Tisana


Ang mga tisana ay mga inuming gawa sa inpusyon o dekoksiyon ng mga yerba, pampalasa, o iba pang bahagi ng halaman sa mainit na tubig. Kadalasang pantukoy ang tsaang yerba, o tsaa lamang, sa lahat ng uri ng tisana. Maraming yerba ang ginagamit sa mga tsaa/tisana na ginagamit din sa halamang gamot at sa katutubong gamot.
Karaniwang hindi naglalaman ang mga "tsaang" ito ng anumang tunay na tsaa (Camellia sinensis), ngunit may tunay na tsaa ang ilang mga timpla (hal., ang Indiyong klasiko, masala chai). Maaaring gamitin ang terminong tsaang "yerba" upang distinggihin ang mga inuming ito mula sa mga "tunay" na tsaa (hal., itim, berde, puti, dilaw, oolong), na inihanda mula sa mga preserbadong dahon ng halamang tsaa, Camellia sinensis. Hindi tulad ng mga tunay na tsaa, walang likas na kapeina ang karamihan sa mga tisana (bagaman maaaring gawing dekapeinado ang tsaa, ibig sabihin, iproseso upang alisin ang kapeina).[2][3]
Subalit ang ilang mga halaman ay may mga sikoaktibong kompuwesto, tulad ng kapeina o iba pang pampasigla, tulad ng teobromina, kokaina o epedrina. Baliktad ang epekto ng iba, na nagsisilbing pampakalma. May tiyak na pangalan ang ilang karaniwang inpusyon tulad ng mate at rooibos. Ang tsaang gumamela o tsaang hibisko ay isang uri ng inpusyong yerba, ngunit may maraming timpla na inilarawan bilang ibang halaman na may gumamela bilang pangunahing sangkap, o isa sa mga medyor na sangkap.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Hibiscus Delight (Loose Leaf Tea Blend) – 1/2 lb". Lone Star Botanicals. Nakuha noong 2021-08-04.
- ↑ "Herbal tea" [Tsaang yerba] (sa wikang Ingles). Dictionary.reference.com. Nakuha noong 2019-09-25.
- ↑ Center, Garfield Medical. "Different Types of Tea and Caffeine Content" [Mga Iba't Ibang Uri ng Tsaa at Nilalamang Kapeina]. Garfield Medical Center (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-29.
- ↑ "Blackberry & Blueberry infusion" [Inpusyon ng Sarsamora & Ayusip] (sa wikang Ingles). Sainsbury's. Nakuha noong 6 Marso 2024. Isang tipikal na halimbawa, inilarawan bilang Sarsamora & Ayusip, ngunit gumamela ang paungahing sangkap nito, at 0.5% ng mga binanggit na sangkap.