Unang Pahina/Temp

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Maligayang pagdating sa Wikipedia,

75,164 mga artikulong nasa Tagalog.
Philippines collaboration.png

Patungkol · Magtanong · Mag-ambag · Magbago · Tulong

Paksain · Indeks mula A hanggang Z

Cscr-featured.svg Napiling artikulo
Ang Lungsod ng Maynila sa gabi. Kinuha ang litrato sa Harbour Square

Ang Lungsod ng Maynila (Opisyal: City of Manila), kilala bilang Maynila, ay ang kabiserang lungsod ng Pilipinas na isa sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo ng Kalakhang Maynila. Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Look ng Maynila na nasa kanlurang bahagi ng pambansang punong rehiyon na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Luzon, isa ito sa mga sentro ng negosyo ng umuunlad na kalakhang pook na tinitirahan ng humigit sa 19 na milyong katao. Ang Maynila, na sumasakop ng 38.55 na kuwadrado ng kilometro, ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, na may humigit-kumulang na 1.6 milyong kataong naninirahan. Pero ang kalapit na lungsod, ang Lungsod Quezon, ang dating kabisera ng bansa, ay mas matao. Ang kalakhang pook ay ang pangalawang pinakamalaki sa Timog-silangang Asya. Ang Maynila ay may 900 na kilometro ang layo mula sa Hongkong, 2,400 na kilometro ang layo mula sa Singgapur at mas marami ng 2,100 na kilometro ang layo sa hilagang-silangan mula sa Kuala Lumpur. Ang Ilog Pasig ang humahati sa lungsod ng dalawa. Sa depositong alubyal ng Ilog Pasig at Look ng Maynila nakapwesto ang nakakaraming sinasakupan ng lungsod na gawa mula sa tubig.

Gnome globe current event 1.svg Mga kasalukuyang kaganapan
Black hole - Messier 87 (cropped).jpg
  • Pinasyahan ng Korte ng Timog Korea na ang pagbabawal sa aborsyon ay labag sa saligang-batas.
  • Sa Pilipinas, "matinding pinag-iingat" ng PAGASA ang publiko sa mainit na panahon na pumapalo ang temperatura ng indeks ng init sa 32°C hanggang 41°C.
  • Sa darating na Semana Santa sa Pilipinas, inaasahang tataas ang trapiko sa NLEX at CAVITEX ng 15-20 bahagdan.
  • Inilabas ng mga siyentipiko sa proyektong Event Horizon Telescope ang kauna-unahng litrato ng event horizon (o pinalagay na hangganan) ng black hole (nakalarawan). Ang nailitrato ay ang supermassive o napakalaki at napakabigat na black hole sa gitna ng galaksiya ng Messier 87, at nakunan ito gamit ang isang network ng walong teleskopyong radyo sa buong sanlibutan.
  • Kinilala ang Homo luzonensis bilang isang bagong espesye ng tao na natuklasan sa Yungib ng Callao, Hilagang Pilipinas.
  • Cscr-featured.svg Napiling larawan
    Niels Bohr - LOC - ggbain - 35303.jpg

    Si Niels Henrik David Bohr (Oktubre 7, 1885Nobyembre 18, 1962) ay isang pisikong Danes na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagkaunawa sa kayarian ng atomo at kwantum mekaniks. Dahil sa kanyang kontribusyon, natanggap niya ang Gantimpalang Nobel sa pisika noong 1922. Si Bohr ay isang pilosopo din at tagataguyod ng makaagham na pananaliksik. Binuo niya ang modelong Bohr ng isang atomo, kung saan kanyang ipinanukala na ang mga antas ng enerhiya sa mga elektron ay diskreto at ang mga elektron na ito ay umiikot sa mga matatag na orbita sa palibot ng nukleyus ng atomo ngunit maaring tumalon mula sa isang antas ng enerhiya (o orbita) patungo sa isa pa. Bagaman napalitan ang modelong Bohr ng iba pang mga modelo, nanatili pa rin na balido ang pinagbabatayang prinsipyo nito. May-akda ng larawan: Bain News Service, tagapaglathala; Naipanumbalik ni: Bammesk

    Alam ba ninyo Vraagteken.svg

    Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

    Chandra 04.jpg
    • ... na ang makasaysayang lungsod ng Samarqand, Uzbekistan ay idinagdag ng UNESCO sa talaan nito ng mga Pandaigdigang Pamanang Pook noong 2001 bilang Samarkand – Crossroads of Cultures?
    • ... na sa lungsod ng Magadan sa dulong-silangang Rusya, isandaang araw lamang ang panahon ng pagtubo ng mga halaman doon dahil sa maginaw na klima?
    • ... na si Chandra Bahadur Dangi (nakalarawan) ay ang pinakamaigsing tao na namatay noong 2015?
    • ... na si Sultan Kösen ay ang pinakamatangkad na nabubuhay na tao sa mundo?
    • ... na ang Golpo ng Leyte ay isang mayamang pinagkukunan ng alimango noong 1985?


    Nuvola apps date.png Sa araw na ito ...

    Walang pang nakatala para sa araw na ito. Magdagdag?
    Ngayon ay Abril 18, 2019 (UTC) – Sariwain ang pahina





    Crystal Clear app email.png Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館

    Wikimedia-logo.svg Pag-uugmang Multilingwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia