Unibersidad ng California, Santa Cruz
Ang Unibersidad ng California, Santa Cruz (kilala rin bilang UC Santa Cruz o UCSC), ay isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik at isa sa 10 kampus ng sistemang Unibersidad ng California. Matatagpuan sa 75 milya (120 km) sa timog ng San Francisco sa gilid ng kostal na komunidad ng Santa Cruz, ang kampus ay namamalagi sa 2,001 akre (810 ha) ng kaburulan kung saan matatanaw ang Dagat Pasipiko at Look ng Monterey.
Itinatag noong 1965, ang UC Santa Cruz ay nagsimula bilang isang showcase para sa progresibo at multidisiplinaryong pag-aaral sa antas undergraduate, makabagong pamamaraan ng pagtuturo, at kontemporaryong arkitektura. Simula noon, ito ay lumaki sa isang modernong unibersidad sa pananaliksik na may isang malawak na hanay iba't-ibang programa hanggang antas gradwado, habang napananatili ang reputasyon nito sa malakas na suporta sa antas undergraduate at aktibismo ng mga mag-aaral. Ang sistema ng mga residensyal na kolehiyo, ay ginawa upang pagsamahin ang konsepto ng pagsuporta sa mag-aaral sa loob ng maliit na kolehiyoat ang pagkukunan ng isang malaking unibersidad.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.