The Kane Chronicles
May-akda | Rick Riordan |
---|---|
Artista ng pabalat | John Rocco |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Uri | Mitolohiyang Ehipsiyong-katha, pantasya, abentura |
Tagalathala | Disney Hyperion |
Inilathala | 2010–2012 |
Uri ng midya | Print (hardcover and paperback), audiobook, e-book |
Bilang ng mga aklat | 3 |
Ang The Kane Chronicles ay trilohiya ng mitolohiyang Ehipsiyong-katha, abentura at pantasyang mga nobela na isinulat ng Amerikanong manunulat na si Rick Riordan. Ang serye ay nagaganap sa kaparehas na sansinukob ng Percy Jackson & the Olympians, The Heroes of Olympus, at Magnus Chase and the Gods of Asgard ni Riordan.
Halinhinang isinasalaysay ang mga nobela sa unang panauhan ng dalawang bida, ang magkapatid na sina Carter at Sadie Kane. Ang magkapatid ay parehas na makapangyarihang salamangkero at salamangkera na inapo ng mga paraong sina Narmer at Ramesses ang Dakila. Sila at ang kanilang mga kaibigan ay napipilitang labanan ang mga Ehipsiyong diyos at diyosa.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Aklat ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.