Trutsang bahaghari
Trutsang Bahaghari | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | |
Infraklase: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | O. mykiss
|
Pangalang binomial | |
Oncorhynchus mykiss (Walbaum, 1792)
| |
Mga subespesye | |
Tingnan sa teksto |
Ang trutsang bahaghari (Ingles: rainbow trout; pangalang pang-agham: Oncorhynchus mykiss) ay isang espesye ng salmonid na katutubo sa mga tributaryo ng Karagatang Pasipiko sa Asya at Hilagang Amerika. Ang ulong-asero o steelhead sa Ingles ay isang trutsang bahaghari na nagpupunta sa karagatan (anadromoso) na karaniwang nagbabalik sa tubig-tabang upang magpunla at mangitlog pagkalipas ng dalawa hanggang tatlong mga taon na nasa dagat; ang trutsang bahaghari at trutsang ulong-asero ay iisang espesye lamang. Ang isda ay kadalasang tinatawag na trutsang salmon o salmon trout sa Ingles (tingnan din ang Salmo trutta).[1] Ilang pang ibang mga isdang nasa pamilyang salmonid ay tinatawag na trutsa (trout sa Ingles); ilan ay anadromoso na katulad ng salmon, samantalang ang iba naman ay naninirahan lamang sa tubig-tabang.[2]
Ang espesye ay ipinakilala bilang pagkain o libangan (katulad ng sa pamiminlit o pamamansing) sa hindi bababa sa 45 mga bansa, at bawat isang kontinente maliban na lamang sa Antartika. Sa ilang mga lokasyon, katulad ng Silangang Europa, Australia at Timog Amerika, negatibo nitong naaepektuhan ang mga espesyeng katutubo sa matataas na mga lupain, dahil kinakain ng mga ito ang mga isdang katutubong ito, o napapangingibabawan nila ang mga katutubong espesye, nagpapasa ng nakahahawang mga sakit (katulad ng sakit na alimpuyo na naililipat at naikakalat ng Tubifex) o hibridisasyon (paghahalo ng lahi) sa piling ng kalapit at kaugnay na mga espesye at mga subespesye (kabahaging espesye) na katutubo sa kanluran ng Hilagang Amerika.[3][4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Salmon Trout". Lewis and Clark Fort Mandan Foundation. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-11-25. Nakuha noong 2010-10-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Trey Coombs (1999). Steelhead Fly Fishing. Globe Pequot. p. 5. ISBN 978-1-55821-903-8. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2014-06-27. Nakuha noong 2010-10-23.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Salmo marmoratus
- ↑ Salmothymus obtusirostris salonitana
Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.