Tutubing karayom
Ang Tutubing Karayom o Damselfly o alibangbang karayom sa wikang Bikolano ay mga insektong lumilipad na kabilang sa suborder na Zygoptera sa loob ng order na Odonata. Sila ay kahawig ng mga tutubi (na kabilang naman sa kabilang suborder ng Odonata, ang Epiprocta) ngunit karaniwang mas maliit at mas payat ang katawan. Karamihan sa mga uri ay tiklop ang mga pakpak na nakadikit sa katawan kapag nagpapahinga, di tulad ng mga tutubi na ibinubuka at inilalayo ang mga pakpak mula sa katawan. Umiiral na ang mga damselfly mula pa noong Panahong Huli ng Jurassic at matatagpuan sa lahat ng kontinente maliban sa Antarctica. [1]
Lahat ng damselfly ay mga insektong mandaragit: parehong mga nimpa at matatanda ay aktibong nanghuhuli at kumakain ng ibang insekto. Ang mga nimpa ay nabubuhay sa tubig, at iba’t ibang uri nito ay makikita sa sari-saring tirahan sa tabang gaya ng asidikong latian, mga lawa, ilog, at pond. Paulit-ulit silang naglalagas ng balat, at sa huling paglalagas ay umaakyat mula sa tubig upang sumailalim sa metamorphosis. Pumuputok ang balat sa likod, lumalabas sila, at pinapalaki ang kanilang mga pakpak at tiyan upang makuha ang anyong pangmatanda. Ang kanilang presensya sa isang anyong-tubig ay palatandaan na hindi gaanong marumi ito, subalit ang kanilang pagiging depende sa tabang ay dahilan upang maging marupok sila sa pagkasira ng kanilang mga tirahang basang-lupa.
May ilang uri ng damselfly na may masalimuot na gawi sa panliligaw -Maraming uri ang nagpapakita ng pagkakaiba batay sa kasarian (sexual dimorphism), kung saan mas matingkad ang kulay ng mga lalaki kaysa sa mga babae. Tulad ng mga tutubi, nagpaparami sila gamit ang hindi tuwirang pagpapabinhi at pagkaantala sa pagpapabunga. Sa oras ng pakikipagtalik, bumubuo ang pares ng hugis na tinatawag na “puso” o “gulong”: kinakapit ng lalaki ang babae sa likod ng ulo, at ibinabaluktot naman ng babae ang kanyang tiyan upang kunin ang semilya mula sa pangalawang kasangkapang pantalik na nasa ibaba ng tiyan ng lalaki. Madalas na nananatiling magkasama ang pares, at patuloy pa ring nakakapit ang lalaki habang nangingitlog ang babae sa loob ng tisyu ng mga halaman na nasa tubig o malapit dito gamit ang matibay na ovipositor.
Ginagamit ang mga artipisyal na pain na ginagaya ang mga nimpa ng damselfly sa pangingisdang gumagamit ng wet-fly. Minsan ding kinakatawan ang damselfly sa mga personal na alahas gaya ng brotsa
Pag-uuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]ng Zygoptera ay isang sinaunang pangkat, na ang pinakamatandang mga fossil ay nagmula pa sa panahong Kimmeridgian ng Huling Jurassic, mga 152 milyong taon na ang nakalilipas. Natuklasan din ang mahusay na napreserbang mga larba at balangkas (exuviae) ng damselfly mula sa panahong Eocene, na naka-imbak sa ambar sa rehiyong Baltiko. [1] [2]
Ipinakita ng pagsusuring molekular noong 2021 na karamihan sa mga tradisyonal na pamilya ay monophyletic, ngunit ipinakita rin na ang Amphipterygidae, Megapodagrionidae at Protoneuridae ay paraphyletic at kailangang muling ayusin. Natukoy na ang Protoneuridae ay binubuo ng anim na clade mula sa limang pamilya. Sa ngayon, mayroong 27 pamilya ng damselfly, at pito pa ang malamang na mabuo. Ang mga natuklasang clade ay hindi tumutugma sa tradisyonal na katangiang ginagamit sa pag-uuri ng mga buhay at fossil na Zygoptera tulad ng mga ugat ng pakpak, kaya’t kailangan muling suriin ang mga fossil na uri. Ang mga resulta ng pagsusuri ay ipinakita sa puno ng phylogenetic tree sa ibaba, na may pitong bagong pamilya o muling ibinalik na pamilya na minarkahan ng asterisk.[3]
Mga pagsipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 Bechly, G. (2019). "New fossil Odonata from the Upper Jurassic of Bavaria with a new fossil calibration point for Zygoptera". Palaeoentomology. 2 (6): 618–632. Bibcode:2019Plegy...2..618B. doi:10.11646/palaeoentomology.2.6.13. Maling banggit (Invalid na
<ref>tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "Jurassic" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ Bechly, Günter; Wichard, Wilfried (30 December 2008). "Damselfly and dragonfly nymphs in Eocene Baltic amber (Insecta: Odonata), with aspects of their palaeobiology" (PDF). Palaeodiversity. 1: 37–73. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2 April 2015. Nakuha noong 16 March 2015.
- ↑ Bybee, Seth M.; Kalkman, Vincent J.; Erickson, Robert J.; atbp. (2021). "Phylogeny and classification of Odonata using targeted genomics". Molecular Phylogenetics and Evolution. 160. Elsevier BV: 107115. Bibcode:2021MolPE.16007115B. doi:10.1016/j.ympev.2021.107115. ISSN 1055-7903. PMID 33609713.
{{cite journal}}:|hdl-access=requires|hdl=()CS1 maint: article number as page number (link)
Pangkalahatan at binanggit na mga mapagkukunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Berger, Cynthia (2004). Dragonflies. Stackpole Books. p. 2. ISBN 978-0-8117-2971-0.
- Dijkstra, Klaas-Douwe B. (2006). Field Guide to the Dragonflies of Britain and Europe. British Wildlife Publishing. ISBN 978-0-9531399-4-1.
- Paulson, Dennis (2009). Dragonflies and Damselflies of the West. Princeton University Press. ISBN 978-1-4008-3294-1.
- Trueman, John W. H.; Rowe, Richard J. (2009). "Odonata". Tree of Life. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 November 2010. Nakuha noong 25 February 2015.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Puno ng Buhay: Odonata
- Mga tutubi at damselflies sa UF / IFAS Featured Creatures Web site
- Minnesota Dragonfly Society: Biology and Ecology