Timog Katagalugan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rehiyon ng Timog Katagalugan
Dating rehiyon
Rehiyon IV
Transkripsyong 
Kinaroroonan sa Pilipinas
Kinaroroonan sa Pilipinas
Bansa  Pilipinas
Sentro ng rehiyon Lungsod ng Batangas
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 11,793,655[1]
Lokal na yunit ng pamahalaan
 • Lalawigan 11
 • Malayang lungsod 1
Sona ng oras PHT (UTC+8)
Mga wika Tagalog, Romblomanon, Cuyonon
Hinati sa CALABARZON at MIMAROPA noong 17 Mayo 2002, habang ang Aurora ay isinanib sa Gitnang Luzon

Ang Timog Katagalugan, o Rehiyon IV, ay dating rehiyon sa Pilipinas na binubuo ngayon ng Rehiyon IV-A (CALABARZON) at Rehiyon IV-B (MIMAROPA). Nahati ang Rehiyon IV sa dalawang rehiyon noong Mayo 17, 2002. Bago ang pagkahati, ang Timog Katalugan ang pinakamalaking rehiyon sa parehong populasyon at lawak

Matatagpuan ang Rehiyon IV sa Timog Luzon. Binubuo ang Rehiyon IV-A - CALABARZON ng Batangas, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal samantalang ang Rehiyon IV-B - MIMAROPA ay binubuo ng Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Palawan at Romblon.

Mga makikita sa rehiyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Batangas, Cavite. Occidental Mindoro: ang tag-init ay mula Nobyembre hanggang Abril samantalang tag-ulan naman mula Mayo hanggang Oktubre.
  • Palawan, Rizal, Laguna: hindi tiyak ang panahon / tagtuyot mula isa hanggang tatlong buwan.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Language/Dialects Generally Spoken in the Households:Southern Tagalog, 2000. National Statistics Office. Hinango noong 2015-06-06.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.