Pumunta sa nilalaman

Trutsang pangsapa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Trutsang pangsapa
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
S. fontinalis
Pangalang binomial
Salvelinus fontinalis
(Mitchill, 1814) [1]

Ang trutsang pangsapa o trutsa ng sapa (Ingles: brook trout; pangalang pang-agham: Salvelinus fontinalis), na paminsan-minsang tinatawag na pansilangang trutsang pangsapa (Ingles: eastern brook trout), ay isang espesye ng isdang nasa pamilya ng salmon ng ordeng Salmoniformes. Sa maraming mga bahagi ng nasasakupan nito, nakikilala ito bilang batikang trutsa o trutsang batik-batik (speckled trout), o kaya buntot-parisukat (Ingles: squaretail). Isang populasyong potamodromoso sa Lake Superior ang nakikilala bilang pambaybaying trutsa (Ingles: coaster trout o payak na coaster lamang. Bagaman karaniwang tinatawag na isang trutsa, ang trutsang pangsapa - na tinatawag ding trutsang pambatis o trutsang pang-ilug-ilugan - sa katotohanan ay isang tsar (Salvelinus; char sa Ingles), na kinapipilingan ng trutsang panglawa, trutsang toro, trutsang Dolly Varden, at tsar ng Arktiko. Ang katagang fontinalis ay nagbuhat sa Latin na fontīnālis na may kahulugang "ng o mula sa isang sibol o balong".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Salvelinus fontinalis". Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 30 Enero 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Isda Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.