Tuldik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tuldik ay isang glipo na dinadagdag sa isang titik.

Ang pangunahing gamit nito sa Latinong pagsulat ay upang mapalitan ang pagbigkas o maláman ang pagkakaiba nito sa pagitan ng magkakatulad ng mga salita. Halimbawa mula sa wikang Filipino ay ang tuldik na pahilis-kaliwa na makikita sa buháy at gabí, na nagpapakita ng pagbilis ng bigkas.

Sa iba pang mga sistemang alapabetiko, ang mga tuldik ay maaaring magamit sa mga iba pang bagay. Ang mga sistema ng vowel pointing, tulad ng sa Arabeng harakat ( ـَ, ـُ, ـُ, atbp.) at ng Ebreong niqqud ( ַ, ֶ, ִ, ֹ , ֻ, etc.), ay nagpapahiwatig ng mga tunog (mga patinig o tono) na hindi magagawa sa payak na alpabeto. Ang Indic na virama ( ् atbp.) at ang Arabeng sukūn ( ـْـ ) naman ay naghuhudyat sa kawalan ng patinig. Ang mga cantillation mark naman ay nagpapahiwatig ng prosody. Ang Other uses include the Sinaunang Sirilikong titlo ( ◌҃ ) at ang Ebreong gershayim ( ״ ), na, respektibli, naghuhudyat ng mga daglat o mga akronim, at mga Griyegong tuldik, na mga titik ng alpabeto ay ginamit bílang mga numero. Sa Hanyu Pinying opisyal na romanisasyon ng sistema ng mga Tsino, ang mga tuldik ay ginamit upang maghudyat sa mga tono ng mga pantig kung saan ang mga nakamarkang patinig ay nandoon.

Sa ortograpiya at paghahambing, ang isang titik na binago ng tuldik ay maaaring ituring bílang isang bagong titik o isang kombinasyon ng titik at tuldik. Iba-iba ang turing dito depende sa wika.

Hindi tulad sa mga ibang wika, sa Filipino at Tagalog hindi hiwalay na titik ang mga tuldik at hindi ito kasáma sa alpabeto at mga patinig lámang ang tinutuldikan.

Ang tatlong tuldik[baguhin | baguhin ang batayan]

Mayroong tatlong uri ang tuldik:

Una, ang pahilís (΄), na may dalawang bigkas: ang mabilís, na mabilis ang bigkas ng salita at laging nasa hulíng pantig ng salita (hal: buháy - alive, bukás - open) at malúmay, na marahan o mabagal ang bigkas ng salita at laging nasa una o mga gitnang pantig (hal: búhay - life, búkas - tomorrow).

Ikalawa, ang paiwà (`). Isa lang ang bigkas nito, ang malumì. Binibigkas ito nang mabagal o marahan at nagtatapos na may impit. Impit ang tawag sa biglang paghinto ng tunog tulad ng à sa talà (star). Lagi itong nasa hulíng pantig (hal: punò - tree). Lagi itong nilalagyan ng tuldik na pahilís at malúmay kung higit sa dalawa ang pantig (Hal: pinúnò - leader).

Ikatlo, ang pakupyâ (^). Isa lang ang bigkas nito, ang maragsâ. Binibigkas ito nang mabilis at nagtatapos na may impit tulad ng â sa talâ (list). Lagi itong nasa hulíng pantig (hal: punô - full).

Impit[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang impit na nasa dulo at may diing pantig ng salita ay kinakatawan ng tuldik na pakupya sa ibabaw ng patinig ng dulong pantig: “likô” /li. ko /. Ang impit na tunog sa pinal na posisyon ng salita ay hindi nabibigkas ng ilang tagapagsalita. Ang dahilan nito ay sapagkat sa unang wika nila ay walang impit na matatagpuan sa naturang posisyon. Naililipat nila ang ganitong nakagawian sa kanilang pangalawang wika: “likô” /li. ko / > /li. ko/.

Para sa ilang tagapagsalita, ang impit na nasa dulo ng salita ay napapalitan ng haba, kapag ang salita ay nasundan ng ibang mga salita: “matandâ” /ma.tan.'da / pero “matandá na siya” /ma.tan.da:. na. si.yá/. Para naman sa ibang tagapagsalita, nananatili ang tuldik kahit ang salita ay nasundan ng ibang salita: “matandâ na siya” /ma.tan. da . na. si.yá/.

Iba pang mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

akò (gawing responsabilidad) akó (I)
báka (cow) baká (maybe)
bílang (dami, number) biláng (limitado)
búhay (life) buháy (alive)
hámon (pagsubok) hamón (ham)
káya (puwedeng gawin) kayâ (so, thus, hence)
maláman (to know) malamán (maraming laman)
masáyang (to be wasted) masayáng (happy)