The Dawn
Ang The Dawn ay isang rakistang bandang Filipino na unang sumikat noong huling bahagi ng dekada 1980 sa Pilipinas. Nagkahiwalay sila noong 1995 at sa kalaunan nagtayo ang punong bokalista na si Jett Pangan ng sarili niyang banda na Jett Pangan Group. Ngunit noong 2000, nagsama muli sila.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang nabuo ang The Dawn noong 1985 sa pamamagitan nina Teddy Diaz (bokalista at gitarista), Jett Pangan (punong bokalista), Clay Luna (bahista), at JB Leonor (tagatambol). Hinango nila ang pangalan ng kanilang banda mula sa isa larawan ng Espiritu Santo na sinisimbolo ang bukang-liwayway (the dawn) ng isang bagong araw. Ninais nina Diaz, Leonor at Luna ng isang babaeng bokalista; ngunit habang naghahanap sila, nag-awdisyon si Jett Pangan at tinanggap siya ng grupo. Nagsimulang tumugtog ang apat sa mga club at sa kalunan nagrekord ng isang sampol ng isang awitin na pinamagatang "Enveloped Ideas," na naibigay ang isang kopya sa DWXB 102.7, isang hindi na tumatakbong estasyon ng radyo sa FM sa Kalakhang Maynila na kadalasang pinapapatugtog ang mga musikang Alternative Rock / New Wave. Pumaimbabaw ito sa mga tsart ng mga estasyon ng mga radyo noong 1986, na tumulong sa grupo na magkaroon ng mga tagahanga. Masyadong na-impluwensiyahan ng istilong New Wave noong dekada 1980, naging kakaiba ang "Enveloped Ideas" sa kanyang panimulang operatikong boses na mala-Klaus Nomi.
Habang naghahanap ang The Dawn ng isang pangunahing record label, umalis si Luna sa banda upang mandayuhan sa Estados Unidos. Pinalitan siya ni Carlos "Caloy" Balcells, isang bahista ng isa pang bandang Filipino, ang Cicada Band.
Noong 1986, pumirma ang The Dawn sa OctoArts at inilabas ang kanilang unang album na nagtagumpay ang pagbenta nito.
Noong rurok ng kanilang katanyagan at pagkatapos ng kanilang ikalawang album na I Stand With You noong 21 Agosto 1988, sinaksak si Teddy Diaz hanggang sa namatay. Nangyari ito sa tapat ng bahay ng kanyang kasintahan. Sa kabila ng pagkamatay ni Diaz, nanatili ang banda kasama si Atsushi Matsuura bilang gitarista, ngunit pinalitan rin siya sa kalaunan ni Francis Reyes. Inupahan din ng grupo si Dodo Fernandez bilang sesyong piyanista para sa kanilang live na mga konsyerto.
Noong 1995, nagkakahiwalay-hiwalay sila at nagkasundo ang mga kasapi ng banda na kailangan na nilang magpatuloy ng ibang karera. Sa kalaunan, tinayo ni Pangan ang Jett Pangan Group at si Reyes naman ay naging DJ ng NU-107, isang alternative rock na estasyon ng radyo sa FM.
Noong 1999, nagkasama muli sila kasama sina Francis Reyes at Atsushi Matsuura sa gitara at nagpatugtog sa 2000 today Global Millennium Day Broadcast ng GMA Network sa Abenida ng Ayala, Lungsod ng Makati, at sa taong din na iyon ni-rekord nila ang Prodigal Sun, isang album na, parang katulad ng talinghaga ng Nawala at Natagpuang Anak, sinisimbolo ang kanilang pagbalik sa larangan ng musika.
Noong 2005, isang bagong album, Harapin, ang inilabas, na kinabibilangan ng mga awiting Tulad ng Dati at Laging Narito. Isang ika-20 anibersaryong pangyayari ang magaganap at ilang mga bagong proyekto sa 2006.
Hinihiling pa rin ng mga tagahanga ang mga kantang Enveloped Ideas, Salamat at Iisang Bangka sa mga estasyon ng radyo.
Mga kasapi ng banda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na line-up
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Clay Luna - bahista
- Teddy Diaz - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
Pangalawang line-up
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Carlos Balcells - bahista
- Teddy Diaz - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
Ikatlong line-up
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Carlos Balcells - bahista
- Atsushi Matsuura - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
Ikaapat na line-up (1991)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Carlos Balcells - bahista
- Francis Reyes - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
Ikalimang line-up (2000)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Carlos Balcells - bahista
- Francis Reyes - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
- Atsushi Matsuura - gitarista at bokalista pang-backup
Ikaanim na line-up (2002)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista
- JB Leonor - tagatambol
- Mon Legaspi - bahista
- Francis Reyes - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
- Atsushi Matsuura - gitarista at bokalista pang-backup
Ikapitong line-up (2004)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista at gitaristang ritmo
- JB Leonor - tagatambol
- Mon Legaspi - bahista
- Francis Reyes - gitarista, bokalista pang-backup at piyanista
Kasalukuyang line-up (2005)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jett Pangan - punong bokalista at gitaristang ritmo
- JB Leonor - tagatambol
- Buddy Zabala - bahista
- Francis Reyes - gitarista, bokalista pang-backup at piyanono
Ilang mga awitin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Alam ko, Alam Nyo"
- "Dreams"
- "I Stand With You"
- "Little Paradise"
- "Love Will Set Us Free"
- "Salamat"
- "Envelope Ideas"
- "Isang bangka"
- "Tulad ng Dati"
- "Salimpusa"