Pumunta sa nilalaman

Palatumbasan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teorya ng mga ekwasyon)

Sa panandaan, sinasaklaw ng palatumbasan[1] (Ingles: theory of equations) ang pag-aaral ng mga panandaing tumbasan, o mga tumbasang maisusulat bilang damikay. Ang dating suliranin ng palatumbasan ay ang pagtukoy kung kailan nagkakaroon ng kalutasan ang isang panandaing tumbasan. Ganap na nalutas ito noong 1830 sa tulong ni Évariste Galois, sa pamamagitan ng paggamit ng tinatawag ngayong teoryang Galois.

Bago sa panahon ni Galois, walang malinaw na pagkakaiba ang kangalangang "palatumbasan" at "panandaan". Buhat noon, ay mas lumawak na ang saklaw ng panandaan at dulot nito, hindi na gaanong napagtutuunan ng pansin ang huna ng panandaing tumbasan. Kaya, pangunahing ginagamit na lamang sa konteksto ng kasaysayan ng matematika, katawagang "palatumbasan" upang maiwasan ang pagkalito sa pagitan ng luma at bagong kahulugan ng "alhebra".

Ang Ars Magna (Dakilang Sining), kung saan inilatlhala ni Gerolamo Cardano ang mga pamamaraan ng paglutas ng mga buuking tumbasan.

Bago lumitaw ang panandaang basal, nakatuon ang panandaan o alhebra sa pamamaraan ng paglutas ng mga tumbasan. Nagmula ito sa pagtatangka sa paglutas ng mga suliraning pambilnurang naglalaman ng di-alam na dami o kantidad. Luminang ang paksang ito sa Babilonya, sinaunang Ehipto at Gresya. Halimbawa, nagbigay ng masaklaw na pagsusuri si Diopanto sa paglutas ng mga panandaing tumbasan sa kanyang akdang Arithmetica.[2] Nguni't hangga sa panahon ni, Muhammad ibn Musa al-Khwarizmi, na siyang nagbigay ng kumpleto at lahatang panuntunan sa paglutas ng mga dawaking tumbasan, tila isang tagpi-tagping katipunan ng mga hiwalay at natatanging kaso ng paglutas ang palatumbasan.[3]

Dumating ang sumusunod na mahalagang pag-unlad sa tulong nina Scipione del Ferro at Nicolo Tartaglia at iba pang taong nakatuklas ng sanyo para sa buuking at apating tumbasan. Nguni't sa kabila ng pagsusubok ng mga sipnayanon, ay tila wala silang mahanap na sanyo (gamit ang mga pang-ugat o radical) sa paglutas ng limahing tumbasan. Dulot nito, napagtuunan naman ng pansin ang paghahanap ng kinalalagyan ng mga ugat at sa pamamaraang pandapit o pagtantiya sa mga ugat (tulad ng sa pamamaraan ni Newton). Alalaong baga, naging suriin o analitiko ang palatumbasan. Bunga nito, ay natuklasan ang batayang hunain ng panandaan na sinasaad na ang mayroong n ugat ang isang damikay sa ika-n antas (kung ibibilang nang hiwalay ang mga multiplicity).[3]

Samantala, tuluyang nauwi sa kabiguan ang paghanap ng mga sanyo sa damikay sa ika-5 antas o higit pa, sapagka't napatunayang sapala ang ganitong hangarin. Sa huli, nagbigay si Évariste Galois ng pamantayan kung anu-anong tumbasan ang maaaring lutasin gamit ng sanyo sa mga pang-ugat.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Graduate and Faculty Studies [Mga Pag-Aaral ng Dalubhasikan at Kaguruan] (sa Ingles). Bol. 26. Pamantasang Cento Escolar. 1975.
  2. 1 2 Allan, Clark (1984). Elements of Abstract Algebra [Mulhagi ng Panandaang Basal]. Bagong York: Dover Publications.
  3. Fraiser, Craig G.; Berggren, John L. "Theory of equations" [Palatumbasan]. Britannica. Nakuha noong Hunyo 13, 2025.{{cite web}}: CS1 maint: url-status (link)

Karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Uspensky, James Victor, Theory of Equations [Palatumbasan] (McGraw-Hill), 1963
  • Dickson, Leonard E., Elementary Theory of Equations [Mulaing Palatumbasan] (Internet Archive), orihinal noong 1914