Tsar

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Tsar (Bulgaro цар, Ruso царь, car’; madalas binabaybay na Czar at minsan Tzar sa Ingles) ay isang titulong ginamit ng mga awtokratang pinuno mula sa mga lupaing Eslabo. Ginamit ito ng mga una at pangalawang Imperyong Bulgaro simula 913. Ginamit din ito sa kasaysayan ng Serbia noong kalagitnaan ng ika-14 dantaon, at sa Rusya mula 1547 hanggang 1917 (bagaman teknikal lang itong tama haggang 1721). Ito ay nanggaling sa salitang Latin na Caesar, na ibig sabihin ay "emperador" sa pag-uunawa ng mga Europeo sa Medyebal na panahon. Ngunit, sa pagdaan ng panahon ito'y iniitindi ng mga mula sa Kanlurang Europa bilang sa kalagitnaan ng hari at emperador. Nawala rin ang ma-emperador na konotasyon nito dahil sa mga pagsasalin ng Bibliya.

Ang unang gumamit sa titulong ito ay si Simeon I ng Bulgaria. Ang huling gumamit nito ay si Simeon II na mula rin sa Bulgaria.

Bulgaria[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 705, Si Tervel ng Bulgaria ay binansagang "Caesar" ni Emperador Justinian II. Si Boris I ng Bulgaria ay ang kinikilalang unang tsar dahil sa kombersyon ng Bulgaria sa Kristyanismo noong panahon ng kanyang paghahari. Ngunit, ang tunay na unang gumamit ng titulong tsar ay ang kanyang anak ng si Simeon I ng Bulgarya. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Byzantino at Bulgarya dahil sa koronasyon ni Simeon I ng Patryiarka ng Constantinople. Naganap ito hanggang kinilala ng mga Byzantino ang Bulgaria noong 924 at 927. Ginamit din ang titulong "awtokrato" na isang pag-sunod sa mga kaugaliang Byzantino na dalawa lamang ang maaring tawagin na Caesar sa Europa, para sa Emperador ng Silangan at Kanlurang Roma.

Boris III, ang Tsar ng Bulgaria mula 1918-1943

Ginamit ito ng dinastiya hanggang taong 1422 noong sinakop ng Imperyong Otomano. Sa Bulgarya, ang sultan ng Imperyo ay tinatawag na tsar. Ito ay kaugnay sa pagbansag ng mga Greco na "basileus" sa Sultan. Pagkatapos ng liberasyon ng Bulgarya mula sa mga Otomano, unang tinawag na kjanz ang lider ng Bulgarya. Sa tuluyang kasarinlan ng Bulgarya noon 1908, ginamit ni Ferdinand I ng Bulgarya ang titulong tsar hanggang sa pagbagsak ng tsardom noong 1946. Ngunit sa panahong iyon, hindi na konotasyon ng tsar ang "emperador". Sa labas ng bansa, ang pagsalin sa titulo ay "hari", tulad ng pagtawag ng Hari ng Gresya na "basileus" sa loob ng bansa at "hari" sa labas nito.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.