Pumunta sa nilalaman

The Decapitated Chicken and Other Stories, 1976 (transl. by Margaret Sayers Peden)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Manunulat: Horacio Quiroga

Wika: Espanyol (Orihinal), salin sa iba’t ibang wika

Uri ng Akda: Maikling Kuwento

Unang Nailathala: 1925

Mga Pangunahing Tema: Kalikasan, trahedya, kabaliwan, kamatayan


Ang koleksyon ng maikling kwentong The Decapitated Chicken and Other Stories ay sinulat ng Uruguayang manunulat na si Horacio Quiroga na binansagan Edgar Allan Poe ng Latin America. Inilathala ang koleksyong ito taong 1925 sa Wikang Espanyol at isinalin sa Wikang Ingles ni Margaret Sayers Paden noong 1976. Ang mga maikling kwento sa koleksyong ito ay naglalaman ng mga kwentong hindi lamang tumatalakay sa katatakutan, ngunit pati na rin ng mga paksang hindi madalas pag-usapan kagaya ng ganti ng kalikasan, sikolohikal na aspekto ng tao, pagkabaliw, at iba pa.

Bago pa man maging koleksyon ng mga maiikling kwento, ilan sa mga kwento rito ay nilathala sa iba't ibang pahayagan sa Latin Amerika.

Mga Buod ng ilang mga Kwento sa Koleksyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabuoan, may labinsalawang maiikling kwento ang koleksyon na tumatalakay sa iba't ibang paksang hindi karaniwang binibigyang pansin tulad ng pagkabaliw, kalikasan, kasamaan ng tao at ang tunggalian sa lipunan. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

The Feather Pillow (El almohadón de pluma)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang inilathala taong 1907, sumesentro ang kwentong ito sa batang mag-asawa kung saan ang babaeng asawa ay naratay sa banig ng karamdaman at hindi mawari kung anong naging karamdaman nito. Lumipas ang mga araw at tuluyang namatay ang babae nang hindi nalalaman ng mga doktor ang kanyang naging karamdaman. Nang suriin ang kanyang bangkay, napansin na may mga kagat ng insekto sa kanyang bunbunan. Nakita rin nila na ang unan na ginamit ng babae sa kanyang kama ay may kaparehong insekto. Dito lamang nila napagtanto na namatay ang babae sa kagat ng insekto sapagkat sinipsip nito ang kanyang dugo mula sa kanyang tao tuwing gabi hanggang sa siya'y mamatay.

Sunstroke (La insolación)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang inilathala taong 1908, mga aso ang naging pangunahing tauhan ng kwentong ito at ang kanilang amo na namatay dahil sa matinding sikat ng araw. Lubos nilang hindi maunawaan kung bakit ganun na lamang ang sinapit ng kanilang amo. Sa huli, namatay ang kanilang amo at kanilang pinagluksa ito dahil nangangahulugan ito ng pagbabago para sa kanila at isang bagong amo na maaaring hindi sila tratuhin nang kasing-buti tulad ng dati nilang amo.

The Decapitated Chicken (La Gallina Degollada)

Sumesentro ang naratibo sa mag-asawang Mazzini-Ferraz at ang kanilang apat na anak na may kapansanan sa pag-iisip. Hindi matanggap ng mag-asawa ang sinapit ng kanilang apat na anak. Lubos nila itong ikinahihiya. Pagkalipas ng ilang taon, nagkaroon sila ng isang anak na babae na walang kapansanan at normal ang pag-iisip na humantong sa kapabayaan sa unang apat na mga lalaking anak. Ipinagkatiwala ng mag-asawa ang pangangalaga sa kanila sa kanilang kasambahay. Ang mga lalaki ay madalas na magpalipas ng oras na nakaupo sa isang bangko sa patio, nakatitig sa mga bato ng bakod sa kanilang harapan. Nang masaksihan nila ang isang kasambahay sa kusina na pinugutan ng ulo ang isang manok para lutuin sa kanilang hapunan, Nabighani ang apat na lalaki sa matingkad na pulang kulay ng dugo na tumatagaktak sa pinugutang bangkay ng manok. Isang araw, naiwan ang limang anak sa bahay at nang makita ng apat na lalaki ang kanilang nakababatang kapatid na babae, kinuha nila ito at ginawa sa kanilang kapatid ang ginawa ng mga kasambahay sa manok na kanilang pinagsaluhan sa hapunan: pinugut nila ang ulo ng kanilang kapatid at nabighani ang apat na lalaki sa kanilang nakita. Laking gulat na lamang ng kanilang mga magulang nang makita nila ang wala nang buhay na bunsong anak at ang kagila-gilalas na sinapit nito.

Sumesentro ang kwentong ito sa relasyon ng mga tao at ahas at ang pagsupil ng mga tao sa kamandag na taglay ng mga ahas. Dahil dito, nagpadala sila ng isang ahas upang mag-imbestiga, at natuklasan nitong naroon ang mga tao upang manghuli ng mga ahas at kumuha ng kanilang kamandag para sa paggawa ng bakuna. Isang ahas ang nagpasya na umatake, ngunit nang kagatin niya ang isang asong nabakunahan, nahuli siya at ikinulong. Sa pasilidad sa kagubatan, nakilala niya ang isang king cobra at magkasama nilang pinatay ang dalawang tao at tumakas. Muling nagpatawag ng Kongreso ang mga ahas na binubuo ng lahat ng mga uri ng ahas at ulupong, kabilang ang isang malaking anaconda. Tinatalakay ng kwentong ito ang relasyon ng mga tao at hayop at ang kanilang mga gampanin sa kalikasan.

Komentaryo at Kritisismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon kay Edith LaGraziana, ginamit ni Quiroga ang aspekto ng kababalaghan at kilabot na maaaring maihalintulad kay Edgar Allan Poe, ang kinikilalang Master of Horror. Ayon sa iba pang mga kritiko, isa mga naging pangunahing impluwensya ni Quiroga si Poe sa kanyang mga panulat. Iniangkop lamang ni Quiroga ang ilan sa mga kaugalian at mga tradisyong nakikita sa Latin America sa kanyang mga panulat, tulad na lamang ng tema ng kalikasan. Ilan rin sa mga kwento rito ay inanyuan ng mga padron na makikita sa mga kwentong pambata kagaya na lamang ng Sunstroke at Anaconda. Sa gubat naganap ang mga pangyayari sa mga kwentong ito at tampok ang mga hayop bilang mga pangunahing tauhan: isang tuta, isang tigre, at isang ahas. Ginamit ni Quiroga ang kolokyal na wika na karaniwan ding sangkap ng mga kuwentong-pambata at pabula. Sa mga akdang ito, pinupuna ni Quiroga ang hindi makatwiran at mapanirang pag-uugali ng tao, lalo na sa kagubatan.

Gayunpaman, ang pangunahing layunin ng mga naratibo ni Quiroga ay ipakita ang masaklap, malupit, at mapaniil na ugali ng tao, na maaaring sumasalin din ng kanyang sariling buhay na puno ng napakaraming trahedya—isang buhay na halos maihahambing sa aklat ni Job sa Lumang Tipan. Sa kanyang pinakamahusay na mga kwento, hindi niya kailangang maging tahasan sa paglalahad ng mga kakila-kilabot na detalye; sapat na ang mga pahiwatig upang magbigay ng kilabot.


Sa pangkabuoan, pinook ng antolohiyang ito ang genre ng kaba, kilabot, at kababalaghan at maituturing na isang kanonigo (canonical) sa panitikan ng Latin America dahil ito ang nagbigay daan sa mga susunod na manunulat na pagyamanin pa ang genre ng horror sa mga susunod pang panahon.