Pumunta sa nilalaman

Teatro di San Carlo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Real Teatro di San Carlo
Panlabas ng Bahay Opera ng San Carlo
Panloob na pagtingin mula maharlikang luklukan
Tanaw mula sa maharlikang luklukan
Ang kisame ng bahay opera
Royal coat of arm sa itaas ng proskenyo

Ang Real Teatro di San Carlo ("Maharlikang Teatro ng San Carlos"), na orihinal na pinangalanan ng monarkiyang Borbon ngunit ngayon ay kilala lamang bilang Teatro (di) San Carlo, ay isang bahay opera sa Napoles, Italya, na konektado sa Maharlikang Palasyo at katabi ng Piazza del Plebiscito. Ito ang pinakamatandang patuloy na aktibong dausan ng opera sa buong mundo, na binuksan noong 1737, mga dekada bago ang La Scala ng Milan o La Fenice ng Venecia.[1]

Ang panahong opera ay tumatagal mula huli ng Enero hanggang Mayo, na ang panahon ng ballet ay nangyayari mula Abril hanggang unang bahagi ng Hunyo. Ang gusali ay dating may kapasidad na may 3,285 makauupo,[2] ngunit ngayon ay nabawasan sa 1,386 na puwesto.[3] Dahil sa laki, estruktura, at kalumaan nito, ito ang modelo para sa mga teatrong kalaunan ay itinayo sa Europa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

 

  1. "The Theatre and its history" Naka-arkibo 2022-12-03 sa Wayback Machine. on the Teatro di San Carlo's official website. (In English). Retrieved 23 December 2013
  2. Gubler 2012, p. 52
  3. Progetto di ristrutturazione del Teatro San Carlo e rifacimento impianti di sicurezza antincendio e rilevazione fumi http://www.vvfnapoli.it/sancarlo.php Naka-arkibo 2016-04-04 sa Wayback Machine.
[baguhin | baguhin ang wikitext]