Tessa Dahl

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tessa Dahl
Kapanganakan11 Abril 1957
PagkamamamayanUnited Kingdom
Hanapbuhayartista, manunulat, peryodista, children's writer, artista sa pelikula
AnakSophie Dahl
Mga magulang

Si Chantal Sophia "Tessa" Dahl (ipinanganak 11 Abril 1957) ay isang Ingles may-akda at dating artista.

Si Dahl ay ipinanganak sa Oxford, anak ng British na may-akda na si Roald Dahl at Amerikana artista na si Patricia Neal.[1] Lumaki siya sa Great Missenden, Buckinghamshire, at nag-aral sa mga paaralang Roedean at Downe House, sa Elizabeth Russell Cookery School at sa Herbert Bergof Acting Studio.

Pagkatapos ng maikling panahaon bilang artista noong dekada 1970, si Tessa Dahl ay naging isang aktibong may-akda. Ang kanyang mga gawa ay kinabibilangan ng nobelang Working For Love at mga pambatang piksiyon. Ang kanyang aklat na Gwenda and the Animals ay nanalo ng Friends of the Earth Best Children's Book of the Year. Bilang karagdagan, siya ay nagsulat para sa London Times, Sunday Times, Daily Telegraph, "The Sunday Telegraph", Daily Mail, The Mail On Sunday, Vogue, House and Garden (USA) at sa YOU Magazine. Siya ay isang contributing editor pambabaeng glossy magazine na Tatler.

Ang relasyon ni Dahl sa aktor na si Julian Holloway ay nagbunga ng isang anak, ang modelo at may-akda na si Sophie Dahl; ang mag-asawa na naghiwalay pagkatapos.[2] Pinakasalan niya ang negosyanteng si James Kelly at nagkaroon ng dalawang anak, sina Clover at Lucas. Nang naghiwalay, pinakasalan niya ang negosyenteng si Patrick Donovan, na anak ni Ambassador Francis Patrick Donovan, at nagkaroon ng isang anak, si Ned.

Piling pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pelikula Papel
1973 Happy Mother's Day, Love George Celia
1975 Royal Flash First Girl
1976 The Slipper and The Rose Princess
1978 Leopard in the Snow Miss Framley

Bibliograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Working for Love (1988)
  • The Same But Different (1988) – picture book
  • Gwenda & the Animals (1989)
  • School Can Wait (1990)
  • Babies, Babies, Babies (1991) – picture book
  • Everywoman's Experience of Pregnancy and Birth (1994)

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

Panlabas na mga link[baguhin | baguhin ang batayan]