Pumunta sa nilalaman

Taongbono ng piyansa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Taongbono ng pyansa)

Ang taongbono ng pyansa(Ingles: bail bondsman o bondsman) ay sinumang indibidwal o korporasyon na umaasal bilang surety at nangangako ng salapi o ari-arian bilang pyansa sa pagharap ng akusado sa korte. Bagaman ang mga bangko, kompanya ng seguro at iba pang mga katulad na institusyon ay karaniwang mga surety sa iba pang mga uri ng kontrata(gaya halimbawa ng pagbobono sa isang kontraktor na nasa ilalim ng isang kontraktwal na obligasyon na bayaran ang pagkumpleto ng isang proyektong konstruksiyon), ang mga gayong entidad ay nag-aatubiling ilagay ang pondo ng kanilang mga depositor at tagahawakngpatakaran sa uri ng panganib na sumasangkot sa paglalagay ng pyansang bono. Sa kabilang dako, ang mga ahente ng pyansang bono ay karaniwang nasa negosyong ito upang pagsilbihan ang mga kriminal na isinasakdal at kalimitan ay nakukuha ang paglaya ng kanilang mga kustomer sa ilang mga oras lamang. Ang mga ahente ng pyansang bono ay halos eksklusibong matatagpuan sa Estados Unidos at Pilipinas. Sa karamihan ng ibang mga bansa, ang pangangaso ng gantimpala(bounty hunting) ay ilegal.