi History Museum, Xian (taken in March 2006)
Katayuan ng pagpapanatili
Fossil
Scientific classification
Kingdom: Animalia
Phylum: Chordata
Class: Mammalia
Order: Primates
Family: Hominidae
Genus: Homo
Species: H. erectus
Subspecies: H. e. lantianensis
Trinomial name
Homo erectus lantianensis
(Woo Ju-Kang, 1964)

Ang Taong Lantian (pinapayak na Intsik: 蓝田人tradisyonal na Intsik: 藍田人pinyin: Lántián rén) na dating kilala bilang Sinanthropus lantianensis at kasalukuyang tinatawag na Homo erectus lantianensis ay isang subspecies ng Homo erectus. Ang pagkakatuklas nito noong 1963 ay unang inilarawan ni J. K. Woo ng sumunod na taon. Ang mga labi ng Taong Lantian na tinawag na Lantian Ren(蓝田人 sa Tsino) ay natagpuan sa Lantian County (蓝田县; pinyin: Lántián Xiàn)sa timog kanluraning probinsiyang Shaanxi ng Tsina na tinatayang 50 km timog kanluran ng siyudad ng Xi'an. Sa sandaling pagkatapos matuklasan ang buto ng panga ng unang Taong Lantian sa Chenjiawo (陈家窝) sa Lantian County, ang isang bungo na may mga buto ng ilong, kanang maxilla at tatlong mga ngipin ng isa pang specimen ng Taong Lantian ay natagpuan sa Gongwangling (公王岭) na isa pang lugar sa Lantian County.