Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa
Nilagdaan | 10 Disyembre 1982 |
---|---|
Lokasyon | Montego Bay, Jamaica |
Nagkabisà | 16 Nobyembre 1994[1] |
Kundisyon | 60 ratipikasyon |
Nagsilagda | 157[2] |
Partido | 166[2][3] |
Depositaryo | Secretary-General of the United Nations |
Mga wika | Arabic, Tsino, Ingles, Pranses, Ruso at Espanyol |
United Nations Convention on the Law of the Sea at Wikisource |
Ang Kumbensiyon ukol sa Batas ng Dagat ng Mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations Convention on the Law of the Sea) o UNCLOS, tinatawag din na Law of the Sea Convention (transliterasyon: Kumbensiyon sa Batas ng Dagat) ay ang pandaigdigang kasunduan na bunga ng ikatlong United Nations Conference on the Law of the Sea (UNCLOS III), na nangyari mula 1973 hanggang 1982. Itinatakda ng Law of the Sea Convention ang mga karapatan at pananagutan ng mga bansa kaugnay ng kanilang paggamit ng mga karagatan ng daigdig, nagtataguyod ng mga alituntunin sa mga negosyo, kalikasan at pamamahala ng likas na yamang dagat. Nagtapós ang kumbensiyon noong 1982 at pinalitan ang apat na tratado ng 1958. Nagkabisà ang UNCLOS noong 1994, isang taon matapos maging ika-60 bansang lumagda sa tratado ang Guyana. Noong Agosto 2013, 165 bansa at ang European Union ang umanib sa Kumbensiyon. Subalit, walang katiyakan ang lawak ng saklaw ng pagkodigo nito napagkaugaliang batas pandaigdig.
Paglagda at ratipikasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinimulan ang pagpapalagda ng kumbensiyon noong Disyembre 10, 1982 at nagkaroon ng bisà noong Nobyembre 16, 1994 nang maideposito ang ika-60 instrumento ng ratipikasyon.[1] Ang kumbensiyon ay niratipikahan ng 166 partido, kasama ang 165 estado (163 kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa dagdag pa ang Kapuluang Cook at Niue) at European Union.[2][4]
- Kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa na lumagda, ngunit di nagratipika
- Cambodia, Colombia, El Salvador, Iran, North Korea, Libya, United Arab Emirates
- Bansang-looban: Afghanistan, Bhutan, Burundi, Central African Republic, Ethiopia, Liechtenstein, Rwanda
- Kasaping estado ng Mga Nagkakaisang Bansa na hindi lumagda
- Eritrea, Estados Unidos, Israel, Peru, Syria, Turkey, Venezuela
- Bansang-looban: Andorra, Azerbaijan, Kazakhstan, Kyrgyzstan, San Marino, South Sudan, Tajikistan, Turkmenistan, Uzbekistan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "The United Nations Convention on the Law of the Sea (A historical perspective)". United Nations Division for Ocean Affairs and the Law of the Sea. Nakuha noong 30 Abril 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "United Nations Convention on the Law of the Sea". United Nations Treaty Series. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-12. Nakuha noong 2013-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Chronological lists of ratifications of, accessions and successions to the Convention and the related Agreements". United Nations Division for Ocean Affairs and the Law of the Sea. 8 Enero 2010. Nakuha noong 2010-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ La Convention des Nations Unies sur le droit de la mer, instrument de régulation des relations internationales par le droit, éd. L'Harmattan, 2011