Tatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ibinibilang ang karamihan sa mga mamamayan ng Pilipinas sa mga liping Mongoloid, ngunit bagaman kalapit at kaugnay sila "sa dugo" ng mga Intsik, Hapones, at taga-Malaysia, mayroon pang naunang mga grupo ng mga tao na nagpunta at nanirahan sa sinaunang Pilipinas. Kabilang dito ang Taong Tabon at ang mga nagsidating na mga Negrito, Indones (mga sinaunang Indonesyano), at mga sinaunang Malay. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas, palagian nang nakikipag-unayan ang mga Intsik - bilang mga mangangalakal - sa mga mamamayan ng sinaunang Pilipinas. Sa loob ng maraming mga dantaon, nagkaroon ng pagpapakasal sa pagitan ng mga sinaunang mamamayan ng arkipelago at mga Intsik. Ang lahat ng mga ito ang tinatawag na mga unang mga mamamayang namuhay sa kapuluan, subalit may natatanging tatlong pangkat ng mga sinaunang taong dumating sa Pilipinas: ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay.[1]

Mga ninuno ng Pilipino[baguhin]

Ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ang nagbuhat sa mga pangunahing-lupain ng Timog-Silangang Asya, at pinaniniwalaang naglakbay at naglakad sa ibabaw ng mga "tulay na lupa" na dating nagkakabit at nagdurugtong ng Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Ang mga salinlahi ng mga ninunong ito ang naging nakikilalang mga Pilipino sa kasalukuyan at naging mayoridad sa Pilipinas.[1]

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[2] Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[2]

Katawagang Pilipino[baguhin]

Sa malawakang diwa, maaaring tawagin silang mga unang "Pilipino" sa sinaunang Pilipinas, subalit noong mga panahon ng mga lagom,kolonyalismong Kastila, orihinal na tumutukoy ang terminong Pilipino o Filipino sa mga Kastilang isinilang sa Pilipinas at tinatawag ding mga insular, kriyolyo o Pilipinong Espanyol. Binubukod nito ang mga Kastilang ipinanganak sa Europa kung saan kilala ang mga huli bilang mga peninsular. Ngunit sa pagsapit ng panggitna hanggang mga huli ng ika-19 dantaon, nagsimulang gamitin ang terminong "Pilipino" para sa mga katutubo o indihenang populasyon ng Pilipinas. Ayon sa manunulat ng kasaysayang si Ambeth Ocampo, si José Rizal ang unang tumawag sa mga katutubong mga naninirahan sa Pilipinas bilang mga "Pilipino". Sa kasalukuyan, ginagamit rin ang Pilipino para sa mga nasyonalidad at pagka-mamamayan ng isang taong nagmula sa Pilipinas. Nangangahulugan na tumutukoy din ang "Pilipino" hindi lamang sa mga katutubong Awstronesyanong mayoridad, kundi para na rin sa iba pang may mga pinagmulang etniko, katulad ng mga Pilipinong may-liping Amerikano, Kastila, Indiyano, Hapones, at Intsik.

Mga Negrito[baguhin]

Ang mga Negrito ang bumubuo sa mga pinakamatanda o sinaunang mga nabubuhay pang grupo sa Pilipinas. Tinatawag ding mga pygmy o pigmi (mga maliliit na tao), at mabababa ang taas kaysa mga pangkaraniwang mga Pilipino. Namumuhay pa rin sila sa pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at pagtitinda ng mga produktong mula sa kagubatan. Matatagpuan sila sa mga panloob na bahagi ng Luzon, Panay, at mga pulo sa Mindanao.[1]

Tumutukoy ang terminong Negrito sa ilang mga grupong etnikong namumuhay sa ilang mga lugar sa Timog-Silangang Asya.[3] Kabilang sa kanilang mga populasyon sa kasalukuyan ang mga Aeta (o Ita), Agta, Ayta, Ati, Dumagat at may mga 25 pang ibang tribo sa Pilipinas, ang Semang ng peninsulang Malay, ang mga Mani ng Taylandiya at 12 tribong Andamanes ng Kapuluang Andaman ng Indiya.

Mga Indones[baguhin]

Dalawang pangkat ng mga Indones ang unang dumating sa sinaunang Pilipinas. Ito ay Una at Ikalawang pangkat.

Unang pangkat[baguhin]

Nagmula ang mga unang Indones sa Timog-silangang Asya. Maputi ang kanilang balat, balingkinitan ang katawan, makitid ang hugis ng mukha may malapad na noo, may kalaliman ang mata ngunit matangos ang mga ilong. Mas makabago ang kanilang kalinangan kung ihahambing sa mga Negrito. Nagtayo sila ng mga bahay na may-hukay sa lupa o nasa tuktok ng mga puno. Marunong silang pumana, mangisda, magkaingin at niluluto nila ang kanilang mga pagkain. Pinaniniwalaang ninuno sila ng mga Ilongo ng Sierra Madre at ng Caraballo.

Pangalawang pangkat[baguhin]

Kaiba ang pangalawang pangkat ng mga Indones sapagkat maitim ang kanilang balat, malapad ang mukha, makapal ang labi, malaki ang panga, malaki ang ilong, bilugan ang mga mata at malaki ang mga katawan. Nagmula sila sa tangway ng Indo-Tsina at Gitnang Asya, at tumira sa mga baybay ng Luzon. Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa naunang pangkat. Pinaniniwalaang sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe.

Mga Malay[baguhin]

Mga Malay ang tawag sa mga pangkat etnikong Awstronesyo. Sa Pilipinas, sila ang mga ninuno ng mga naging Bisaya, Tagalog, Ilokano, Moro, Bikolano, Kampampangan, mga Panggasinense, Ifugao, at iba pa.

Tumira sila sa Pilipinas ng 100 hangang 200 na taon.[kailangan ng sanggunian] Ang mga armas nila ay itak, kris, balaraw at lantaka. thumbnail'Makapal na panitik''Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'Nakapahilis na panitik'''''''''''''''''''''

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

Talababa[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Philippines, The People". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  2. 2.0 2.1 "Philippines - Early History". U.S. Library of Congress. http://countrystudies.us/philippines/3.htm. Nakuha noong 2006-08-22. 
  3. Snow, Philip. The Star Raft: China's Encounter With Africa. Cornell Univ. Press, 1989 (ISBN 0801495830)

Bibliyograpiya[baguhin]