Unibersidad ng Alexandria
Ang Unibersidad ng Alexandria (Ingles: Alexandria University, Arabe: جامعة الإسكندرية) ay isang pampublikong unibersidad sa Alexandria, Ehipto. Ito ay itinatag noong 1938 bilang isang satelayt na kampus ng Fouad University (na kinalaunan ay naging Unibersidad ng Cairo), at naging independiyenteng entidad noong 1942. Ito ay kilala bilang Pamantasang Farouk (Farouk University) hanggang sa Rebolusyong Ehipto noong 1952 nang ang pangalan nito ay binago sa Unibersidad ng Alexandria. Si Taha Hussein ang kauna-unahang rektor ng Unibersidad. Ito ang pangalawang pinakamalaking unibersidad sa Ehipto at maraming mga partner na iba't ibang unibersidad para sa patuloy na pananaliksik .
31°12′07″N 29°54′19″E / 31.20194°N 29.90528°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.