Unibersidad ng Bradford

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Richmond Building

Ang Unibersidad ng Bradford (Ingles: University of Bradford) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Bradford, West Yorkshire, Inglatera. Ang unibersidad ay nakatanggap ng Royal Charter nito noong 1966. Ito ang ika-40 unibersidad na nalikha sa Britanya, ngunit ang pinagmulan nito ay maiuugat pa sa unang bahagi ng ika-19 na siglo. Mayroon itong dalawang kampus: ang pangunahing kampus na matatagpuan sa Richmond Road at ang School of Management, sa Emm Lane.

Ito ang unang unibersidad ng Britanya na nagtatag ng isang kagawaran sa araling kapayapaan (peace studies) noong 1973, na sa kasalukuyang pinakamalaking sentro ng unibersidad sa mundo para sa pag-aaral ng kapayapaan at tunggalian. [1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Peace Studies – University of Bradford". Hinango noong 16 Hulyo 2015.

Mga koordinado: 53°47′30″N 1°46′02″W / 53.79155°N 1.76721°W / 53.79155; -1.76721
Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.