Pumunta sa nilalaman

Thieboudienne

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tiep
Ceebu jen
Ibang tawagBenechin, ceebu jën
UriPangunahing ulam
LugarSaint-Louis, Senegal
Tagal ng pagluto
Pangunahing SangkapIsda at kanin
Karagdagang SangkapGulay
BaryasyonKarne

Ang ceebu o tiep (bilang kahalili: thieb, benechin, benachin, o jollof rice) ay isang tradisyonal na putahe mula sa Senegal na kinakain din sa Mauritanya, Guinea-Bissau, Guinea, Mali, Gambia, at iba pang mga bansa sa Kanluran at Gitnang Aprika. Ito ang pambansang putahe sa Senegal.[1] Ang bersyon ng tiep na tinatawag na ceebu jën o chebu jen (Wolof: ceebu jën) – na kilala rin sa Pranses na anyong thieboudienne (Pranses: thiéboudiène) – ay inihahanda gamit ang isda, basag na bigas, at sarsa ng kamatis na niluto sa isang palayok. Mayroon ding mga uri ng tiep yappa (may karne) at tiep ganaar (may manok). Kadalasang kabilang sa mga karagdagang sangkap ang mga sibuyas, kamatis, karot, repolyo, kamoteng-kahoy, maanghang na sili, dayap at mantika ng mani, at mga kubo de kaldo.

Nagmula ang pangalan ng putahe sa mga salitang Wolof na ceeb (nangangahulugang "bigas") at jën ("isda"). Kabilang sa iba pang anyo ng pangalan ang: ceebu jen, cee bu jen, ceeb u jen, thebouidienne, theibou dienn, thiebou dienn, thiebou dinne, thiébou dieune, tíe biou dienne, thieb-ou-djien, thiebu djen o riz au poisson.[2]

Ayon sa kasaysayan, karaniwang iniuugnay ang tiep sa lungsod ng Saint-Louis noong ikalabinsiyam na siglo.[3] Ang pagbagsak ng pangisdaan ng puting lapu-lapu ay nagpabawas sa akses sa putaheng ito.[4]

Ayon sa kaugalian, kinakain ito sa isang malaking pinggan na pangkomunidad gamit ang kamay. Ito rin ang simbolo ng terranga (pagiging mabuting pakikitungo) ng mga Senegales: ang pamilya, mga bumibisitang kaibigan, at mga bisita ay nagtitipon sa paligid ng isang pinggan (tinatawag na bolus) kung saan lahat ay kumakain gamit ang kutsara (couddou Pulaar) o ng kanilang kamay. Inihahain ito sa malalaking tray na may kanin sa ilalim at ang isda, kadalasang puting grupo (Epinephelus aeneus), at ang mga gulay, na marami sa kanila ay buo, ay nakalagay sa gitna.

Ito ay isang paghahanda ng sariwa o pinatuyong isda, at dinurog na kanin (bigas Wolof), na niluto kasama ng mga gulay (tulad ng kamoteng kahoy, kalabasa, repolyo, karot, singkamas, o talong), perehil, tomato paste, sili, bawang at sibuyas.[5] Orihinal na gawa sa isda, hindi pangkaraniwan na makita itong inihahain kasama ng karne ng baka o manok.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Senegalese Fish and Rice (Thiéboudienne) Recipe" [Resipi ng Isda't Kanin ng mga Senegales (Thiéboudienne)]. Saveur (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-12-14.
  2. ↑ Troth Wells (15 Marso 2007). The World of Street Food: Easy Quick Meals to Cook at Home [Ang Mundo ng Pagkaing Kalye: Mga Pagkaing Madali't Mabilisang Lutuin sa Bahay] (sa wikang Ingles). New Internationalist. pp. 28–. ISBN 978-1-904456-50-6.
  3. ↑ N'Diaye Corréard, Geneviève, Daff, Moussa, Mbaye, Alioune, Ndiaye, Modou (2008-01-01), Les mots du patrimoine : le Sénégal (sa wikang Pranses), De Boeck Supérieur, nakuha noong 2024-03-29{{citation}}: CS1 maint: multiple names: authors list (link)
  4. ↑ Grace Ekpu; Patrick Whittle (2023-04-06). "Senegal struggles with loss of fish central to diet, culture" [Senegal, nahihirapan sa pagkawala ng isda na mahalaga sa diyeta at kultura]. The Associated Press (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-29.
  5. ↑ "Tiebou dieun". European Parliament (sa wikang Ingles). 2022-06-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-10-05. Nakuha noong 2023-09-18.