Tonikaku Kawaii

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Tonikaku Kawaii
Tonikaku kawaii logo.png
Logo ng serye
トニカクカワイイ
Fly Me to the Moon
Ang Kyut Niya Talaga
DyanraRomcom
Manga
SumulatKenjiro Hata
NaglathalaShogakukan
Naglathala (Ingles)
Nag-imprentaShōnen Sunday Comics
MagasinWeekly Shōnen Sunday
DemograpikoShounen
TakboPebrero 14, 2018 – kasalukuyan
Tomo13
Teleseryeng anime
DirektorHiroshi Ikehata
SumulatKazuho Hyodo
MusikaEndou
EstudyoSeven Arcs
May lisensiyaCrunchyroll
Inere saTokyo MX, ytv, BS-NTV
TakboOktubre 3, 2020 – kasalukuyan
Bilang12 (Talaan ng episode)
Portal-puzzle.svg Portada ng Anime at Manga

Ang Tonikaku Kawaii,[a] opisyal na pagsasaromanisa Tonikaku Cawaii, ay isang serye ng manga mula sa bansang Hapón na isinulat at iginuhit ni Kenjiro Hata. Baha-bahagi itong inilalathala sa magasing Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noon pang Pebrero 2018. Umiikot ang kuwento kay Nasa Yuzaki, isang henyong tinedyer at ang namumuong relasyon sa pagitan niya at sa kanyang bagong asawang si Tsukasa, na nagligtas sa kanya mula sa pagkabangga sa simula ng kuwento.

Nagkaroon ito ng isang anime noong Oktubre 2020. Ginawa ito ng istudyong Seven Arcs.

Lisensiyado para ilabas ang naturang manga ang Viz Media sa Hilagang Amerika.

Kuwento[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabangga si Nasa Yuzaki, isang tinedyer na may kakaibang pangalan,[i] ng isang trak sa araw ng kanyang entrance exam sa binabalakan niyang pasukan na haiskul. Nakatagpo niya ang isang magandang babae, na nagligtas sa kanya sa tiyak na kapamahakan. Umamin agad si Nasa sa nararamdaman niya para sa babaeng ito. Pumayag ang babae, si Tsukasa Tsukuyomi, na maging kasintahan niya, sa kondisyong dapat magpakasal silang dalawa muna. Nahimatay agad si Nasa pagkatapos, at mula noon, hinanap niya ito. Nagdesisyon siyang hindi tumuloy sa haiskul, at namasukan nang part-time. Pagsapit ng ika-18 kaarawan niya, bigla na lang nagpakita si Tsukasa sa harapan ng pinto ng bahay niya, dala-dala ang isang form para sa kasal. Kahit na tutol ang ampong kapatid na babae ni Tsukasa sa relasyon ng dalawa, ipinakilala pa rin ni Tsukasa si Nasa sa pamilya niya.

Habang umuusad ang kuwento, lalong naging mas malapit ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. Naghawak-kamay sila, nagyakapan, at naghalikan pagsapit ng ika-14 na kabanata.

Mga karakter[baguhin | baguhin ang batayan]

Nasa Yuzaki (由​​​​​​​​​​​​​​崎 ​​​​​​​星​​​​​​​​​​​​空, Yuzaki Nasa)
Boses ni: Junya Enoki,[1]Umeka Shōji (bata)[ii] (Hapones), Zach Aguilar[2] (Ingles)
Ang bidang lalaki ng kuwento. Ipinangalan siya sa ahensiyang pangkalawakan ng Estados Unidos[i] na naging dahilan upang siya ay pagtawanan ng iba. Dahil rito, nagpursigi siya sa pag-aaral upang maalala siya ng iba bilang siya at hindi dahil sa pangalan niya lamang. Isang gabi matapos ng kanyang entrance exam sa papasukan niyang haiskul, nakita't nakilala niya ang isang babae, ngunit nabangga siya ng trak bago niya makausap ito. Sa tulong ng adrenaline, nakatayo't nagawa pang makausap niya ang babaeng si Tsukasa. Umamin siya sa nadarama niya kay Tsukasa, bago mahimatay. Tatlong taon makalipas, kinasal sila ni Tsukasa sa bisa ng pagrehistro nila ng papeles ng kasal.
Tsukasa Tsukuyomi (月読 司, Tsukuyomi Tsukasa), kalaunan Tsukasa Yuzaki (由​​​​​​​​​​​​​​崎 司, Yuzaki Tsukasa)
Boses ni: Akari Kitō[1] (Hapones), Lauren Landa[2] (Ingles)
Ang bidang babae ng kuwento. Matapos niyang iligtas si Nasa isang gabi, pumayag ito sa pag-amin ni Nasa ng pag-ibig, sa kondisyong pakakasalan siya dapat muna ito. Matapos ng tatlong taóng pagkawala, nagpakita muli siya kay Nasa na may dala-dalang papeles sa kasal. Partikular niyang pinuna ang bago niyang pangalan pagkarehistro ng kasal nila. Napakamisteryoso ng personalidad at buhay niya bago ang kasal nila ni Nasa, at madalas siyang inihahalintulad sa kuwento ni Prinsesa Kaguya.
Kaname Arisugawa (有栖川 要, Arisugawa Kaname)
Boses ni: Yū Serizawa[3]
Kouhai ni Nasa at pangunahing tagapangalaga ng pampublikong paliguan ng Arisagawa. Siya ang pinaka-suportado sa relasyon ng dalawa, na umaabot sa puntong tinuturuan niya ang dalawa kung papaano pa aabante ang relasyon nila.
Aya Arisugawa (有栖川 綾, Arisugawa Aya)
Boses ni: Sumire Uesaka[3]
Kaklase ni Nasa na may kabobohan. Halatang may gusto siya kay Nasa. Gayunpaman, naiintindihan niya ang buong sitwasyon, at suportado siya sa dalawa.
Chitose Kaginoji (鍵ノ寺 千歳, Kaginoji Chitose)
Boses ni: Konomi Kohara[3]
Kamag-anak ni Tsukasa. Itinuturing ni Tsukasa siya bilang isang kapatid. Nagseselos siya sa kasal ng dalawa, at inutusan ang mga kasambahay niya na guluhin ang relasyon ng dalawa. Bago niya malaman ang tungkol sa kasal, mabait ang pakikitungo niya kay Nasa. Hindi malinaw ang tunay na relasyon niya kay Tsukasa, ngunit may pareho silang tita sa tuhod, si Tokiko.

Midya[baguhin | baguhin ang batayan]

Manga[baguhin | baguhin ang batayan]

Parehong isinulat at iginuhit ni Kenjiro Hata ang Tonikaku Kawaii. Nagsimulang baha-bahaging ilabas ang serye sa ika-12 isyu ng magasing Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan noong ika-14 ng Pebrero 2018.[4] Ginawan ng Shogakukan ito ng mga tankōbon, kung saan nilabas nila ang una sa mga ito noong ika-18 ng Mayo 2018.[1] Noong inilabas ang ikalawang tomo nito noong ika-17 ng Agosto 2018, naglabas ng isang teaser para sa serye.[5] Pagsapit ng Oktubre 2020, nagkaroon na ito ng 13 tankōbon.[3]

Noong Pebrero 2020, inanunsyo ng Viz Media na nalisensiyahan na sila para sa Ingles na salin ng serye.[6]

Anime[baguhin | baguhin ang batayan]

Inanunsyo noong ika-4 ng Marso 2020 na gagawan ito ng isang anime ng istudyong Seven Arcs.[7][8] Dinirek ito ni Hiroshi Ikehata at si Kazuho Hondo naman ang gumawa ng mga iskrip. Si Masakatsu Sasaki ang nagdisenyo sa mga karakter, at si Endō naman ang gumawa ng musika. Inilabas ito sa Tokyo MX, ytv, at Nippon TV noong ika-3 ng Oktubre 2020.[8][9][1][iii] Kinanta ni Akari Kitō ang pambungad na tema nito, ang Koi no Uta (feat. Tsukasa Yuzaki),[b] samantalang kinanta naman ni KanoeRana ang pangwakas na tema nito, ang Tsuki to Hoshizora.[c][10] May 12 episode ito.[11] Ini-stream ito ng Crunchyroll sa piling mga lugar sa ilalim ng kanilang tatak na Crunchyroll Originals.[12] Samantala, lisensyado naman ang Media Plus Networks Asia para ilabas ito sa Timog-silangang Asya sa kanilang tsanel na Aniplus Asia.[13] Noong ika-11 ng Nobyembre 2020, inanunsyo ng Crunchyroll na makakatanggap ito ng isang dub sa Ingles, na unang ipinalabas noong ika-20 ng Nobyembre.[2]

Mga episode[baguhin | baguhin ang batayan]

Blg.Pamagat [14]Dinirek niSinulat niUnang inére [15][d]
1Kekkon
Kasal
(Hapones: 結婚)
Akira ManoKazuho Hyōdō3 Oktubre 2020 (2020-10-03)
2Shoya
Unang Gabi
(Hapones: 初夜)
Toshikatsu TokoroKazuho Hyōdō10 Oktubre 2020 (2020-10-10)
3Shimai
Magkapatid na babae
(Hapones: 姉妹)
Yasuhiko SeyamaKazuho Hyōdō17 Oktubre 2020 (2020-10-17)
4Yakusoku
Pangako
(Hapones: 約束)
Shunji YoshidaYū Satō24 Oktubre 2020 (2020-10-24)
5Yubiwa
Singsing
(Hapones: 指輪)
Yūsuke OnodaGō Zappa31 Oktubre 2020 (2020-10-31)
6Hōkoku
Balita
(Hapones: 報告)
Shigeru FukaseKazuho Hyōdō7 Nobyembre 2020 (2020-11-07)
7Ryokō
Paglalakbay
(Hapones: 旅行)
Daiei AndōYū Satō14 Nobyembre 2020 (2020-11-14)
8Oyako
Magulang
(Hapones: 親子)
Akira ManoYū Satō21 Nobyembre 2020 (2020-11-21)
9Nichijō
Pangkaraniwang Araw
(Hapones: 日常)
Toshikatsu TokoroKazuho Hyōdō28 Nobyembre 2020 (2020-11-28)
10Ieji
Pauwi
(Hapones: 家路)
Akira KatōKazuho Hyōdō5 Disyembre 2020 (2020-12-05)
11Yūjin
Magkaibigan
(Hapones: 友人)
Shunji YoshidaYū Satō12 Disyembre 2020 (2020-12-12)
12Fūfu
Mag-asawa
(Hapones: 夫婦)
Shigeru FukaseKazuho Hyōdō19 Disyembre 2020 (2020-12-19)
OVATBATBATBA2021 TBD (2021 TBD)

Pagtanggap[baguhin | baguhin ang batayan]

May mahigit 250,000 kopya na ng serye ang nasa sirkulasyon noong Oktubre 2018. Umangat ito sa 400,000 kopya noong Pebrero 2019, at umabot sa lagpas 1 milyon noong Oktubre 2019.

Isa sa mga nanalo noong 2019 ang manga nito sa kategorya ng naka-imprenta (print) sa ika-5 parangal ng Tsuki ni Kuru Manga.[e]

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

Paglilinaw

  1. 1.0 1.1 Ang mga karakter sa pangalang Nasa (星空) ay literal na "mabituing langit" o "langit na puno ng bituin." (hoshizora). Isa rin itong reference sa ahensiyang pangkalawakan ng Amerika na may kaparehong akronim.
  2. Ayon sa kredits ng unang episode.
  3. Orihinal na inilista ng Tokyo MX ang oras ng pagpapalabas nito na 25:05 ng gabi ng ika-2 ng Oktubre, na katumbas ng 1:05 ng madaling araw kinabukasan, ika-3 ng Oktubre.

Pagsasalin

  1. トニカクカワイイ, Filipino: Ang Kyut Niya Talaga o Paráting Kyut, kilala rin sa Ingles bilang Fly Me to the Moon (Filipino: Ilipad Mo Ko sa Buwan) at TONIKAWA: Over the Moon For You (Filipino: TONIKAWA: Lagpas sa Buwan Para Sa'yo), kilala rin sa pinaiksing tawag nitong ToniKawa.
  2. 恋のうた(feat. 由崎司), Filipino: Awit ng Pag-ibig (tampok si Tsukasa Yuzaki)
  3. 月と星空, Fillipino: Buwan at Mabituing Langit
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Batay sa pagpapalabas sa Tokyo MX); $2
  5. 次に来るマンガ, Filipino: Ang Susunod na Manga

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Loo, Egan (Mayo 12, 2020). "Hayate the Combat Butler Creator's Fly Me to the Moon Comedy TV Anime Unveils Cast, Staff in Promo Video" [Ibinunyag na ang mga cast, staff sa bidyong pampromo ng komedyang TV anime na Fly Me to the Moon ng gumawa sa Hayate the Combat Butler]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  2. 2.0 2.1 2.2 Cardine, Kyle (Nobyembre 11, 2020). "Crunchyroll Announces JUJUTSU KAISEN, Noblesse, and More Fall 2020 Season Dubs!" [Inanunsyo ng Crunchyroll ang mga dub ng JUJUTSU KAISEN, Noblesse, at marami pang mga [anime ng] panahon ng Taglagas 2020!]. Crunchyroll. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Hodgkins, Crystalyn (Setyembre 6, 2020). "TONIKAWA: Over The Moon For You TV Anime Reveals More Cast, Song Artists" [Nilabas na ng TV anime na TONIKAWA:Over The Moon For You ang dagdag na cast, mga kumanta]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 6, 2020.
  4. "Hata Kenjirō no shin rensai "tonikaku kawaii" sandē de kaimaku, kumeta kōji mo ran'nyū" 畑健二郎の新連載「トニカクカワイイ」サンデーで開幕、久米田康治も乱入 [Ang bagong serye ni Kenjiro Hata na "Tonikaku Kawaii" ay ilalabas na sa Linggo, gayundin si Koji Kumeta]. Natalie (sa wikang Hapones). Pebrero 14, 2018. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  5. Chapman, Paul (Agosto 17, 2018). "Tonikaku Cawaii Celebrates Manga Volume Two with Teaser Video" [Ipinagdiwang ng Tonikaku Cawaii ang ikalawang tomo ng Manga sa pamamagitan ng isang teaser na bidyo]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  6. Sherman, Jennifer (Pebrero 14, 2020). "Viz Licenses Remina, Moriarty the Patriot, Fly Me to the Moon, More Manga" [Nalisensiyahan na ang Viz sa mga mangang Remina, Moriarty the Patriot, Fly Me to the Moon, atbp.]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  7. Loo, Egan (Marso 4, 2020). "Hayate the Combat Butler Creator's Fly Me to the Moon Comedy Manga Gets TV Anime in October" [Magkakaroon ng TV anime sa Oktubre ang mangang komedyang Fly Me to the Moon [na] ginawa ng gumawa ng Hayate the Combat Butler]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  8. 8.0 8.1 Loo, Egan (Agosto 1, 2020). "TONIKAWA: Over The Moon For You TV Anime Reveals October 2 Premiere, New Visual" [Ibinunyag na ang Oktubre 2 na premiere, bagong silip sa TV anime na TONIKAWA: Over The Moon For You]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  9. ""Tonikaku Kawaii" taiankichinichi ni u~edingu sugata no kībijuaru kōkai, hōsō jōhō mo" 「トニカクカワイイ」大安吉日にウェディング姿のキービジュアル公開、放送情報も [Pangunahing pasilip sa pankasal na kasuotan sa araw ng unang ipapalabas, impormasyon sa pagsasaere]. Natalie (sa wikang Hapones). Agosto 1, 2020. Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  10. Harding, Daryl (Setyembre 7, 2020). "TONIKAWA: Over the Moon For You TV Anime Unveils OP/ED Performers, Supporting Voice Cast" [Ibinunyag na ang mga kakanta ng OP/ED. karagdagang cast ng TV anime na TONIKAWA: Over the Moon For You]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020. During the panel at Virtual Crunchyroll Expo, the opening and ending theme song singers and musicians for Crunchyroll Original TONIKAWA: Over the Moon For You, were announced alongside the supporting cast, and their character art. (Noong oras ng panel sa birtwal na Crunchyroll Expo, ang mga umawit ng pambungad at pangwakas na tema ay inanunsyo kasabay ng karagdagang cast, pati na rin ang sining-karakter.)
  11. Shubham (Oktubre 2, 2020). "TONIKAWA Release Schedule, Fly Me To The Moon Anime Episode 1-12 Release Date And Timing" [Iskedyul ng Pagpapalabas ng TONIKAWA, Petsa at oras ng pagpapalabas ng anime na Fly Me To The Moon]. Anime News And Facts (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  12. Luster, Joseph (Hulyo 5, 2020). "EX-ARM, TONIKAWA, and So I'm a Spider, So What? Are on the Way as Crunchyroll Originals" [Mapupunta sa [tatak na] Crunchyroll Originals ang [mga anime na] EX-ARM, TONIKAWA, at So I'm a Spider, So What?]. Crunchyroll (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  13. Pineda, Rafael Antonio (Oktubre 2, 2020). "Aniplus Airs TONIKAWA: Over The Moon For You Anime" [Ieere ng Aniplus ang anime na TONIKAWA: Over The Moon For You]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 19, 2020.
  14. "Story" [Kuwento]. tonikawa.com (sa wikang Hapones). Nakuha noong 23 Disyembre 2020.
  15. トニカクカワイイ. Tokyo MX (sa wikang Hapones). Nakuha noong 23 Disyembre 2020.

Mga karagdagan[baguhin | baguhin ang batayan]

Panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]