Pumunta sa nilalaman

Uíge

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Uíge
Munisipalidad at lungsod
Pangunahing karsada sa Uíge
Pangunahing karsada sa Uíge
Uíge is located in Angola
Uíge
Uíge
Kinaroroonan sa Angola
Mga koordinado: 7°37′S 15°03′E / 7.617°S 15.050°E / -7.617; 15.050
Bansa Angola
LalawiganUíge
Itinatag1946
Taas
858 m (2,815 tal)
Populasyon
 (2010)
 • Kabuuan119,815
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaAw

Ang Uíge (dating tinawag na Carmona mula 1955 hanggang 1975) ay ang kabisera ng lalawigan ng Uíge sa hilagang-kanlurang Angola. Lumago ito mula isang maliit na sentrong pampamilihan noong 1945 hanggang sa naging lungsod ito noong 1956.

Binago ang pangalan ng Uíge[1] sa Vila Marechal Carmona noong 1955 kasunod ng dating pangulo ng Portugal na si Óscar Carmona. Ito ay pinalitan lamang sa Carmona pagkaraang naging lungsod ito, ngunit binalik ulit sa Uíge ang pangalan nito noong 1975.

Noong pananakop ng mga Portuges ito ay isang pangunahing sentro ng paggawa ng kape noong dekada-1950.[2] Pangunahing sentro ang lungsod ng gawaing panghihimagsik laban sa pananakop ng mga Portuges. Bunga nito, naharap ang lungsod sa madalas na digmaang gerilya sa pagitan ng mga hukbong Portuges at ng National Front for the Liberation of Angola (Frente Nacional de Libertação de Angola o FNLA).[3]

Naganap dito ang tiyak na pinakamalalang paglaganap ng birus na Marburg [en] noong 2005.

Noong 2010 mayroon itong populasyon na 119,815 katao. Noong 2017 ang populasyon nito ay 60,008 katao.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Eribo, Festus (1997). Press freedom and communication in Africa. Africa World Press. pp. 330–. ISBN 978-0-86543-551-3. Nakuha noong 22 Enero 2011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Uige". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 21 Enero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "City councils of Angola". Statoids. Nakuha noong 9 Abril 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Population of Cities in Angola (2017)". worldpopulationreview.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-30. Nakuha noong 2017-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)