Theodore Roosevelt, Jr.
Si Theodore "Ted" Roosevelt III (13 Setyembre 1887 – 12 Hulyo 1944) ay isang Amerikanong politiko at negosyante na beterano ng mga digmaang pandaigdig noong ika-20 siglo. Siya ay ginawaran ng Medal of Honor. Siya ang panganay na anak ni Pangulong Theodore Roosevelt at Edith Roosevelt.
Si Roosevelt ay instrumental sa pagbuo ng American Legion noong 1919. Siya ay kalaunang nagsilbing Assistant Secretary of the Navy, Gobernador ng Puerto Rico (1929–32), Gobernador-Heneral ng Pilipinas (1932–33), Chairman of the Board ng kompanyang American Express, Vice-President ng Doubleday Books, at isang Brigadier General sa United States Army.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.