Pumunta sa nilalaman

Taylandiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Thailand)
Kaharian ng Taylandiya
  • ราชอาณาจักรไทย (Thai)
  • Ratcha-anachak Thai
Watawat ng Taylandiya
Watawat
Emblema ng Taylandiya
Emblema
Awiting Pambansa: เพลงชาติไทย
Phleng chāt Thai
"Awiting Pambansa ng Taylandiya"


Awiting Makahari: สรรเสริญพระบารมี
Sansoen Phra Barami
"Luwalhatiin ang Kanyang Prestihiyo"
Kinaroroonan ng  Taylandiya  (green)

– sa Asia  (grey)
– sa ASEAN  (grey)

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Bangkok
13°45′N 100°29′E / 13.750°N 100.483°E / 13.750; 100.483
Official language
and national language
Tailandes
KatawaganTailandes
Siames
PamahalaanUnitary parliamentary constitutional monarchy
• Monarch
Vajiralongkorn (Rama X)
Paetongtarn Shinawatra
LehislaturaNational Assembly
• Mataas na Kapulungan
Senate
• Mababang Kapulungan
House of Representatives
Formation
1238–1448
1351–1767
1767–1782
6 April 1782
24 June 1932
6 April 2017
Lawak
• Kabuuan
513,120 km2 (198,120 mi kuw) (50th)
• Katubigan (%)
0.4 (2,230 km2)
Populasyon
• Pagtataya sa 2024
65,975,198[1] (22nd)
• Senso ng 2010
64,785,909[2] (21st)
• Densidad
132.1/km2 (342.1/mi kuw) (88th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $1.644 trillion[3] (23rd)
• Bawat kapita
Increase $23,401[3] (74th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2024
• Kabuuan
Increase $548.890 billion[3] (26th)
• Bawat kapita
Increase $7,812[3] (88th)
Gini (2021)35.1[4]
katamtaman
TKP (2022)Increase 0.803[5]
napakataas · 66th
SalapiBaht (฿) ([[ISO 4217|THB]])
Sona ng orasUTC+7 (ICT)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (BE)
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+66
Internet TLD

Ang Taylandiya,[6] opisyal na Kaharian ng Taylandiya, ay bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya na nasa Tangway ng Indotsina. Napapalibutan ito ng Laos at Cambodia sa silangan, Tangway ng Malaya at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Taylandiya bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Tsino, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.[7]

Kilala ng mga tagalabas ang Taylandiya bago ang taong 1939 bilang Siam. Ayon kay George Cœdès, ang salitang Thai (ไทย) ay nangangahulugang 'malayang tao' sa wikang Tailandes.[8] Ayon naman kay Chit Phumisak, ang ibig sabihin ng Thai (ไท) ay 'mga tao' o 'tao'; nagpapakita ang kanyang pagsisiyasat na ang ilang mga rural na lugar ay gumamit ng salitang "Thai" sa halip na ang karaniwang Thai na salitang khon (คน) para sa mga tao.[9] Ayon kay Michel Ferlus, ang mga etnonym na Thai-Tai (o Thay-Tay) ay maaaring nagmula sa etymon na *k(ə)ri: 'tao'.[10]

Kadalasang tinutukoy ng mga Taylandes ang kanilang bansa gamit ang anyong magalang na prathet Thai (Thai: ประเทศไทย). Ang prathet Thai ay ginamit sa Pambansang Awit ng mga Thai (Thai: เพลงชาติ), na isinulat ni Luang Saranupraphan noong dekada 1930s. Ang unang linya ng pambansang awit ay: prathet thai ruam lueat nuea chat chuea thai (Tailandes: ประเทศไทยรวมเลือดเนื้อชาติเรวมเลือดเนื้อชาติเชื้ 'ท๢ย) o itinatag ang Taylandiya sa dugo at laman'.[11] Ginagamit din nila ang mas kolokyal na terminong mueang Thai (Thai: เมืองไทย) o simpleng Thai; ang salitang mueang, na dating tumutukoy sa isang lungsod-estado, ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang isang lungsod o bayan bilang sentro ng isang rehiyon. Ang Ratcha Anachak Thai (Thai: ราชอาณาจักรไทย) ay nangangahulugang 'kaharian ng Taylandiya' o 'kaharian ng Thai'. Sa etimolohiya, ang mga bahagi nito ay: ratcha (Sanskrito: राजन्, rājan, 'hari, royal, realm'), ana- (Pali āṇā 'awtoridad, utos, kapangyarihan', mula mismo sa Sanskrit आज्ञा, ājñā, ng parehong kahulugan), at -chak (mula sa Sanskrit चक्र cakra- 'wheel', isang simbolo ng kapangyarihan at pamumuno).

Maaaring nagmula ang dating pangalan ng Taylandiya na Siam sa Sanskritong salita na श्याम (śyāma, 'dark') o Mon ရာမည (rhmañña, 'stranger') na may kaparehong pinagmulan sa Shan at Assam. Hindi posibleng ang salitang Śyâma ang tunay na pinagmulan, ngunit isang paunang dinisenyong paglihis mula sa wasto at orihinal na kahulugan nito.[12][13] Ang isa pang teorya tungkol sa pinagmulan ng Siam ay ang pangalan ay nagmula sa mga Tsino na tinatawag ang rehiyon ng Taylandiya na 'Xian'.[14]

Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensiyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang kulturang umusbong sa Taylandiya simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.

Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 hanggang ika-15 siglo.

Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.

Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayutthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Taylandiya sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.

Ang kapangyarihang Europeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Taylandiya ay nag-iisang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Taylandiya ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensiyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.

Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Taylandiya ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Taylandiya ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod-sunod na kudeta, ngunit natuloy rin ito sa demokrasya noong 1980.

Noong 1997, ang Taylandiya ay tinamaan ng krisis pinansiyal ng Asya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na Baht ng Taylandiya noong bago pa tumama sa bansa ang krisis.

Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang haungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya, politika, at pamahalaan.

Ang Hari ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ng Taylandiya ang gabinete.

Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng popular na halalan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).

Aktibong kasapi ang Taylandiya ng ASEAN.

Ika-50 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Taylandiya na may kabuuang sukat na 513,000 km² (198,000 mi²). Maaaring ihambing ito sa laki ng Espanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ng California ng Estados Unidos. Bahagyang mas-maliit din ito sa sukat ng Yemen.

Ang Taylandiya ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok sa Doi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ng Ilog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid na Kra Isthmus na lumalaki habang patungong Tangway ng Malay.

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Taylandiya ay nahahati sa 76 mga lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. Mayroong 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod na Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya. Ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Thai ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 na lalawigan ang bansa ng Taylandiya.

Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 mas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Naon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:

Isang napipindot na mapa ng Taylandiya na nagpapakita ng mga lalawigan nito
A clickable map of Thailand exhibiting its provincesLalawigan ng Chiang RaiLalawigan ng Chiang MaiLalawigan ng Mae Hong SonLalawigan ng PhayaoLalawigan ng LampangLalawigan ng PhraeLalawigan ng LamphunLalawigan ng NanLalawigan ng UttaraditLalawigan ng Bueng KanLalawigan ng Nong KhaiLalawigan ng Udon ThaniLalawigan ng Nakhon PhanomLalawigan ng Sakon NakhonLalawigan ng KalasinLalawigan ng MukdahanLalawigan ng LoeiLalawigan ng Khon KaenLalawigan ng Nong Bua LamphuLalawigan ng TakLalawigan ng SukhothaiLalawigan ng PhitsanulokLalawigan ng PhichitLalawigan ng Uthai ThaniLalawigan ng Kamphaeng PhetLalawigan ng Nakhon SawanLalawigan ng PhetchabunLalawigan ng ChaiyaphumLalawigan ng Maha SarakhamLalawigan ng Roi EtLalawigan ng YasothonLalawigan ng Amnat CharoenLalawigan ng Ubon RatchathaniLalawigan ng SisaketLalawigan ng SurinLalawigan ng BuriramLalawigan ng Nakhon RatchasimaLalawigan ng LopburiLalawigan ng ChainatLalawigan ng SingburiLalawigan ng KanchanaburiLalawigan ng Suphan BuriLalawigan ng Ang ThongLalawigan ng SaraburiLalawigan ng AyutthayaLalawigan ng Nakhon NayokLalawigan ng Prachin BuriLalawigan ng Pathum ThaniLalawigan ng Nakhon PathomLalawigan ng RatchaburiLalawigan ng Sa KaewLalawigan ng ChachoengsaoLalawigan ng ChonburiLalawigan ng RayongLalawigan ng ChanthaburiLalawigan ng TratLalawigan ng PhetchaburiLalawigan ng Prachuap Khiri KhanLalawigan ng ChumphonLalawigan ng RanongLalawigan ng Surat ThaniLalawigan ng Phang NgaLalawigan ng PhuketLalawigan ng KrabiLalawigan ng Nakhon Si ThammaratLalawigan ng TrangLalawigan ng PhatthalungLalawigan ng SatunLalawigan ng SongkhlaLalawigan ng PattaniLalawigan ng YalaLalawigan ng NarathiwatLalawigan ng Samut PrakanBangkokLalawigan ng NonthaburiLalawigan ng Samut SakhonLalawigan ng Samut Songkhram
A clickable map of Thailand exhibiting its provinces


Karamihan sa populasyon ng Taylandiya ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taong Tai. Ang ilan sa kanila ay ang, taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang Thai o Isan o Lao, Ang taga-Hilagang Thai, at ang mga taga-Katimugang Thai. Ang mga taga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa politika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Taylandiya at bahagya lamang ang mga taga Hilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ng Gitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal na diyalekto.

Ang Wikang Thai ay ang pambansang wika ng Taylandiya, na isinusulat sa sarili nitong sistema, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal na diyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ng Isan o Mon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.

Mga mag-aaral ng Mababang Paaralan sa Taylandiya

Mataas ang antas ng kamuwangan sa Taylandiya, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pampaaralan ng kindergarten, mababang paaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 baitang.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Thailand". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 24 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (Nakaarkibong 2022 edisyon)
  2. (sa Thai) National Statistics Office, "100th anniversary of population censuses in Thailand: Population and housing census 2010: 11th census of Thailand" Naka-arkibo 12 July 2012 sa Wayback Machine.. popcensus.nso.go.th.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "World Economic Outlook Database, April 2023". International Monetary Fund. Abril 2023. Nakuha noong Abril 22, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Gini Index". World Bank. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2018. Nakuha noong 12 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agoncillo, Teodoro A. (1980). Ang Pilipinas at ang mga Pilipino: noon at ngayon. R.P. Garcia Publishing Company. pp. 476, 481.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Capital City". The Government Public Relations Department (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Cœdès, George (1968). Walter F. Vella (pat.). The Indianized States of Southeast Asia. Trans. Susan Brown Cowing. University of Hawaii Press. ISBN 978-0-8248-0368-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Phumisak, Chit (1992). ความเป็นมาของคําสยาม ไทย, ลาว และขอม และลักษณะทางสังคมของชื่อชนชาติ: ฉบับสมบูรณ์ เพิ่มเติม ข้อเท็จจริงว่าด้วยชนชาติขอม [Etymology of Siam, Thai, Lao, Khmer] (sa wikang Thai). Samnakphim Sayām. ISBN 978-974-85729-9-4. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2024. Nakuha noong 31 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Pain, Frédéric (2008). "An Introduction to Thai Ethnonymy: Examples from Shan and Northern Thai". Journal of the American Oriental Society. 128 (4): 641–662. JSTOR 25608449.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Panyasuppakun, Kornrawee (8 Agosto 2017). "Patriotism remixed". Bangkok Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Eliot, Charles (1921). The Project Gutenberg EBook of Hinduism and Buddhism, An Historical Sketch, Vol. 3 (of 3) [EBook #16847]. London: Routledge & Kegan Paul Ltd. pp. Ch. xxxvii 1, citing in turn Footnote 189: The name is found on Champan inscriptions of 1050 CE and according to Gerini appears in Ptolemy's Samarade = Sâmaraṭṭha. See Gerini, Ptolemy, p. 170. But Samarade is near Bangkok and there can hardly have been Thais there in Ptolemy's time, and Footnote 190: So too in Central Asia Kustana appears to be a learned distortion of the name Khotan, made to give it a meaning in Sanskrit.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Klikauer, Thomas (2008), Klikauer, Thomas (pat.), "Distorted Communication I: Classifications", Management Communication: Communicative Ethics and Action, London: Palgrave Macmillan UK, pp. 55–73, doi:10.1057/9780230583238_4, ISBN 978-0-230-58323-8, inarkibo mula sa orihinal noong 28 Marso 2024, nakuha noong 24 Disyembre 2024{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Baker, Christopher; Phongpaichit, Pasuk (2014). A History of Thailand. Singapore: C.O.S Printers Pte Ltd. ISBN 978-1-107-42021-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]