Pumunta sa nilalaman

Terno (kasuotang pambabae)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ternong pambabae)
Ang Reyna ng Kagandahan na si Pia Wurtzbach na nakasuot ng makabagong terno

Ang terno ay isang kasuotang pambabae mula sa Pilipinas. Kilala din ito bilang traje de mestiza (kasuotang pang-mestisa) noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Tinatawag din ito na Maria Clara[1] na hango sa mestisang karakter sa nobela ni José Rizal na Noli Me Tángere. Tradisyunal na yari ito sa piña, ang parehong materyal mayroon ang barong Tagalog.[2] Tinatawag din na balintawak ang ternong pang-cocktail (o pang-sosyal na salu-salo).[3]

Tulad ng baro't saya, binubuo ang traje de mestiza ng apat na bahagi: ang kamisa, saya, panuelo, at sobrepalda.[4] Simula noong dekada 1830, naging pamantayang kasuotan ng mga kababaihan mula iba't ibang katayuan sa lipunan. Tinutukoy ang ganitong istilong ito na pagpapares ng damit bilang "terno" na nangangahulugang "pares" o "tambal" sa Kastila. Nabago ang terno noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang unang kalahati ng ika-20 dantaon, kung saan mas naging komportable suotin ito at pinagsanib ang pantaas at pambabang kasuotan para maging isa lamang na damit. Sa panahon din na ito, tinutukoy ang terno bilang damit mestisa.[5]

Sa makabagong panahon, ang terno ay nakikilala sa itsurang manggas paruparo.[6] Sa konbersasyonal na usapan, tumutukoy ang salitang terno sa mga damit na magkapares na kulay, materyal o huwaran (pattern), kahit man pormal ito o hindi. Samakatuwid, umaayon sa orihinal na kahulugan ng katawagan na "pares" o "tambal."

Ang katumbas na panglalaki ng baro’t saya o terno ay ang barong Tagalog.[7] Bagaman, ang kombinasyon ng amerikana at pantalon na may nakakuwelyong damit panloob na may kurbata ay tinatawag din terno o ternong pormal. Ang mga tradisyonal na kasuotang pambabae sa Pilipinas ay sama-samang kilala bilang damit na Filipiniana. Kasama ang barong Tagalog, tinatawag din ang mga ito nang sama-sama bilang kasuotang Filipiniana.[8][9]

Ang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Disenyong Moda na sii Ramon Valera ay Isa sa mga pinakakilalang tagadisenyo ng terno noong dekada 1940.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Traje de Mestiza". Philippine Folklife Museum Foundation | San Francisco, Ca (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-20.
  2. Moreno, Jose "Pitoy". – Maria Clara, Philippine Costume, koleksyon.com, archived from the original on Hulyo 13, 2011. (sa Ingles)
  3. Miranda, Pauline (Nobyembre 15, 2018). "The terno is not our national dress—but it could be". NoliSoil (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 19, 2020. Nakuha noong Pebrero 19, 2020.
  4. "The Terno". Narra Studio (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-19.
  5. Fashionable Filipinas: An Evolution of the Philippine National Dress in Photographs 1860–1890 by Gino Gonzales & Mark Lewis Higgins (sa Ingles)
  6. Angeline, Nicole (Setyembre 30, 2021). "Reimagining the Philippine Terno for Modern Times". Seamwork (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-19.
  7. "A Guide to the Philippines' National Costume". Philippine Primer (sa wikang Ingles). Mayo 13, 2013. Nakuha noong Pebrero 19, 2020.
  8. "Modern Filipiniana: The 2019 ABS-CBN Ball Dress Code". Metro.style (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Nobyembre 2022.
  9. Garcia, Lawrence. "Filipiniana Dresses And How They've Changed Throughout History". Sinta & Co. Filipino Wedding Accessories (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Nobyembre 2022.
  10. Francisco, Katerina (2017-01-27). "FAST FACTS: Who invented the Philippine terno?". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-20.